[Itong kabanata na 'to ay para kay RosarioCarreon1 na humihingi ng update :-).]
"Beautiful." Tanging komento ni Brylle ng makalabas ako ng banyo.
Titig na titig siya sa bistidang ipinasuot niya sa akin. Kulay krema iyon na maymanipis na manggas na nakalaylay sa aking balikat.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Naitanong ko na lamang.
"Basta." Nakangiting tugon lamang niya.
Hinawakan niya ang aking kamay sabay hila papalabas ng kwartong iyon. Nagtuloytuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng kanyang sasakyan na nakaparada. Akala ko pagbubuksan niya ako ngunit nagulat na lamang ako ng bigla niya ako yakapin mula sa likod.
"I miss you so much." Bulong niya sa tenga ko. Tska siya kumawala at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Wala akong ibang ginawa kundi ang tumanaw lamang sa labas ng bintana habang patuloy sa pagmamaneho si Brylle. Sa sobrang pagkatulala 'di ko agad namalayan ang paghinto ng sasakyan.
Ganon nalamang ang.gulat ko ng mapansin kung saang lugar kami nakarating.
Nandito na kami ngayon sa bahay ng papa ni Yohan. Sumapi sa akin ang kaba ngunit nangunguna ang pagtataka kung bakit kami nandoon.
Hindi na ako bnbinigyan pa ni Brylle ng pagkakataon na magsalita at hinila niya na ako papalabas ng sasakyan. Habang naglalakad kami papasok una kong nakita si Kyle.
"Ate Gwent." Masaya siyang napapatakbo sa gawi namin ni Brylle. Naka taas pa ang dalawang kamay niya na siyang parang sinasalubong kami ng yakap. Sobrang natuwa din ako ng makita ko si Kyle kaya sinalubong ko din siya ng yakap. "Ate what are you doing with kuya Brylle?"
Nilingon pa ni Kyle si Brylle na parang takang taka kung bakit kami magkasama.
"Why is he holding your hands earlier?" Kumunot ang kanyang noo.
"She's kuya Brylle's girlfriend." Sambit naman ng nakasunod sa likod ni Kyle. Si Paulo. "Halika nga dito... wag kang pasaway."
Hihilahin na sana ni Paulo papasok si Kyle ng nagpumiglas ito at muli ako nitong hinarap.
"Why?" Maslalong kumunot ang noo niya kesa sa dati. "You don't love Kuya Yohan anymore?"
Napipi ako sa tanong niya. Nanigas ako at walang ibang nailabas na salita sa aking bibig.
"Ano ka ba Kyle... pag laki mo explain ko sayo. Bubwit ka pa kaya hindi mo maiintindihan." Pabirong binuhat ni Paulo si Kyle papasok ng bahay. Wala na din na nagawa si Kyle kahit na magpumiglas pa ito.
"Gwent, are you alright?" Natauhan ako ng hawakan ako ni Brylle sa balikat. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango. "Let's go?"
Ng makapasok kami ng bahay lahat sila ay nakaupo na sa mahabang mesa. Lahat naman sila ay naglingunan sa gawi namin ni Brylle. Ni isa sa kanila ay walang bahid ng pagtataka 'di tulad ng reaksyon ni Kyle kanina. Mukhang lahat sila ay alam na ang nangyayari at kung ano man namamagitan sa amin ni Brylle.
Parang isang normal na pagkikita lamang. Nagbatian kami sa isa't isa at ni isa sa kanila ay walang ipinakitang ilangan sa mga sandali. Pero kahit ganun pa rin ay 'di ko magawang mapanatag. Nakakahiya naman kasi kinailangan ko pang magsinungaling sa harap nilang lahat noon.
Napuno ng kanya kanyang diskusyon ang mga nasa mesa habang ako ay tahimik lang na kumakain. Hanggang matapos ang kainan ay nanatili akong tahimik.
Maykanya kanya na silang ginagawa kaya naisipan kong pumunta sa gazebo na matatagpuan sa medyo tanggong parte ng Hardin. Mukhang wala din namang nakapansin sa pag alis ko doon.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)