Chapter 34

34 5 0
                                    

Gwent's POV

"Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin?" Medyo inis na tanong ko kay Yohan na nagmamaneho ng sasakyan.

Kanina ko pa kasi tinatanong ang lalaking 'to pero hindi ako sinasagot. Biglaan ba naman kasi ako niyaya ng pasyal. Paniguradong hinahanap na ako ni Darcy. Panigiradong dadadaan ako ng binabaeng iyon.

Pero nakakapagtaka lang na hindi manlang ako tinext o tawagan. 'No kaya nakain nun at mukhang kinalimutan ako.

"Huy." Tinapik ko si Yohan at mabilis ako nito nilingon tska binalik sa kalsada ang pansin. "Sasabihin mo sa'kin o tatalon ako palabas ng sasakyan."

"Okay." Tipid na sambit niya.

"Anong okay?" tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya ng mahina tska nagseryoso ng mukha. "Sige, talon kana palabas." Tapos binilisan niya yung pagpapatakbo ng sasakyan.

Hinampas ko siya ng hinampas kasi nang aasar siya. Wala eh, ako pa yung nasaktan. Tigas ng muscle! Kaya tumigil na ako at humarap sa gilid sa maybintana.

Habang nagmumuni-muni bigla kong naalala yung nangyari last week. Yung nalasing ako. Medyo nagulohan ako sa naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

Alam n'yo yung sa mga palabas sa telebisyon na pagnalasing yung isang character ay wala siyang alam at walang maalala sa nangyayari pagnapasok ng alak ang sistema mo. Hindi 'yon totoo! Kasi alam na alam ko parin yung ginagawa ko ng sandaling iyon pero sadyang 'di ko mapigilan. Yung tipong kung ano pumasok sa isipan mo malakas ang loob mong gawin. Naalala ko lahat ng sinabi niya sa akin noon kaya medyo naiilang ako sa ngayon.

Ewan ko! May dapat ba akong ikailang? Lakas din kasi paminsan ng imahinasyon ko nuh.

~Flash back (last week)~

Napa padyak ako ng paa. Naiinis ako! Ba't niya ako iniwan! Tapos inuna niya yung dalawang lalaki!

"Bakla!" Napanguso ako ng hindi niya narinig sigaw ko.

Type niya siguro mga lalaki kaya iniwan niya 'ko dito. Nakakainis basta si Yohan!

Tumayo nalang ako sa upuan ko. Uuwi na ako sa bahay!

"Saan ka pupunta?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ang pangit niya! Tinaasan ko siya ng kilay. "Tara na ihahatid kita sa kwarto." Lumapit siya sa'kin hahawakan niya sana kamay ko pero naglikot ako para 'di niya makuha kamay ko.

Gusto niya ata makatikim ng kung fu!!! Teka, marunong ba 'ko nun?

"Ayoko! ayaw! ayaw! aya---" Sigaw ko sa pagmumukha niya kaso tinakpan niya bibig ko. Kinagat ko kamay niya... amoy candy ehh natakam ako!

"Aray!" Ang sama ng tingin niya sa'kin.

Ba't an sama niya makatingin!? bugbugin ko kaya?

"Alis d'yan! laaayas!!!" Tinulak ko siya kaso tinulak niya din ako--- tinulak niya nga ba talaga ako? Basta ako yung napaatras. "Alis d'yan tatawag ako ng taxi."

Binuksan ko yung gate tapos naglakad akong parang siga para maangas dating ko sa kalsada! baka pagtripan ako mamaya sa kanto. Kaso parang bagong tule ang kinalabasan ng maangas kung lakad

"Hoy, walang taxi dito." Di ko siya pinansin. "Ba't ka mag tataxi?" Maslumapit yung boses niya. Sinusundan niya ata ako. "Lasing ka na talaga." Napalingon ako sa kanya! Gusto ata ng gulo!

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon