Chapter 16

42 7 1
                                    

[Notes]

Gwent's POV

Mahimbing pa rin siyang natutulog. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Kahit maghapon ko siyang titigan hindi ko magawang masawa sa pagtitig sa kanya.

Kahit kunti lang yung tulog ko maspinili kong magising ng maaga dahil alam kong mamaya din ay hindi ko na malalapitan si Brylle. Lalo na kapag nandito na silang lahat.

Ganon pa rin sa loob ng kwarto ni Brylle. Kaming tatlo lang ang nasa loob. Ako si Brylle tska si Yohan. Mukhang wala pa ngang tulog si Yohan at halatang matamlay siya.

"Kahit nawalan ka ng alaala ang sungit mo pa rin." Natatawa kong wika.

Kinakausap ko siya kahit na walang malay. Sinusubukan kong ngumiti para sa kanya dahil alam kong papagalitan niya ako kapag nakita niya akong malungkot. Ganon naman siya palagi ehh. Paminsan nga nagmumukha na siyang tanga para lang patawanin ako.

'Alalahanin mo, iingatan kita at gusto kong mapunta ka sa taong mamahalin ka ng lubos.'  

Naalala ko bigla yung sinabi niya sa akin. Palagi niya iyon sa akin sinasabi simula ng pasukin ko ang mundong ginagalawan niya. Napangiti ako ng wala sa sarili dahil doon. Hindi niya inaasahan na siya yung lalaking tinutukoy niya noon sa mga sinasabi niya sa akin...

Ganon pala talaga maglaro ang tadhana.

And I think everything has it's own reason kung bakit to nangyayari. At sa tiningin ko binigyan ako ng tadhana ng panahon upang mapag-isipan kong bumitaw. I want him to be happy... even if I'm not the reason why. I just want him to be happy and that's all.

Napalingon ako sa may sofa at nakita ko si Yohan na pinagmamasdan kami ni Brylle kanina pa. Napaiwas naman siya ng tingin. Napatayo ako ng biglang bumukas yung pintoan ng Kwarto ni Brylle.

Una kong nakitang pumasok si Ate Pauline kasama ang daddy ni Yohan at ng stepmom niya, pati na din si tita Patricia, paulo at Rochelle. Akala ko sila lang ang papasok, pero maynakasunod pang isang babae. Nanigas ang buong katawan ko ng makita ko siya. Di ko alam kung anong gagawin ko dahil sa pagkabigla ng makita ko siya. Di ko din alam kung kilala ba niya ako.

Napatingin siya sa akin pero agad naman iniwas ang paningin niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang di niya nga talaga ako kilala. Masmabuti na din iyon.

Mabuti nalang at hinila ako ni Yohan papalapit sa kanya dahil na tulala na talaga ako doon sa babae. Mabilis na napalapit yung huling pumasok na babae at naiiyak na lumapit ito kay Brylle at napayakap. Iyak lang siya ng iyak at parang di niya alam kung anong gagawin.

"B-baby..." Naiiyak nitong wika habang napapahaplos sa noo papuntang buhok ni Brylle. "Can you hear me?" Maslalo siyang naiyak ngayon. "You need to speak up. Kailangan ka ni mommy... y-you need to wake up, okay?"

Napahawak siya sa bibig niya at naiiyak habang pinagmamasdan ang anak niyang walang malay. Nag aalala na siya ng sobra at di makapaniwala sa nakikita niya.

"I already lost you once and I don't wanna feel the same pain." Huminto siya upang makahinga ng malalim dahil sa pag iyak. "Diba ayaw mong nakikitang malungkot si mommy? kaya kailangan mong gumising ahh."

Nanginginig siyang hinahawakan yung isang kamay ni Brylle at napahalik doon. Mukhang nanghihina na siya dahil sa nakikita niya. Lumapit naman agad sa kanya si ate Pauline.

"Tita Briana, you need to take a sit." Nag aalalang wika ni ate pauline at pinaupo ang mommy ni Brylle sa inupuan ko kanina. "Wala pa po kayong pahinga at kararating n'yo palang po."

"Hayaan mo na ako Pauline. Brylle needs me." Sambit niya at hinayaan na ni ate pauline ang mommy ni Brylle.

