Chapter 19

53 6 0
                                    

[Bed time stories]

Gwent's POV

"Good choice darling..." Bungad sa akin ni Tita Patricia. "So, whats keeping you to stay?" Maykakaibang tono sa boses niya habang ngiting ngiti na napapatingin sa amin ni Yohan.

"Ah... Eh..." Usal ko.

Di ko alam kung ano sasabihin ko. Basta nalang kasi ako dinala ni Yohan sa bahay nila para magstay daw doon.

"Ahm." Panimula ni Yohan tska nagulat nalang ako ng naglakbay yung isang kamay niya sa likod ko papunta sa bewang ko tska ako hinila papalapit sa kanya. "I guess she just can't stay a thousand miles away from me..." Nakangiti siyang lumingon sa akin. "Ganon talaga siyang tinamaan sa akin. Maysdong in love sa akin ehh... ayaw ng umalis."

"Ahh.. hehehe." tumawa nalang ako para sumang ayon.

Pero sa kailaliman ko sinusumpa ko siya...

'Bwsit na'to kong anu anong pinagsasabi sa tita niya... humanda ka manaya't babaklasin ko lahat ng muscles mo sa katawan.' sambit ko sa isipan ko.

Kinindatan pa ako ni Yohan at pinandilatan ko siya at ibinalik niya ang paningin niya kay tita Patricia.

"Hihihi... how sweet fo youuuuu two.." Ngiting ngiti na wika ni Tita Patricia sa harapan naming dalawa.

"She's staying here at medyo matatagalan siya dito tita so I decided that maybe she can stay at---" Naputol bigla yung sinasabi ni Yohan ng sumingit yung tita niya.

"At your room..." Tawang tawa pang wika nito. "Of course she should stay at your room, hihihi."

"But... The guest room is avai--"

"Wala naman masama doon diba.." Tanong pa ng tita niya. "She should stay at your room."

Napatingin ako kay Yohan at parang di matanggihan yung tita niya. 'Huli ka!!! Hahaha... Manigas ka mamaya sa sofa! Akin ang kama mo!'

"Sasabihan ko nalang ang dad mo na nakauwi kana and about our lovely guest..." Sabay tingin sa akin ng tita niya. "Paulo and Pauline are on their way home while si Rochelle kasama niya pa sa hospital si Briana... tulog na.din si Kyle... you two you take a rest too."

Nagkwento din yung tita niya na bumalik yung parents ni Yohan sa Business trip at susunod na din daw siya doon.

"Hoy hintayin mo ako!" Dinig kong sigaw ni Yohan sa baba.

Hindi ko siya pinansin at tumakbo ako paakyat habang siya bitbit yung malaking maleta ko. Bahala siya sa buhay niya! Masbinilisan ko pa yung pagtakbo ko dahil nakikita ko siyang sinusubukan akong habulin... tch! Uunahan pa ako!

"Hoy! bawal ka--"

Hindi ko na siya pinansin at binuksan ko yung pinto ng kwarto niya. Sandali pa akong natigil habang nasa may pinto at nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. Kumhang masayang matulog dito ahhh . ^-^

Mabilis akong tumakbo sabay talon at itinumba ko yung katawan ko upang mapahiga sa kama niya. An lamboooot!!!

"Hoy umalis ka nga dyan." Suway pa niya.

"Aghhhh!!!" Sabay unat ko at para akong starfish na sinakop ko ang buong kama. "ahh, Good niiiiight!"

"Anong good night???" Tapik niya sa paa ko. "Good night, good night ka dyan!!! doon ka sa sofa!"

'Aba, bastos 'to ahh... Subukan mo lang ako Patulogin sa sofa at sisipain kita!'

Narinig ko siyang tumawa.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon