Chapter 20

33 6 2
                                    

[Wake up]

Gwent's POV

Sobrang lambot ng hinihigaan ko parang ayoko ng bumangon ng naramdaman ko yung biglang liwanag sa mata ko at tunog ng kamera.

"Shh, kuya dapat tinanggal mo yung flash tska yung tunog." Pabulong na wika ni... Klye.

"Ay, sorry little bro... sige tatanggalin ko." Pabulong na wika ng isa pang lalaki.... si Yohan.

Biglang napamulat yung mga mata ko at nakita ko si Yohan sa harapan ko at katabi niya si Kyle ng biglang.

*click*  (tunong yan ng kamera... hehehe)

Biglang pumitik yung karema na hawak ni Yohan. Agad siyang tumayo at ako naman ay napaupo sa kama.

"Hahaha, tulo laway." Dinig kong.wika niya habang nakatingin sa karema. "Little bro halika dito tingnan mo ohh." Tawag pa niya kay Kyle.

Nakangiting papalapit si Kyle kay Yohan ng bigla akong napatayo sa kama at akmang kukunin yung karema ng bigla niya iyong tinaas upang di ko maabot.

"Huy, akin na..." Sinubukan kong abutin yung karema pero di ko maabot dahil matangkad siya. "Akin na sabi ehh... i-delete mo."

"I wanna see it too." nakangusong wika ni Kyle sa gilid.

"Huy, i-delete mo na.." Pilit kong inabot iyon pero di talaga. huhuhu.

"Kiss muna..." Nanlaki yung mata ko ng sabihin niya iyon tska ngumuso pa sa akin. "Dali na nangangalay na ako dito ahh." sambit pa niya.

Ininubsob ko yung kamay ko sa mukha niya dahilan upang matigilan siya sa pagnguso.

"Ano ka boyfr--" Natigil ako ng makita ko si Kyle...

Oo nga pala... Girlfriend niya pala ako sa harap nilang lahat.

Ng dahil sa ginawa ko kanina ay napababa yung kamay ni Yohan tska ko nagawang maabot yung kamera at mabilis na na-delete yung picture ko.

Whahahahaha- ngiting tagumpay.

"Tss!" Singhal niya tska ako hinarap sa kanya. "Akin na yan." Kinuha niya yung kamera sa akin at pinagmasdan yung mukha ko. "Wala namang laway eh... di kana mabiro." Sabay pahid niya ng hinlalaki sa gilid ng labi ko.

O__O <------- nanlaki yung mga mata ko ginawa niya.

"Let's go, babe... Kakain tayo ng breakfast." Nakangiti niyang wika. Di niya na ako hinintay magreact at hinila niya na ako pababa.

Nasahagdanan palang kami ng bigla niya akong akbayan at nasa bewang ko ang kamay niya. Napatibgun ako sakanya habang nanlalaki pa ang mga mata ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti sa akin.

"Relax... Girlfriend kita sa mata nilang lahat." Bulong niya sa akin. "I need to be sweet... okay?"

Huminga ako ng malalim tska ko kinalma ko ang sarili. Nag okay sign lang ako sa kanya.

"In that case... kelangan mo din maging sweet sa akin... saboyfriend mo." Dagdag pa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay tska tinarayan. Narinig ko nalang siyang natawa sa ginawa ko.

"Good moooorning!" Bati sa amin ni Paulo na kumakain at nakaupo kasama si ate Pauline.

"Morning." Bati naman ni Yohan at ngumiti lang ako sa kanila.

"Good morning." Bati ko din sa kanilang dalawa.

"Good morning." Bati din ni ate Pauline matapos niyang ilapag sa table yung coffee niya. "How was your stay?" Nakangiting tanong niya.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon