Chapter 40

36 1 2
                                    


Nakaramdam ako ng pagkadismaya na siyang ikinakagulat ko. Dapat masaya ako ngayon pero bakit iba ang nararamdaman ko.

"I miss you so much." Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap pa rin. Sinubukan ko siyang yakapin kahit gulong gulo ako. "I love you." isiniksik niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"Brylle, paanong--" 'di ko matuloy sasabihin ko. Kumawala siya sa yakap. "Paano ka nakapunta rito?"

Gulong gulo ako sa nakikita kong masayang ngiti sa labi niya. Nawala ang magandang ngiti sa kanyang mukha at nagtaka sa siya sa aking reaksyon.

"Hindi ka ba masayang makita ako?" Mahina niyang tanong. Napahaplos siya sa kanang pisngi ko at sinubukang ngumiti sa akin. "I thought I'd lost you." Naisambit niya iyon na parang hirap na hirap sa pagbigkas ng salita. "Takot na takot ako na baka sa pagbalik ko wala ka na."

Parang binasag ang puso ko ng makita kong pumatak ang luha mula sa kanyang mata. Pinunasan niya agad iyon at ngumiti sa akin ng mapait.

"Alam kong gulong gulo ka sa mga nangyayari ngayon. Pero gusto ko lang sagutin mo ang tanong ko sa'yo. Gusto ko lang marinig mula sayo." Dumistansya siya sa akin ng kunti at sinubukan niyang iangat mukha ko upang magtama ang mga mata namin. "Mahal mo pa rin ba ako?"

Napatitig lang din ako sa mga mata niya. Napangiti ako sa kanyang sinabi dahil iyon ang mismong itatanong sa akin ng kilala kong Brylle. Pero bakit ang gulo ko, parang hirap akong sagotin yung tanong niya.

Siya naman talaga mahal ko diba. Simula sa simula hanggang ngayon siya pa din. Siya dapat... Siya lang dapat wala nang iba.

Nakatulala nalamang ako sa kanya habang siya ay nagtataka sa nakikita niya mula sa akin. Tumango ako ng marahan sa kanya. "Walang nagbago." Mahinang tugon ko na siyang nagpatalon ng puso niya sa tuwa. Muli siyang napayakap sa akin at sandali niya akong hinalikan sa noo.

"I'm sorry... napagsabihan kita ng masama noon." Sambit niya at naging tahimik lamang ako. "Si Yohan pala."

Bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang pangalan ni Yohan. "Si Yohan nga pala, as---"  Itatanong ko palang sana kung asan si Yohan ng bigla niyang pinutol sasabihin ko.

"I already know." Panimula niya at muli niya akong hinarap. "You two were pretending... and he's helping you para makalapit sa akin. All your sacrifices and effort just to see me. He's the one who told me everything and siya din tumulong sa akin ng lahat ng 'to ngayon. Siya din ang tumulong sa akin upang makapunta dito ngayon."

Natahimik na lamang ako sa paliwanag niya. Lahat ng ito plinano ni Yohan?

"He said that you're a good friend of him. Kaya niya ginawa ito." paliwanag pa niya.

I'm a good friend of him. Napangiti nalang ako sa salitang iyon. Hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa isang kaibigan.

Itinanggal ko muna sa isipan ko ang lahat ng tungkol kay Yohan at mas inisip ko muna ang ngayon. Ngayon na kaharap ko si Brylle.

"Brylle, yung nangyari noong--"

"Shh. I know." Pagpigil niya sa sasabihin ko. "Sinabi na sa akin ni Mom. I wasn't your fault. Inisip mo lang ang kabutihan ko kaya mo nagawa iyon. But please... don't you ever do that again." Napangiti ako sa pagsusungit niya. He really is back.

"I'm sorry." Sambit ko at tumango lang siya.

"I love you." He said randomly looking into my eyes.

Napayakap lamang ako sa kanya at ganoon din siya. madiin akong napapikit at napahigpit ng Yakap. "I love you... so much."

HILA-HILA ako ni Brylle sa aking kamay habang naglalakad sa seashore ng isang resort na malapit mula sa kaninang farm na pinanggalingan namin. Dito daw siya sa resort na 'to nag stay kasi walang idea ang kamag anak niya mula sa kanyang pag uwi. Tanging si Tita Brianna, Yohan at Paulo lamang nakakaalam na nasa Pilipinas si Brylle nayon.

Madilim na ang paligid ngutin may mga lanterns na nagsisilbing ilaw nito sa aming daanan. Nagpapahila lamang ako kay Brylle sa amin paglalakad kaya masnauuna siya sa akin ng kunti.

Inaliw ko ang sarili sa pagsunod ko sa bawat marka ng paa ni Brylle na lumulubog sa buhangin. Masmalaki paa niya sa akin kaya kayang kaya ang buo kong paa rito. Bigla siyang napahinto kaya nauntog ako sa kanya.

Napahimas ako ng mahina sa noo ko na siyang tumama sa kanya. Habang si Brylle naman narinig kong natawa ng mahina.

"Saan ka nauntog?" Tanong niya sa akin at mabilis ko naman na itinuri ang noo ko at siyang mabilis niya ding hinalikan.

Nagulat pa ako sa ginawa niya at medyo nailang ako. Normal lang naman niyang ginagawa sa akin iyon pero nakaramdam ko ng ilang kanina.

Napaharap nalamang ako sa dagat at siya naman napunta sa likod ko at mula doon ay niyakap niya ako. Sobra akong naiilang sa ginagawa niya pero hinayaan ko lang din naman. Siguro nasanay lang ako na hindi na niya ginagawa iyon ng matagal na panahon nakakaraan.

"What if kung walang sulat na nakarating sa iyo?" Biglang sambit ni Brylle.

"Huh?" Pagtataka ko sa sinabi niya kanina.

"Paano kung walang sulat na nakarating sa iyo upang pigilan tayo?" Paliwanag niya at agad ko naman iyon naintindihan. "Would you say yes?"

Napaisip ako ng malamin tska bigla akong napangiti. Tumango ako kahit na nasa likod ko siya.

"Wala akong dahila para humindi sa'yo." Sinsero kong sagot. I would gladly say Yes to him. Wala akong ibang gusto kundi makasama si Brylle I love him so much.

Naramdaman kong mas napahigpit yakap niya sa 'kin.

"Siguro kasal na sana tayo ngayon..." Wala akong nagawa kundi mapangiti sa imahinasyon niya. "Gigising ako sa umaga ng ikaw una kong makikita. Matutukan kitang matulog, kumain, gumawa ng kung anu ano..." Siya mismo ay natatawa din sa mga sinasabi niya. "Siguro may tatlo na sana tayong anak ngayon. Dalawang lalaki isang babae---"

"Tatlo!?" Gulat na untag ko. "Isa't kalahating taon palang nakakalipas tapos tatlo agad!?"

Wala siyang ibang magawa kundi matawa sa reaksyon ko. Sa kabila noon ay naramdaman kong tumango siya dahil nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Triplets sila." Paliwanag niya.

"Ano ako baboy!?" Singhal ko sa kanya. "Gusto mo ikaw nalang manganak--."

Napatigil ako sa pagsalita ng ihilamos niya ang isang palad niya sa mukha ko. "Ano ba... ang laswa kung ako magbubuntis.. dapat ikaw."

Inirapan ko nalang siya kahit alam kong 'di niya iyon makikita. Nanatili pa kami sa ganoong posisyon ng bigla ko maramdaman na may nilalaro siya sa leeg ko.

"Saan 'to galing?" Tanong niya at hinila niya yung kwintas na nakasabit sa lewg ko upang lumabas iyon mula sa suot kong damit. Ihinarap niya ako sa kanya.

"Galing 'yan kay Carla." Napangiti ako ng mapait ng makita ko sa palad ni Brylle ang kwintas. Dapat ko na bang isauli iyon? Wala naman na dahilan pa upang angkinin ko iyon.

Sinilip ko si Brylle upang makita ang reaksyon at nakatitig lamang ito sa kuwintas.

"Bukas bilhan kita ng bago. Tanggalin na natin 'to." Sambit niya. Inabot niya ang hook noon at akmang tatanggalin pero mabilis ko itong pinigilan.

"Hindi." Kinuha ko muli mula sa palad niya ang kwintas at mabilis iyon ibinalik sa loob ng leegan ng damit ko upang maitago at tanging cilar lamang ang nakalabas. "Wag na... Hindi mo ako kailangan bilhan." Paliawanag ko at seryoso lang siyang nakatitig sa akin. "Tska nangako ako kay Calra na hindi ko 'to tatanggalin na kwintas."

Hindi na siya nagsalita pa at ngumiti na lamang siya sa akin. Kanina lang binabalakan kong isauli iyon ngunit ngayon na pinapatanggal sa akin ni Brylle tumutol ako na akala mo nakadikit na.talaga iyon sa sarili ko. Kahit ako nawiwirdohan sa aking sarili.

"Let's go inside." Pag aaya sa akin ni Brylle.

Hindi na niya ako pinayagan umalis at doon na niya ako pinatulog sa resort room niya. Nakahiga ako ngayon sa kama habang siya doon sa kaharap na couch.

Pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na natutulog sa mga oras na ito. Napangiti ako ngunit 'di ako sigurado kung para saan ang ngiting iyon.

Masaya ako... dapat lang na maging masaya ako dahil nandito na siya.

Will You Be Mine  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon