Chapter 36

20 1 0
                                        


"Huy!" Halos matalon ako sa upuan sa sigaw ni Darcy sa mismong tenga ko. "Kanina pa kita tinatawag tapos tulala ka d'yan... para kang baliw na nakangiti tapos tatawa." Tinarayan pa niya ako. Hinawakan niya magkabilang pisngi ko tapos hinimas himas niya. "Medyo bawasan mo mga ngiti mo... baka mawarak pisngi mo."

"Ba't inaaway mo ako?" Tiningnan ko siya sabay nguso. "Inaano kita?" Pa bata effect pa ako sa kanya.

"Hala! Si  Yohan mo ang nang-a-ano..." Init talaga ng ulo nito ngayong araw. "Inano ka ba ng Yohan na 'yon at nagkakaganyan ka nitong nakaraang linggo?"

"Anong inano?" Nagiwas ako ng tingin sa kanya tapos tumayo ako para ayusin yung ibang display ng café.

Kakabukas palang ulit namin kahapon ng café at masasabi kong maganda talaga yung design ni Yohan at nakadagdag iyon sa customer namin. Comfortable ang lugar na parang nasa bahay ka lang.

"Magtapat ka nga sa akin." Sinundan pa ako nitong si Darcy. "Gusto mo na ba siya?" Seryoso niyang tanong.

Bigla kong nabitawan yung isang stuff toy na inaayos ko ang pagkakalagay sa sofa.

Gusto ko nga ba siya? Hindi ko alam.

"No." Iniwasan ko si Darcy tapos naghanap ulit ng ibang gagawin pero wala na tska hindi pa naman nag o-open ang café dahil maaga pa kaya wala pang customer sa loob.

Hinawakan niya yung braso ko dahil para matigil ako at dahan dahan niya akong hinarap sa kanya.

"Bakit?" Mahinahon niyang tanong.

"A-anong ba-bakit?" Hindi ko inaasahang mauutal ako sa simpleng salitang iyon.

Napabuntong hininga siya tapos tiningnan niya ako ng seryoso.

"Kasi kung talagang walang nararamdaman ito..." Tinuro niya yung banda kung asaan ang puso. "...dapat ang sagot mo ay 'hindi'. Kaso sabi mo kanina 'Hindi'."

Tinawanan ko siya ng mahina. "Anong ponagkaiba ng dalawang hindi na sinabi mo?"

"Yung isa kasi mabilisang sagot na 'hindi'... Pero sa kaso mo, sinagot mo ako ng 'hindi' pero mag isip ka muna bago mo sinabi iyon. Ibig sabihin nagdadalawang isip ka." Doon ko lang nakuha yung pagkakaiba ng sinasabi niyang hindi.

Tama siya... mag hesitate ako kanina sa sagot ko.

"Ano? Gusto mo ba siya?" Tanong nita ulit sa akin.

"Si Brylle lang yung pwede kong mahalin. Siya lang. I give him a promise." Nakangiti kong wika. "Mahal ko siya... sobra."

"Sana nga hindi nagkakamali 'yan bibig mo sa mga sinasabi niya." Hinawakan niya yung kamay ko tapos pinisil iyon. "Ayoko ko lang makitang nasasaktan ka. Isasalalay ko ang pagkababae at magpapakalalaki ako kapalit ng kaligayahan mo. Ganon kita kamahal, sis."

Niyakap niya ako ng sandali tska hinarap niya ako. Napangiti kami siya sa akin at ganun din siya. Napansin kong sandali siyang napasulyap sa likod ko. Sa glass door.

"Alamin mo na kung ano talaga ha..." Tapos ngumuso siya sa likod ko. "Nandiyan na prince charming mo."

Iniwan niy na ako tapos napalingon ako sa likod ko. Nakita ko naman agad si Yohan. Kumunot noo ko.

Wala naman kaming usapan na mag kikita kasi tapos na yung adventure na sinabi niya. Ako na ang lumabas para salubungin siya.

"May usapan ba tayo?" Pormal na tanong ko. "Hindi ko kasi maalala na--"

"Wala tayong usapan." pagputol niya sa sinasabi ko. "Pero may sorpresa ako."

"Huh? ano?"

"Find it out." Sambit niya  tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Sumilip ako at may nakita akong mga gamit sa likod ng sasakyan. May pintura at iba't ibang gamit roon.

"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya matapos ko iyon silipin.

"You'll find out the rest later." Sagot niya. "Pero bago mo malaman kailangan muna nating puntahan."

Wala naman akong nagawa. Pumasok ulit ako sa loob ng café tapos nagpaalam ako kay Darcy. Hala! Dami ko nang utang kay Darcy na oras. Mukhang kailangan ko bumawi kay Sis.

Akala ko kung saan na ako dadalhin ni Yohan. Pero habang tumatagal napapansin ko na pamilyar sa akin yung daan. Ganun pa man hinayaan ko nalang siya at naghintay na makarating sa paroroonan.

Huminto na kami tapos tinulungan ko na din siya pagbitbit ng ibang gamit. Hindi na ako nagtanong pa kung anong gagawin namin. Mukhang alam ko na din naman eh. Huminto din kami sa paglalakad ng marating namin yung tree house.

Sabay kaming napalingon sa isa't isa. Tumango ako bilang tugon sa nais niyang gawin at nakuha naman agad niya iyon.

Tinanggal namin lahat ng mga litratong nakasabit sa loob nito. Lahat ng naroon sa loob ay nilabas namin. Tanging ang bagay lang ang naroon dahil pati ang pintura ay papalitan namin. Ang dating kulay abo na pintura noon ay pinalita namin ng brown. Ng sa kalagitnaan naghabulan pa kami ng pintura kasi 'di ko naman sinasadya na lagyan siya kanina.

Natapos kami sa pagpintura ng halos alas singko na. Sa ibabaw ng puno kami nagpahinga dahil basa pa ang buong tree house.

"Salamat." Mahina kong wika pero sapat lang upang marinig niya. Lumingon sa'kin si Yohan at ngumiti ito. "Nagustuhan ko yung sorpresa mo."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Hindi iyon ang sorpresa ko." Sambit niya.

Napakunot noo nalamang ako. Siya naman nakangiting lumingon sa ibang direksyon. Bago ko pa sundan ang tingin niya nakarinig ako ng boses ng isang lalaki.

"Gwent."

Nakangiti akong tinawag ng taong hindi gaano kalayo sa amin. Bigla akong sinalakay ng kakaibang saya ng makita ko siya...

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon