[Under the Rain]
Yohan's POV
"Oh, sabi nang uulan ehh." Napalingon agad ako sa kanya. Wala na yung inis na tono ng pananalita niya at natatawa pa siya ngayon. Yung klase ng tawa na alam kong totoo.
Kanina ko pa siya iniinis at pinipilosopo upang makita ko lang ang ngiti niya ngayon. Di naman ako na bigo dahil sa kabila ng pang-iinis ko sakanya ay nagawa niyang ngumiti ngayon.
'Kahit sandali... pwede mo bang kalimutan muna siya at maging masaya ka?'
"Good, at least di kana malungkot." Di ko mapigilan ang sarili kong sabihin iyon.
"Anong malungkot?" Umiwas siya ng tingin sa akin pero nanatili siyang nakaharap. "Malungkot ba ako?" Pilit na ngiti ang ipinakita niya sa akin pero di niya ako magawang tingnan sa mga mata ko.
'She's damn pretending'
"Yes... maybe you are smiling in front of me... but I know that deep inside of you, your dying." Pagkasabi ko noon nawala yung mga ngiti niya at napayuko siya ng ulo. "Kailangan mo din maging masaya para sa sarili mo."
"Tama na please." Wika niya.
"No, dapat mo lang marinig 'to." panimula ko at di na siya nagsalita pa. "Kung nasasaktan ka itigil mo na. Kung nahihirapan ka sumuko kana." Kalmadong wika ko. "I know that he remember you already. He even remember yung pangalan mong 'Hill' out of nowhere."
Nanatili siyang tahimik... alam kong alam niya ang mga pinagsasabi ko. Masyado na siyang nasaktan kanina lalo na nung makita niyang may pumalit na sa kanya.
"Bakit kapa kakapit kung alam mong bumitaw na siya." Mahinahong saad ko. "Kahit paminsan lang maging masaya ka ng di siya ang dahilan... maging masaya ka para sa sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo, tumira ka naman kahit kunti para sa'yo. I wanted to help you but--"
"Pwede bang hiramin ko sandali ang dibdib mo?" Pagpigil niya sa akin.
"Huh?" Kunot noong tanong ko at medyo nalilito ako sa sinabi niya. "Hindi ko naintin-- Huk!"
Di ko natapos yung sinasabi ko ng bigla siyang yumakap sa akin. Isinobsob niya yung mukha niya sa dibdib ko. Naramdam ko yung paggalaw ng balikat niya at doon ko napansing humahagulgol na siya. Tanging ang paglapat ko ng kamay sa likod niya upang mayakap siya ang tanging nagawa ko.
'ilang paulit-ulit na beses na ako ang kasama mo habang nasasaktan ka. Di ako magsasawang pangitiin ka.'
Nasaganon kaming sitwasyon pero di ko gaano marinig yung iyak niya dahil sa lakas ng ulan. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak din ng mga luha sa mga mata niya. Mga ilang pang minuto ng tumigil na siya at itinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin. Di ko maiwasang masaktan sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.
Hindi ko na din alam sa sarili ko kung bakit... basta alam ko lang ay nasasaktan din ako pagnasasaktan siya.
'weird'
"Pasensya na..." Sambit niya at nagpupunas ng luha sa pisngi. Gusto ko rin iyon punasan pero di ko magalaw ang kamay ko. "Nadamay kapa."
Matapos niya gawin iyon ay ngumiti siya at sigurado akong pilit lang iyon. Naupo siya sa gilid at isinandal ang likod sa pader. Ginaya ko siya at nanatili lang kaming tahimik sa kabila ng maingay at malakas na ulan.
"Nasasaktan ako..." Biglang usal niya. Hindi ko siya nagawang lingonin at napangisi ako sa naisip ko. "Yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya... may iba nang gumagawa. At nakita ko pa iyon ng harap harapan."
Masyado siyang maswerte kasi meron siyang 'ikaw'. Gago siya dahil mabilis siyang sumuko. Di man lang siya nagtaka na ganon mo nalang siya kadali binitawan. Pasalamat siya at hanggang ngayon ay pinaglalaban mo pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Novela JuvenilIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?
![Will You Be Mine [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/69525338-64-k228831.jpg)