[Taken]
Yohan's POV
Paglabas ko ng garden hinanap ko kaagad si Gwent, pero di ko siya makita. Pati na din si Brylle wala dito. Si Kyle, Rochelle, tska si Paulo lang ang nakita ko. Nag hahabolan sila kaya di agad nila ako napansin.
Kinabahan bigla ako. Paano kung ano nalang ginawa ng babaeng 'yon. Paano kung kausap niya na si Brylle? Makakasama kay Brylle kapag pinilit niya itong makaalala.
"Where is Gwent?" Pagkasambit ko nun natigil yung tatlo.
Di ko na din kasi natago yung kaba sa tono ng boses ko.
"Ilang minuto ka lang nawala bro... namiss mo agad." Sambit ni Paulo. "Di naman ata makikidnap yung girlfriend mo sa loob ng compound."
Di ko nalang siya pinansin at nakipaghabolan nanaman siya.
Pumunta ako sa extension ng garden papunta sa pond. Habang papalakad palang ako malapit sa may pond narinig na yung boses ni Gwent. Huminto ako at siniksik ko yung sarili ko sa mga halaman. Sumilip ako ng kunti at nakita ko nga si Gwent kasama niya si.... Brylle.
"Kapag may gusto kang sabihin sa isang tao at nahihirapan ka, pwede mo gawin iyon sa ibang pamamaraan.. katulad nitong ribbon." Sambit ni Gwent habang tinatali niya yung ribbon sa kamay ni Brylle.
Napatingin ako kay Brylle. Kakaiba yung mga titig niya kay Gwent. I know that kind of stare, kapag in love ang isang tao. Kahit pala nakalimot si Brylle naalala pa rin ng puso niya si Gwent. Masyadong maswerte si Gwent kay Brylle pero pinakawalan niya lang 'to. I think she don't deserve Brylle.
Napaangat siya ng ulo niya at nakita niyang nakatitig sa kanya si Brylle. Mukhang nagulat pa siya.
"Babalik ka sa akin?" Seryosong tanong ni Brylle kay Gwent. Nanlaki pa yung mata ni Gwent sa gulat. Bigla naman siyang tinawanan ni Brylle dahil doon. "Iyon yung nakalagay sa ribbon ehh."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. Akala ko kung ano na ang pinagsasabi ni Brylle.
"Ahh... kasi." Panimula niya habang nag iisip. "Hindi naman makakapag salita ang memorya mo kaya ko sinulat iyan."
napatingin ulit si Brylle sa ribbon.
"Wag kang mag-alala babalik din siya sa'yo..." Panimula ni Gwent. "Babalik din yung alaalang nawala sa'yo."
"Paano mo nalaman na hindi ako makaalala?" Tanong ni Brtlle. "Dahil kahit si Yohan walang alam tungkol dito."
Mukhamg kinabahan bigla si Gwent dahil doon.
Bakit ba kasi padalosdalos. Sarili niya lang ang iniisip niya. Ni hindi niya inisip yung kalagayan ni Brylle, at kung makakasama ba to kay Brylle.
Lumabas na din ako sa pinagtatagoan ko dahil mukhang di na magawang magsalita ni Gwent.
"Ano kasi-- ahmm--."
"I told her." Singit ko. Sabay pa silang napalingon sa akin. "Ate Pauline already told me about your condition."
Tiningnan ko agad yung reaksyon ni nilang dalawa. Nagulat si Gwent sa Presence ko habang si Brylle ay kalmado lang.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila pareho.
Nagkatinginan silang dalawa sandali tska natawa. Di ko alam kung bakit nila ako tinawanan. At mukhang silang dalawa lang talaga ang makakaintindi sa tawanan nila.
"Tayo lang dito ang maiiwan mamaya..." Panimula ko sa kanila. Naging seryoso naman agad silang dalawa. "Tita Patricia and Grandma are on their way to the manila para sa check-up ni Grandma. While sila dad naman aalis for business. Si ate Pauline, she will stay umalis lang siya sandali para asikasohin yung kasal niya."
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)