"Ate, don't worry...Brylle will be okay." Napalapit na si Tita Katrina sa mommy ni Brylle at yinakap niya ito habang naiiyak na din. "He's a strong kid, malalampasan niya 'to."

Maslalong naiyak pa lalo ang mommy ni Brylle.

"Briana, calm down... Believe him na gigising siya, okay." Pagpapakalma ni Tita Patricia at nakisabay na din na yumakap sa kapatid.

Pinakilala na sa akin ni Brylle dati pa ang mommy niya. Pero sa picture lang iyon. Mommy niya lang ang kasundo niya 'di tulad ng daddy niya. Mommy niya ang dahilan kung bakit nakukuha ni Brylle ang kalayaan niya.Mommy niya ang palaging kakampi niya kaya mahal na mahal niya ang mommy niya.

Parang gusto siyang lapitan at sabihin na mahal na mahal siya ni Brylle. Pero di naman ganon iyon kadali dahil magtataka pa iyon sa mga sasabihin ko.

"Yohan, ihatid mo na si Gwent at magpahinga na din kayo." Nabaling yung atensyon ni ate Pauline sa akin. "Thank you Gwent for staying."

Ngumiti nalang ako kay ate at tumango. Inalalayan ako ni Yohan palabas ng kwarto ni Brylle. Napapalingon pa ako kay Brylle habang papalabas.

Tuluyan na kaming nakalabas at naglakad sa hallway. Walang umiimik sa aming dalawa pero sinasabayan naman ako ni Yohan sa paglalakad. Hanggang sa marating namin yung parking lot tska ko lang napansin yung pagtigil ni Yohan sa harapan ko. Napaangat ako ng mukha ko para makita ko siya.

"I-I'm sorry..." Sambit niya.

Kanina ko pa gusto umiyak pero pinipigilan ko dahil nasa harapan ko si Brylle. Ayaw niyang nakita akong umiiyak.

Ngumiti ako kay Yohan at naluluha nanaman ako. Pinaalala pa kasi niya kaka-'sorry' niya. Kusang lumapit ako sa kanya at napayakao ako sa kanya.

"Thank you." Mahinahon kong sabi. "Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon... kahit na hirap kang gawin iyon."

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Di niya naman kailangan itanggi. Nakita ko silang nagtatalo ng daddy niya at nakikita niya sa akin yung ginawa ng daddy niyang pag-iwan sa kanila ng mommy niya. Mahirap para sa kanya gumawa ng ganong desisyon pero tinulungan pa din niya ako.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko tska hurap sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

'Café'

"Oh anong plano?" Tanong sa akin ni Darcy sabay abot ng kape. "Nakausap mo na ba si Brylle?"

"Hindi, pero okay na din." Ngumiti ako ng mahina. "Kailangan ko na din magpatuloy ng buhay... at kung sakaling maalala na ako ni Brylle di na ako mahibirapan mag move on."

"Ehh, paano yung misyon mo kay Yohan?" Napatingin ako sa tanong niya.

"Ehh, limang araw lang naman yung usapan namin..." Panumila ko. "Ito na yung ikalimang araw ko ehh. Aalis na din ulit ako.. babalik na ako sa malina."

Tumango tango siya at medyo nalunkot. Maiiwan ko nanaman siya dito sa Bicol. Napatingin siya bigla sa papel na sinusulatan ko.

"Ano naman 'yan?" Hinablot niya yung papel. Magtatanong pa siya kung aagawin niya naman. "Things i do or should be done..." Sinimulan niyang basahin iyon. "Memories of Brylle, Move on, Be happy with life." Tinaasan niya ako ng kilay. "Para saan naman 'to?"

"Listahan ng mga gagawin ko bago ako mag suicide..." Serkastiko kong wika. "Ano ba kasi... nangingialam ka ehh." Inagaw ko sa kanya yung papel. "Kahit sabihin ko kung ano 'yan, 'di mo naman ako tutulungan."

Tumayo nalang si Darcy at tinarayan ako at bumalik na sa pwesto niya. Napatingin nalang ako sa mga sinulat kong notes.

Paano ko naman gagawin yung unang lista kung halos lahat ng memories ni Brylle ay nandito sa Bicol, pero ako babalik na ng Manila.

Napabuntong hininga nalang ako...

Kaya ko 'to.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon