Chapter 6

67 8 0
                                    

[Introducing her]

''Brylle.'' Sambit ni Grandma.

Yinakap niya ng mahigpit ang kakarating palang na bisita. Mukhang siya nga yung anak ni Tita Brianna, yung middle sibling nina tita Katrina.

Medyo halata sa mukha ni Brylle na hindi siya sanay sa ginawa ni Grandma. Medyo weird yung reaksyon niya dahil parang gulat siya sa mga taong nakapalibot sa kanya.

''Brylle... are you okay?'' Tanong ni Ate Pauline.

Natagalan bago pa man siya nakapagsalita.

''Ye.. yes.'' Mahina niyang wika.

''Grandma... i think Brylle needs to take a rest.'' Sambit ni Paulo.

Pinapasok na din nila si Grandmasa room niya. Kami nalang nila Paulo at ate Pauline ang natira.

Sinamahan na din ni Nanay Fe si Brylle papunta sa Cottage niya.

Nag asikaso agad ako... madami pa akong ituturo sa babaeng iyon. That Careless girl.

Nagpaalam aga ako sa kanilang lahat at sinabi kong susundoin ko lang ang girlfriend ko. Well, fake girlfriend.

Agad akong nagdrive papunta sa café. Magpapark palang ako ng kotse nakita ko na agad siya na naka upo sa labas ng café. Mag isa lang siya sa mesa at nakatulala sa hawak niyang litrato.

Pagkababa ko ng kotse nilapitan ko siya ng palihim. Sinilip ko yung hawak niyang litrato pero agad niya iyon tinago.

''Anong ginagawa mo?'' Sambit niya.

''Diba may usapan tayo that I need to train you bago pa kita ipakilala sa pamilya ko.'' Paalala ko sa kanya.

Tumayo siya at hinarap niya ako.

''Ang ibig kong sabihin...'' nag cross-arms pa siya. ''Bakit ka sumisilip sa private life ko.'' Sabay angat niya ng picture habang nakatalikod iyon.

''Wala lang.'' Paliwanag ko.

''Ah okay.'' Mukhang naniwala naman siya. ''Bakit ba kailangan pa ng training na 'yan?'' Tanong niya pagpasok palang namin ng kotse ko.

''Syempre... ano nalang sasabihin ng family ko tungkol sa'yo.'' Bigla niya ako tiningnan ng masama sa sinabi ko. ''Baka sabihin nila na wala akong taste.''

''Arte mo!'' Tinarayan niya ako. ''Sabihin mo baka mas maging proud pa sa'yo ang parents mo. At least matino akong babae, 'di tulad ng mga lumalapit sa'yo nung nasa bar ka nung gabing 'yon.''

Natigil ako sa sinabi niya.

''Akala ko ba hindi mo ako naalala.'' Umiwas siya ng tingin sa sinabi ko. ''Siguro attracted ka sa akin ng mga oras na 'yon.'' Nagulat siya sa sinabi ko.

''Hindi ahh!'' Masyado siyang pahalata. ''Nagkataon lang na naalala ko yung mukha mo nung sinalo mo ako sa bench.''

Napa 'ahhh' nalang ako. Biglang nagkaroon ng konting katahimikan.

''Pero kung sakaling tanggihan ako ng mga magulang mo... ipaglalaban mo ba ako?'' Bigla niya wika. Napalingon agad ako sa kanya. ''Kung sakaling totoo ang lahat ng 'to.'' Paliwanag niya ulit.''

''Hindi.'' Tipid kong wika. Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. ''Joke lang... pero depende kung mahal ka talaga ng isang tao.''

Hindi na rin siya nagsalita dshil tumigil na kami sa may mall. Pagbaba namin sinalubong agad kami ni Darcy.

'Ikaw na bahala sa kanya.'' Sambit ko kay Darcy. ''I want her to wear a white dress.''

Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon