Chapter 27

45 5 0
                                    

Gwent's POV

"Yes... alam niya na." pagkukuwento ko kay Darcy kinaumagahan lahat ng mga sinabi sa akin ni Brylle kahapon. "Ayaw niya na ako makita. He wants me out of his life.... Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero susubukan kong kayanin."

"Sinabi ko naman sa'yo ehh..." patuloylang si Darcy sa paghaplos ng buhok ko habang nakahiling ang ulo ko sa balikat niya. "Kaya mo 'yan."

Dinig ko ang ang pagbuga niya ng hinga at nagpapahiwatig iyon ng pagkaayaw niyang magdrama.

"Pero sinasabi ko sa'yo Gwinita! ayokong makarinig ng mga linyang 'hindi ko kayang mabuhay ng wala siya' o kaya ng mga 'gusto ko na mamatay' mula sa'yo ah." Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakahiling sa balikat niya at ponagmasdan ang pag arte ng kaibigan ko. "Ilang taon ka nabuhay ng 'di mo pa siya kilala kaya ayoko magdadada ka ng 'di mo kaya mabuhay ng wala siya." Hinawihawi niya pa yung buhok niya na feeling niya sobrang haba.

'Tsk, kalbo!'

Natawa nalamang ako sinigaw ng isipan ko. Nagsimula na rin akong magpahid ng mga luha na napadaan sa pisngi ko.

Kaya mahal na mahal ko 'tong kaibigan ko ehh. Ang bilis niya pagaanin ang atmosphere sa paligid. Konting dada ang kembot niya lang... Lalo't na kapag nagsimula na niya akong tawaging Gwinita instead of Gwent.

"Oo na alam ko." Sambit ko at natural na lamang na napangiti.

Kahit masakit at mahirap patuloy kong sinasaksak sa utak ko na si Brylle ang nawala sa akin... marami pang taong nakapaligid sa akin at patuloy na susuporta at nagmamahal sa akin. Sa kahit anong paraan sinusubukan kong pagaanin ang lahat. Isang hakbang na rin ito upang subukan at sundin ang kagustohan niya na kalimutan at umalis sa buhay niya. Na kahit masakit, mahirap kakayanin ko.

"O sya... tama na sa pagsingut-singot d'yan at baka mapagkamalan kang girlfriend ko at sabihin pinaiyak kita..." Nasaloob kami ngayon ng shop at walapang tao dahil kabubukas lang namin. "...Baka isipin ng pogi natin customer girlalo kita." Kinikilig niyang umpisa na nagwakas sa pandidiri sa akin at natawa nalamang ako.

Nakatingin si Darcy sa bandang likod ko. Sa Pinto. Napalingon nalamng ako doon dahil ngiting ngiti ang kaibigan ko sa gawing iyon.

Saktong paglingon ko ay tinutulak na nga isang paparating na lalaki ang pinto ng Café. Napatayo ako agad ng makita ko siya.

'Ba't ba 'to nandito?'

Napansin agad ako nito at ngiting ngiti itong naglakad sa gawi ko. Gusto ko sana umalis muna ang kaibigan ko kaya napalingon agad ako sakanya. Mukhang nakuha naman agad ni Darcy ang nais kong iparating. Tumayo agad ito at bumulong sa tenga ko bago umalis.

"Patusin mo agad 'yan ahh... para mabilis ka maka move on. Kapag ayaw mo sa kanya, bigay mo nalang sa akin." at tuluyan nang umalis si Darcy.

Napailing nalang ako sa sinabi ni Darcy. Malamang. Wala pa siyang alam tungkol sa kung sino ang kaharap ko ngayon.

"Kuya." Pagtawag ko sa kanya at dahilan ng paglabas ng natural niyang ngiti.

"I miss you, baby." Niyakap agad ako ni Kevin at hinalikan sa sentido. Bihira ko siya matawag na kuya... At sa tuwing kaming dalawa lamang ang nakakarinig.

Inaya ko siyang maupo at agad niyang ginala ang paningin sa buong café.

"Nice shop." Komento nito. Hindi ako sumagot dahil 'di din naman alam kung paanpaano o saan ako magsisimula. Tumigil siya sa paglibot ng paningin at itinuon saakin ang pansin. Nakangiti niya lang akong tiningnan bago nagsalita. "Ipapakilala na kita sa pamilya."

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon