Chapter 14

56 7 1
                                    

[Away from him]

Yohan's POV

Inayos ko muna yung sarili ko bago ako nagpakita kay Gwent. Nakita ko si Gwent na parang may hinahanap at nung nagtama ang paningin namin ngumiti agad siya sa akin pero mabilis din naman iyong nawala.

Bigla pumasok lahat sa isipan ko na katulad siya ni dad. Pareho sila nang iwan.

I don't want to share this kind of torture with Brylle. If possible I don't want him feel the same pain like I did, at ng dahil lang iyon sa nagmahal kami.

Nakaramdam ako ng galit kay Gwent.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin ng tuluyan niya akong nalapitan. "Bigla ka nalang nawala."

Hindi ko siya pinansin sa mga tanong niya at nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Natahimik nalang siya at sumunod siya sa akin papunta sa kotse ko. Sumakay agad ako at ganon din ang ginawa niya.

"Susunod na ba tayo kila Brylle?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho ako.

Natawa ako sa isipan ko. Gagawin niya talaga ang lahat ahh... Mas naisip ko na dapat nga na di na sila magkita. And I won't let her na makausap si Brylle. She don't deserve that.

"Yes." Tipid kong wika.

I lied. Dahil ang totoo ilalayo ko sa kanya si Brylle. Tutal bukas na din ang flight ni Brylle pabalik sa ibang bansa.

"I-ba-baba muna kita sa café at mag impake ka na din ng gamit mo. I'll fetch you an hour at susunod na tayo sa kanila." Paliwanag ko. Nanatili lang siyang tahimik bago ulit magsalita.

"Mukhang 'di ka okay." Panimula niya. 'Di ko siya nilingon at nakatingin lang sa kalsada. "Okay lang sa akin kahit wag na tayo sumunod sakanila kun'di ka okay. Pwede ko naman hintayin na makauwi si Brylle bago ang flight niya bukas." Nakuha niya pa talagang magbait baitan. "Tutal kunting oras lang naman ang kailangan ko... may gusto lang akong ibigay sa kanya. Kung hindi ka---"

I cut her off...

"Im okay! Im fine!" Napataas nalang yung boses ko. Natahimik nalang siya. "Bumaba kana." Utos ko sa kanya ng makarating kami sa café.

Pagbaba niya agad akong umalis habang siya napatunganga nalang habang pinapanuod akong makalayo. I don't wanna hear any sigle word from her lalo na kapag puro sarili niya lang ang iniisip niya.

Pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ni nanay Fe upang sabihin na naihanda niya na daw yung mga gamit na dadalhin ko.

"Nanay Fe..." Nanay fe na din ang tawag ko sa kanya, nahawa na kasi ako kay dad. "Pwede ko bang rentahan ngayon si Tatay Kaloy?"
Si tatay kaloy yung asaw ni nanay fe na bangkero. Nakwento kasi sa akin ni Nanay Fe na naghahatid sundo daw si Tatay Kaloy ng mga torista sa mga isla.

"Oo naman ,hijo." Sambit niya at mukhang nagtataka. "Bakit mo naitanong?"

"Pupunta kami Gwent sa isla." Tanging naisagot ko sa kanya.

"Akala ko ba susunod kayo ni Gwent sa Resort?" Tanong niya sa akin. "Bat ba nagbago ang plano niyo?"

"Gusto lang namin masolo ang isat isa bago pa siya bumalik sa Manila." Pagsisinungaling ko.

Ang totoo kasi niyan gusto ko siyang dalhin kung saan di niya masusundan si Brylle. Wala naman siyang magagawa kapag iniwan na kami doon ng bangka. Tutal 'di ko naman na banggit sa kanya na sa Resort sila Brylle at wala din naman siyang idea kung saan kami pupunta.

"Ikaw ahh.." Panimula ni Nanay Fe. "O sige... sasabihan ko si Kaloy." Dagdag pa niya. "Pero wag gagawa ng pagsisisihan ninyong dalawa. Sinasabi ko sayo wag ka gagawa ng kalokohan." Pangangaral pa niya sa akin.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon