Chapter 2

104 9 0
                                    

[SEE YOU AGAIN]

''Can you explain... why on earth are you in my hotel last night? Well my assistant just mentioned about it.'' Bungad sa akin ni Jude ng sagutin ko yung tawag niya.

Hindi man lang sa akin na 'hi' o 'hello' o kahit 'good morning' man lang nung sinagot ko yung tawag niya.

''Well, may nangailangan lang ng tulong ko kagabi.'' Panimula ko. ''May nadampot lang akong pusa sa kalsada at mukhang 'di kinayanan yung kalasingan niya kaya dinala ko sa hotel mo. Let her stay there...''

'Di niya ako pinatapos ng pananalita.

''At anong milagros ang ginawa mo sa pusang iyon.'' May tono ng panghihinala yung pagkakasabi niya.

''Hoy! G*go! Nagmamagandang loob lang ako sa babaeng yun. Anong akala mo sa akin?.'' Narinig kong tumatawa siya sa kabilang linya. ''Wag mo nga akong itulad sainyo.''

''Shut up, maniwala sa'yo. Panigurado akong maykapalit 'yun.'' Sambit niya.

Naalala ko tuloy yung ginawa ko sa babaeng iyon kagabi. Natawa tuloy ako sa tuwing naalala ko iyon.

''Why are you laughing?'' Natigil siya sandalinsa kabilang linya. ''Sabi na nga ba may ginawa kang masama ahh.''

''I have 'to go... I'm driving.'' 'Di ko na siya hinintay na magsalita pa agad ko nang binabaan ng telepono si Jude.

Inopen ko yung gallery at hinanap ko yung picture ng babae. Yung ginawa kong ganti sa kamalasan na dinulot niya saakin kagabi.

Natawa ulit ako ng makita ko yung larawan niya.

Tulog na tulog siya, parang mantika. Maybabagsak ng laway sa bibig niya. Pero the best yung drawing ko sa mukha niya na mustache, may whiskers pa siya tska yung malaking nerd glass na ginuhit ko.

Good luck nalang sa pagtanggal niya ng ink sa mukha niya.

Sa hinabahaba ng biyahe ko nawala lahat ng pagod ko ng natanaw ko na yung Mayon. Ang lawak ng lugar at mukhang magandang magbakasyon dito. 'Yon nga lang... wala akong balak na magtagal dito.

Napahinto ako ng sasakyan at lumabas ako ng kotse. Namangha ako sa ganda ng bulkan.

Maybe this vacation wouldn't be bad at all. This is my first time in Bicol.

After this whole thing I'll be on my own. Just like what I planned. And I don't wanna see him anymore.

Bumalik ako sa pagda-drive. Medyo malapit na ako sa resort na pagkikitaan namin ni Dad... or should i call him that?

Habang papalapit na ako sa lugar 'di ko maiwasan na maramdaman ulit yung galit. Napapahawak nalang ako ng mahigpit sa manebela.

This would be the first time na makikilala ko yung kapatid ko kay dad. Pero yung second wife niya matagal ko nang kilala.

Pagbaba ko palang parang ayoko nang ituloy. Or maybe I don't wanna see him anymore. Wala na akong choice. Inisip ko nalng na ginagawa ko 'to para kay mom.

Pagpasok ko ng restaurant ng restaurant nakita ko agad siya. He's sitting and waiting for me. Nadaanan niya ako ng mata niya pero hindi niya ako nakilala. Ganon ba talaga niya katagal na hindi ako nakita. Naglakad nalang ako papalapit then i stopped in front of his table.

''Yohan.'' Napangiti siya ng makita niya ako.

He tried to give me a hug but I offer him a handshake kaya natigil siya. Wala din naman siyang nagawa kundi makipag kamay.

''Take a sit.'' Wika niya. 'Di pa din niya inalis yung tingin niya sa akin. I could tell that this is the first time he looked at me that way. Naupo na din kami. ''I don't have any idea that you'll be that... I mean, look at you, son.''

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon