Chapter 13

81 7 0
                                    

[Family day]

Yohan's POV

"Bago tayo sumunod kila Brylle kailangan muna natin samahan si Kyle." Paliwanag ko sa kanya. "Dad and tita Katrina won't make it sa family day dahil busy sila sa pag-asikaso ng business."

"Wow! Edi madaming games na gaganapin." Parang bata ngayon si Gwent na excited maglaro.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagpasok palang niya napansin niya si Kyle na nakaupo sa back seat.

"Hello baby boy." Bati niya Kyle. "Ang cute mo talaga." Pinisil niya ng mahina sa pisngi si Kyle.

"Kanino pa ba 'yan magmamana... edi sa akin." Banat ko sa kanya at natawa siya sa sinabi ko.

"Sige na guwapo ka na din." Sambit niya at tinarayan niya ako bago tuluyang pumasok ng sasakyan.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Kagabi ko palang sinabi sa kanya yung tungkol sa Family day. 'Di naman siya tumanggi lalo na nung sinabi kong para kay Kyle namin 'to gagawin. Natawa pa nga ako ng bago kami nakarating ng café para sunduin siya, dahil habang nasa malayo palang siya nakikita ko nang nag aabang siya doon sa labas.

Mukhang excited talaga siya.

Lalo na ng makita ko yung suot niya. Naka maong siya na abot hanggang tuhod tska naka T-shirt na black na baka tak-in pa. Masgusto daw kasi niyang ganon dahil maskomportable daw pagdating sa digmaan, este sa laro daw na gaganapin. Gusto niya daw kasing manalo kahit isa sa mga games para kay Kyle.

Nag uusap pa yung dalawa habang nagda-drive ako. Halos mabali na yung leeg ni Gwent kakalingon kay Kyle sa likod. Si Kyle naman sobrang tuwa. Pinag uusapan nila yung plano nila sa bawat laro. Parang coach lang ang dating ni Gwent habang nagpapaliwanag kay Kyle.

Mabilis din naman kami nakarating sa school ni Kyle. Hinila kami ni Kyle papunta sa mga ka-klase niya.

"Mr. and Mrs. Gonzales?" Pagtatawag ng isang Faculty member ata 'yon.

"Here!" Pagtatawag ko ng pansin nung nag announce.

"Ohh, Mr. Gonzales?" Paniniguro pa niya. Tumango naman agad ako sa kanya. "Oh talagang may pinagmanahan ka Kyle ahh..." Umupo pa siya para makapantay si Kyle. "Ang gwapo at ang ganda ng mommy at daddy mo ah." Ginulo niya yung buhok ni Kyle.

"Uhm, Sorry but we are not the parents..." Panimula at nagtaka siya. "Kami lang yung representative 'coz Dad couldn't make it in this event." Paliwanag ko. "I'm Kyle's brother and this is my girlfriend." Pagpapakilala ko.

"Ah, okay lang po 'yun Mr. Gonzales..." paliwanag niya. "But to enter all the games  you have to wear this shirt." dagdag pa niya.

Inabot niya sa akin yung dalawang pink shirt. Umalis din naman siya ng kunin ko iyon. binuksan ko yung nakatuping shirt. Para siyang couple shirt na may nakalagay na Mr. Gonzales at yung isa naman ay Mrs. Gonzales sa likod ng Shirt. Kinuha agad ni Gwent yung isa. Napalingon agad ako sa kanya.

"Bilis magbihis kana para maka register na tayo. Babantayan ko muna si Kyle." Atat niyang wika.

Seriously, Excited talaga siya.

Nagpalit naman agad ako at pinalitan ko siya sa pagbabantay kay Kyle para nakapagpalit na din siya. Natatanaw ko na siya sa di kalayuan at nakasuot na siya ng Uniform namin.

"Bagay sa'yo yung apilido." Banat ko sa kanya at kinindatan ko ng makalapit siya sa amin ni Kyle.

Natawa nalang ako ng tarayan niya ako. Napalingom ako kay Kyle na nasa gilid ko lang at tska ko lang napansin na katulad ng suot namin ni Gwent ang suot ngayon ni Kyle. 'Yun ngalang 'Baby Gonzales' yung nakalagay sa likod ng shirt niya.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon