Chapter 32

26 4 0
                                    

"Galingan n'yo ang pag arte... huli na 'to!" Sigaw sa amin ni Darcy pero 'di ko siya magawang pansinin kahit gaano pa kalakas ang sigaw nito.

Kanina pa ako kinakabahan ng malaman ko sa huli ng journal na binigay sa akin ni Rochelle na yung pag-propose ang huling kabanata ng film. Maslalo pang nakadagdag sa kaba kung ng malaman ko kung saan simbahan iyon gaganapin.

Nasa Manila ang simbahan kung saan nag propose si Kuya Renz kay Ate Pauline pero dito namin gagawin ang setting dahil dito din naman sila ikakasal.

Ito rin yung simbahan kung saan ako niyayang magpakasal ni Brylle....

"Sister okay ka lang?" Napalingon agad ako kay Darcy at nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Tumango nalamang ako bilang tugon.

Walang alam si Darcy sa buong detalye ng iniwan ko si Brylle... Tanging alam niya ay wala na kami at naniniwala siya na kung ano man ang rason nun ay makakabuti iyon sa lahat. Ganon niya ako kakilala at pinagtitiwalaan na kahit na wala siyang narinig na kahit isang rason saakin ay 'di na siya namilit pa.

Bumaba naman agad ako ng sasakyan ng pinagtatawag na ako ng mga kasamahan ko at tanging ako nalamang ang wala roon. Ng nasilip ko palang yung pinto ng simbahan para akong nanghina at nanginginig pati tuhod ko.

'pwede bang maging akin ka habang buhay?'

'pwede bang maging akin ka habang buhay?'

'pwede bang maging akin ka habang buhay?'

Mariin akong napapikit ng paulit ulit kong marinig ang tinig ni Brylle bago ko siya iniwan sa lugar na 'to.

"I'm sorry..." Mahinang bulong ko sa hangin. Naglandas ang luha sa mata ko at bigla kong naramdaman ang mainit na bisig na yumakap sa akin. Hindi na ako nagmulat pa ng mga mata kilalang kilala ko na ang presensya niya.

"Wala kang kasalanan...." Ani Yohan at pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang kamay. "...nagmahal ka lang kaya mo nagawa 'yon."

Hindi ehh... Pakiramdam ko kasi kasalanan ko lahat. Handa siyang ipaglaban ako pero sadyang naging mahina ako. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan ng dahil sa akin.

Napakapit ako sa magkabilang gilid ng damit ni Yohan at. "Mahal na mahal ko siya." Patuloy ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

Bakit ba hindi naging simpleng mahal ko si Brylle at mahal niya din ako? Bakit ba kailangan maging kumplikado ang lahat? Bakit na ang daming hadlang? Ano bang nagawa kong kasalanan para mangyari to saakin...

"Guys lets go!" Napaayos ako ng tindig ng marinig ang boses si Paulo.



NASA bungad ako ng pintuan ng simbahan at dahan dahang naglalakad papalapit sa kung saan ako hinihintay ni Yohan. Napapikit ako habang naglalakad... wala namang kasi iyon dahil hindi naman ipapakita ang mukha namin sa film... kundi nakatalikod at kalahati lang ang makikita sa amin. Hindi naman kami pwedeng mapakita ni Yohan ng mukha sa film dahil hindi naman namin istorya iyon.

Habang naglalakad ng nakapikit sinusubukan kong alalahanin yung araw na iyon...

'Paano kun'di ako nang iwan?'

Naalala ko ang dati kong suot na puting bistida ng araw na iyon na sapilitan pa sa akin na pasuotin ni Brylle. Alam niyang ayaw ko ng puti dahil sa paniniwala kong maswerte iyon ay kabaliktaran ang nangyayari kaya hindi ako nagsusuot noon kailanman.

Inaalala ko din yung ngiti niya... kung gaano siya kasaya habang nakikita akong naglalakad papalapit sa kaniya.

Nagmulat na ako ng mata at upang makita kung malapit na ba ako. Tanging limang hakbang nalamang ang ginawa ko ng nakalapit na ako sa kung saan ako hihinto.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon