[Getting to know]
''Good to see you son.'' Sambit ni dad pagkadating ko palang sa property niya.
''I'm just doing this for--''
Naputol yung sinasabi ko ng tawagin ako ni Kyle sa pangalan ko.
''Yohan!''
Ang saya saya niya habang tumatakbo papalapit sa akin. Hinawakan niya agad yung kamay ko ng makalapit siya sa akin.
''Up.'' Inangat niya yung kamay niya na parang nagpapakarga siya.
Nagdadalawang isip ako kung kakargahin ko ba siya. Nakapag isp isip din ako nung mga nakaraang araw na hindi na dapat siya madamay sa galit ko. Actually tanggap ko na siya, pero 'di pa din ako sanay sa presence niya.
Balak ko na sana siyang kargahin ng biglang nagsalita si tita Katrina.
''Kyle, your kuya Yohan and daddy needs to talk... '' panimula ni tita Katrina. ''mamaya na lang baby, okay?''
Napasimangot si Kyle sa sinabi ng mommy niya. Wala na din na nagawa si Kyle kundi sumama sa mommy niya palabas ng bahay.
''Well, seems like Kyle really likes you.'' Sambit ni dad ng makaalis sila. ''He always wanted to meet you.''
''Does he already knows?'' Tanong ko.
''Masyado pa siyang bata para malaman iyon...'' panimula ni dad. ''All he know is kapatid ka niya. I'll explain everything paglaki niya.''
''I hope that little man won't grow fast.'' Natawa kami pareho ni dad sa sinabi ko.
''Okay you better fix yourself... nasa taas yung kwarto mo.'' Sambit ni dad tska maytinawag siyang katuloy. ''Nanay Fe will lead you to your room... mamaya darating na din ang tita Patricia mo kasama yung mga anak niya at kasama nila yung mommy ng tita Katrina mo.''
Sinamahan ako ni Nanay Fe sa kwarto ko.
''Thank you po nanay Fe.'' Sambit ko bago pa siya makaalis. Ngumiti siya sa akin tska umalis na din.
Pagpasok ko palang bumungad na sa akin yung blue colored na kwarto. Just like what i wanted nung bata palang ako. Mukhang pinasadya pa talaga ni dad 'to. Malaki yung kwarto tska may king size na kama.
Nilapag ko sa gilid yung maleta ko. Napahiga agad ako sa kama.
I'm so exhausted.
Napabangon ako ng marinig ko yung mahinang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nakita kong napasilip si Kyle. Pumasok siya tska napatakbo siya papalapit sa akin.
''Why are you here?'' Tanong ko sa kanya.
''Shh...'' sinita niya ako. ''Tumakas ako kay mommy. She doesn't allow me to go here kasi--''
''Kyle?'' Natigil si Kyle ng marinig niya yung boses ni tita Katrina.
Napasilip si tita Katrina sa kwarto ko. Lumapit agad siya kay Kyle tska lumuhod siya para makapantay niya si Kyle.
''Kyle I told you... magpapahinga muna si kuya...'' panimula niya. ''Sasusunod mo nalang puntahan, okay baby?''
Tumayo na si tita Katrina tska hinawakan yung kamay ni Kyle. Tumingin muna siya sa akin bago umalis.
''Pagpasensyahan mo na Yohan si Klye.'' Panimula niya. ''Medyo makulit kasi ehh... he really just wanted to see you.''
''No tita...'' napahinto siya ng papaalis na sila. ''It's okay. He can stay.''
Napangiti si Kyle sa sinabi ko. Pati si tita Katrina mukhang masaya siya na narinig niya. Iniwan niya si Kyle sa kwarto ko tska umalis na din siya.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Roman pour AdolescentsIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)