HINDI ko mapigilang makaramdam ng matinding pagkailang. Na pati ang pagtusok ko ng karne sa plato ko ay napakahirap gawin na parang gusto ko nang malagutan ng hininga. 'Yon bang napakaluwag ng paligid ngunit nasisikipan ako... napaka daming puno't halaman na nagbibigay ng sariwang hangin ngunit wala akong masingot. Basta ganun!Pati na din ang pagsulyap sa kaharap ko ay 'di ko na rin magawa.
Napaka uneasy ng pakiramdam...
Yung tipong siksikan na sa jeep at 1/4 nalang ng pwet mo ang nakakaupo pero patuloy pa rin ang sigaw ni manong na 'maluwag pa!'... Gets n'yo?
"Anong nangyari sa lakad n'yo ni Carla?" May bahid ng pagkailang ang boses ni Yohan. "Masyado ka ba niyang kinulit?" Saka lang ako napalingon sa kanya. "I'm sorry about what happened---"
"Hi-hindi, hindi mo kailangan mag sorry." Nakangiti kong wika at agad na nag iwas ng tingin sa kanya.
At nagpatuloy nanaman ang matinding katahimikan. Ipinag patuloy ko nalang ang pagkain ng isang putahe na nakahain sa aking harapan. Pati ang lasa ng pagkain ay 'di ko magawang malasahan ng dahil sa nakakailang na pakiramdam.
"It's over." Sambit muli ni Yohan at napalingon ako muli sa kanya.
"huh?"
Napansin ko na pati siya ay 'di na magawang galawin ang pagkain sa kanyang harapan. Wala siyang ginawa kundi ang paglaruan ang karneng nasa plato at titig na titig roon.
"Tapos na ang isang linggo..." Puna niya sa kaninang sinasabi niya. "Kailan ka babalik ng Manila? Natapos ko na din yung design ng café... I can give it to you first thing in the morning."
Hindi ko inaasahang iyon pa rin pala ang nasa isip niya.
"Stay." Wika ko ng nasa pagkain ang paningin at 'di siya magawang lingunin.
"Hmm?"
Inangat ko ang ulo ko upang sulyapan siya.
"I said stay..." Nanatili siyang tahimik matapos ko iyon sabihin na parang 'di niya maintindihan ang mga sinabi ko. Napakagat muna ako sa labi ko bago nagpatuloy ng paliwanag. "Lahat sila... gustong manatili ka dito."
Saglit siyang napaiwas ng tingin at agad na bumaling ulit sa akin ng may ngiti na sa mga labi.
Tumayo siya at agad na naglahad ng kamay upang maitayo din ako mula sa pagkakaupo. Walang sabi niya akong dinala sa pinaka dulo ng hardin na iyon ko saan siya naupo sa ibabaw ng puno at kasalukuyang nakaharap sa isang malawak na pond. Napakaganda niyon at meron itong mga lumulutang na pond lilies.
"Pst." Pagtawag sa akin ni Yohan ng agawin ng kagandahan ng paligid ang akin pansin.
Narinig ko siyang natawa ng lumingon ako sa kanya na may namamanghang ekspresyon. Iginaya niya ang kamay niya na parang sinasabi nitong umupo ako sa tabi niya dun sa damo. Agad ko naman siyang sinunod at ibinalik ang atensyon sa pond.
"Wow, ang ganda dito." Namamanghang wika ko. Napapadalas naman ang marinig ko siyang natural na tuwa. "Tingnan mo ohh..." Agad kong itinuro ang gitna ng pond kong asan ang isang 'di kalakihang gazebo. "Gusto ko dun... ang ganda oh." Niyugyog ko pa siya na parang bata na pinipilit ang kanyang gusto sa mga magulang.
Ayan nanaman yung patawa tawa niya... pero di ko na iyon pinansin dahil namamangha talaga ako sa ganda ng paligid.
"Kapag ba dinala kita diyan hindi kana maiilang?" Mahinahong tanung niya sa akin dahilan upang mapalingon ako sa kanya at nahuling nakatingin nanaman siya sa akin. Sinasalakay nanaman ako ng pagkailang ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Ayan na nga ba sinasabi ko."
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Ficțiune adolescențiIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?