[CRAZY IDEAS]
Halos tatlong araw din ako nagpalipas ng araw dito sa bicol bago ako nakapag-decide na magpakita ulit kay dad.
Palagi akong tumatamabay sa café malapit sa tinutuluyan kong hotel. Dito ako madalas magpalipas ng oras. Mas gusto kong tumamday sa café. Pangarap kasi dati pa ni mom na magkaroon ng sariling café.
Mamaya pa kami magkikita ni dad kaya naisipan ko na dito muna ako.
''Sir... eto na po yung order mo.'' Sambit sa akin ng nag-serve.
Todo pa cute siya habang nag-se-serve. Siya ang madalas na nagse-serve sa akin dito sa café. Bakla siya... pero kahit ganon ayoko ko naman magpakita ng masamang ugali kaya nguminhiti nalang ako pabalik sa kanya.
Napakuha ulit ako ng sketch pad ko tska ng lapis. Madalas kong gawin yung pagbisita sa isang convenient at tumambay tska nagde-design ako ng building nila. Sinubukan kong ipagpatuloy yung ginawa kong design sa café na 'to simula nung unang beses pa akong pumasok dito.
Simple lang yung ginawa ko. Hindi tulad ng karaniwang na design ko. Sinunod ko lang yung mga bagay na sinabi sa akin ni mom kung sakaling magkaroon siya ng café. Halos magtatatlong oras na ako dito sa café ng natigil ako sa ginagawa ko dahil sa tawag.
"Hello?'' Bati ko sa kabilang linya.
["Yohan...''] kahit napakatagal namin 'di nagkita kilalang kilala ko pa rin ang boses ni dad. ["I have to meet you earlier. Are you free this moment?'']
''Yes dad.'' Kalmado kong wika. ''I'm free at this moment .''
["I wanted it to be more private.''] Sinabi niya sa akin yung lugar. Binaba niya agad yung linya. Halatang nagmamadali siya.
Agad ko naman pinuntahan yung lugar na sinabi ni dad. Isa iyon sa mga properties niya dito sa Bicol. Lagi ko siyang kinukulit nung data ako na magstay kami dun sa lugar na 'yon. Gustong gusto ko nung bata ako na tumira sa lugar na 'yon.
Medyo nahirapan ako hanapin yung lugar kaya medyo natagalan ako bago makarating doon. Halos isang oras akong nagdrive papunta sa lugar na iyon.
Pinagbuksan agad ako ng gate nung guard. Pagpasok ko ng kotse ko sa loob nakita ko agad yung view na sobrang ganda. Lagi ko kadi nakikita yung picture na 'to nung binili ni dad 'tong property nung bata pa ako.
Malaki yung lugar at may mga malalaking divided na mga kwarto sa loob. Meron na ding isang villa sa loob. Balak sana 'to ni dad gawing resort, tulad lang ng pangarap niya. Hindi ko lang alam kung anobg pumipigil sa kanya at hanggang ngayon 'di pa din niya sinisimulan 'tong pangarap niya.
Pinark ko yung kotse ko sa harap ng villa. Pagbaba ko sinalubong agad ako ni dad.
''Looks like matutupad yung isa sa mga pangarap mo nung bata ka pa.'' Panimula niya. Medyo nagugulohan ako sa sinabi niya. ''Pag-usapan nalang natin sa loob.''
Pumunta kami sa likod kung saan kita naman yung Mayon. Pinaupo niya ako, nasa balcony kami ngayon. May naka lapag na envelope sa mesa.
''Open it.'' Sambit ni dad. Ginawa ko naman iyon.
Pagbukas ko ng envelope nakita ko agad yung sulat. Sigurado akong handwriting iyon ni mom. Binasa ko yung sulat... 'di ako makapaniwala sa gustong mangyari ni mom.
''Three years ago nung nagkita kami ng mom mo....'' panimula niya. ''Gusto niyang magstay ka sa akin for two months bago mo makuha ang iniwan sa'yo ng mom mo. At kailangan mong ipakilala ang girlfriend mo... the girl you'll marry. That's all.''
That's all? Yung pag stay ko nga dito ng two months masyado nang torture.... Yung magka girlfriend pa kaya? And I'm not in a relationship.
''I'm not getting married with someone.'' Wika ko. Natigil si dad sa sinabi ko.
''But... your tita Patricia saw you na maykarga kang babae... the day before you left from Manila.'' Napa-isip ako sa sinabi ni dad. Naalala ko yung tinulungan kong babae. That careless girl. ''Is she your girlfriend?'' Tanong sa akin ni dad. 'Di ako makasagot sa kanya. ''Kung hindi... kailangan mo magstay sa akin ng three more years or else I can't gave your custody sa property ng mommy mo.''
''I'm not getting married.... but of course I'm in a relationship.'' Hindi ko alam kung bakit ko nagawang magsinungaling. Wala naman akong choice ehh.
''Well, In that case wala tayong problema.'' Masiglang wika ni dad.
''So... dad.. anong plano mo?'' Tanong ko.
''Tulad ng sinabi ko kanina... isa sa mga pangarap mo ang matutupad.'' Panimula ni dad. ''You've always wanted to live here. Dito ka tutuloy sa compound na 'to. And of course pakikisamahan mo si Kyle at si Tita Katrina mo.''
Gusto ko sanang umangal pero wala naman akong choice.
''Tska magkakaroon ng reunion ang mga Rodriguez, ang family ng tita Katrina mo. Dito sila tutuloy. Kaya pati sila papakisamahan mo...'' pagpapatuloy pa niya. ''The day after tomorrow sila dadating galing ibang bansa at kinagabihan noon magkakaroon ng celebration.''
Natigil sandali di dad at parang may naisip siya.
''Maybe it's a perfect time for you to introduce your girlfriend... sa celebration.'' Sambit ni dad.
Yeah. I almost forget. Another problem.
''You should call her by this time para mainform mo siya''
''Yeah dad... maybe later.'' Tama, mamaya na lang... mamaya nalang ako maghahanap ng girlfriend.
''Nalala mo pa nung bata kapa... those times na pinakita ko sa'yo yung plano ko sa lugar na'to. And I wanted to turn this into a resort.'' Paalala niya.
Of course I remember. Meron pa akong ama nung mga araw na 'yon.
''So what's stopping you? I mean bakit 'di mo ginawa.'' Tanong ko.
He smiled at me.
''I want you to be the architect.'' Tipid niyang wika.
''I'll think of it.'' Ayoko din naman na mag-stay pa ako ng matagal dito.
''The project is always open for you. Good to here na may chance na ikaw ang maging architect.'' Nakita ko kay dad na umaasa siya sa sinabi ko.
Kahit na maygalit ako sa kanya... ayoko din naman na nakikita siyang umaasa. I f***ing hate it.
Nagmaneho na ako pabalik sa hotel ko. Napansin kong wala yung ID ko sa wallet. Inalala ko kung saan ko siya maaring naiwan. Nalala k0ng ginamit ko pala siya sa pag-sketch.
Hinanap ko yung sketch pad ko. Mukhang naiwan ko ata sa café. Nagdrive ako pabalik sa café. Papalabas na sana ako ng kotse ng makita ko ang isang pamilyar na mukha.
That careless girl.
Paalis na siya ng café tska sumakay sa jeep. Hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang umalis.
I don't know... but I've got this crazy idea on my mind.
I need her help. I need her to pretend as my girlfriend. Tutal, siya naman yung inakala ni dad na girlfriend ko.
Pero why is she here in Bicol?
I need to find her...

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?