[He's Luky]
Yohan's POV
"Salamat po Tatay Kaloy." Sambit ko ng makababa kami ng bangka. Tinawagan ko kaagad si Tatay Kaloy ng sinabi ni ate Pauline na sinugod nila si Brylle ng hospital. Mga 11pm ng gabi ng makabalik kami. "Mauna na po kami." paalam ko.
Sumakay agad kami ni Gwent sa kotse. Hindi siya kumikibo pero nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko. Naiiyak na siya at nanginginig na yung katawan niya. Sinabi din naman agad sa kanya iyon ng malaman ko galing kay ate paluine.
Ng marating namin yung hospital mas nauna pang bumaba sa akin si Gwent at parang mababaliw na siya at wala siya sa sarili niya at di niya alam kung saan pupunta. Kinuha ko nalang yung kamay niya at hinila papunta sa ER. Nandoon daw kasi sila nung huling kong makausap si Ate.
"Yohan!"
Sabay kaming napalingon ni Gwent kay ate Pauline. Binitawan ko kaagad si Gwent. Napayakapagad si ate Pauline sa akin ng nakita niya ako at sobrang halata na kanina pa siya umikiyak.
"Kumusta siya?" Paniniguro ko.
Inangat niya yung ulo niya para makita ako. Mapula na yung mga mata niya.
"Nasa loob pa siya ng ER." Sagot niya at tinanggal ang pagkakayakap sa akin. "Di pa namin alam kung kumusta na ba siya. Basta kanina biglang nahilo nalang si Brylle at natumba."
Inalalayan na siya ni Paulo upang makaupo. Katabi ni ate Pauline si Paulo at Rochelle na nakaupo sa gilid. Napalingon ako kay Gwent. Nanginginig yung kamay niya at nagpipigil siyang umiyak. Maybe because ayaw niyang magtaka sila ate Pauline sa magiging reaksyon niya.
Hindi ko mappigilan yung sarili kong maawa sa kanya. Kasalanan ko lahat ng 'to. She never had the chance to talk to Brylle ng dahil lang sa nagpadala ako sa galit ko kay dad.
Lumapit ako sa kanya at hinila ko siya. Kahit saan basta makalayo lang doon. Hindi ko siyaliningon at wala din naman siya kibo habang nagpaphila lang siya sa akin. She's weak at this moment. Hanggan sanapansin kong nakarating kami sa garden ng hospital. No one is here and i think this is the perfect spot.
Huminto ako kaya napahinto na din siya. Hinarap ko siya at nanginginig pa rin siya.
"Im sorry..." iyon nalang lumabas sa bibig ko. "You can hit me, slap me... whatever, i deserve it."
Dahan dahan siyang napaangat ng mukha at nakita ko yung pagpipigil niya. Hanggang sa di niya na napigilan yung mga luha niya na tuloy tuloy na sa pagbagsak. Mas inaasahan ko sasampalin niya ako... pero hindi. Napayakap siya sa akin at sinubsob niya yung mukha niya at doon siya umiyak ng umiyak.
"Wag kang mag alala... magiging okay din siya." Pagpapakalma ko sa kanya. "Gigising din iyon dahil kailangan pa nyong mag-usap."
Hindi niya ako kinibo at patuloy lang siya sa ginagawa niya.
"Bro." Sumulpot bigla si Paulo. Kaya pati si Gwent napalingon sa kanya. "Nakausap namin yung doctor... he's stable at ililipat na siya ng room."
Matapos niyang sabihin iyon umalis din naman agad si Paulo. Inayos ni Gwent yung itsura niya at nagpunas ng mga luha. Hindi pa rin niya ako pinapansin at nauna na siyang naglakad papasom ulit ng hospital.
Naabotan namin silang lahat habang inililipat ng private room si Brylle. Wala pa rin siyang malay. Halat kami ay nasa loob ng kwarto ni Brylle. Si ate Pauline nasagilid lang ng kama ni Brylle at nasagilid din si Paulo.... si rochelle naman may mga tinatawagan na kung sino habang kami ni Gwent nasa gilid lang. Napatingin ako kay Gwnet, nakatitig lang siya kay Brylle sa malayo habang naluluha pa ito. Parang gustong gusto niyang lapitan si Brylle pero di niya magawa.

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Teen FictionIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?