~(Hello guys, sa mga nagtatanong kung buhay pa ba si Author... Oo, buhay na buhay pa ako :-). Pansamantala akong nawala sa watty world at nilamon ako ng Kdrama. At dahil sa nakabalik na ako muli sa mundo na'to... Tara! tapusin na natin ang kwento. Tuloy tuloy na 'to.)~
Nadadagdagan ng kaba sa puso ko sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa isang maliwanag na gazebo.
Wala pa man ay tanaw ko na ang dalawang lalaki na nag uusap roon. Una kong nakita si Kuya Kevin dahil nakaharap lamang ito sa akin at kaharap niya ang isa pang kausap niyang lalaki kaya nakatalikod ito sa akin. Kung 'di ako nag kakamali, ang lalaking iyo ay ang aking ama.
Kabadong kabado ako ng simulang dapuan ng liwanag ang aking balat na nagmula sa gazebo na iyon. Sa ganon ay napansin agad ako ni Kuya Kevin at napangiti ito ng makita ako dahilan upang mapalingon din sa gawi ko ang lalaking kausap nito.
Napako ang mga paa ko ng makita ko siya. Hindi ko magawang humakbang at napatitig lamang ako sa kanya. May suot siyang salamin at naningkit pa ang mga mata niya upang makita ako ng maayos. May kunting puting buhok na din siyang tumutubo. May katandaan na siya tingnan pero naruon pa din ang maganda niyang tindig.
Gusto kong maiyak pero kinailangan kong magpigil. Hindi ko alam kumg paano basta makita ko nalamang na nasa harapan ko na ang aking kapatid na sapilitan na tinulak na ako papalapit roon sa gazebo. Sa harap mismo ng isang matandang lalaki na kaninang kasama niya.
"You two should talk." Panimula ni Kuya Kevin pero 'di ko siya nilingon at napayuko lamang ako upang magtago ng mukha. Dahil na din siguro sa hiya. "Dad." Tinapik lamang ito ni Kevin tska naglakad na papaalis sa gazebo na iyon.
Kaharap ko ngayon ang lalaking matagal ko na makita at makausap pero 'di ko magawang tumingin sa kanya dahil sa patuloy na pagsalakay ng kaba sa aking sistema. Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko upang iangat ang mukha ko. Nakangiti ito sa akin habang kapansin-pansin na naluluha ito.
"You look like your mom." Napakaganda ng pagkakangiti niya sa akin at 'di ko maiwasan maluha sa simpleng salita na binitawan niya. "Come here my child."
Bigla akong nakaramdam ng pangungulila at 'di ko na mapigilab na mapa akap sa kanya. Tahimik akong humihikbi habang nakayakap siya sa akin habang hinahagod ang likod ko. Kakaibang pakiramdam ito pero gustong gusto ko iyon. Pakiramdam ng pagiging ligtas.
"Patawarin mo ako kung nagawa mong maranasan ang mga bagay na dapat hindi mo nararanasan ng dahil sa wala kang katabing ama sa paglaki mo." Narinig ko siyang napasingot at malang naiiyak din siya katulad ko. "The moment I was told that there was you... I came to think of how hard life could be for you growing up with out a father."
Ihinarap niya ako sa kanya at doon ko lang nakita na namamasa na nga ang mga mata niya.
"I'm sorry." Sambit niya.
Simpleng salita lamang iyon pero nag dulot iyon sa akin ng matinding emosyon.
"Bago po nangyari ang lahat ng ito ngayon. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang na kahit 'di mo ako makilala, Na kahit sa akin nalang 'yong katotohanan na 'yon. Pero sa mga oras na 'to bigla akong napuno ng mga katanungan." Ngumiti ako sa kanya bago nagpatuloy. "Anong klase ng tao ba siya? Paano siya namuhay? O masaya ba siyang makita ako ngayon? Matatanggap kaya niya ako?"
Natawa siya sandali.
"Para ka talagang mommy mo. Always asking questions as if curiousity do really kill." eto ang unang beses ko siya makitang ganito kalapit.
KUMAIN ka sa nakahandang hapag kainan na para sa dalawa rito sa gazebo.
Masayang kausap si Papa. Medyo ilang pa ako sa ganung tawag kahit sa isipan pero ayokong malungkot siya kung tatanggihan ko siya sa ganoong tawagan. Magaan siyang kausap at palatawa siya.
Masaya kaming naguusap sa isang random na paksa ng bigla siyang natigil sa pag ngiti at napalitan ito ng seryosong mukha. "Growing up... were you mad at me?"
Natigil ako sa tanong na iyon. Hindi ko alam o di ko man lang naisip na itatanong niya sa akin ang bagay na iyon. Malalim akong napaisip sa itinanong niya sa akin.
Ng matapos ako sa pag isip nilingon ko si Papa at kita sa aknya ang nakarehistrong kana sa mukha. Nakangiti akong umiling.
"Nasaktan po ako pero wala nang lugar ang galit sa akin kung ganito pala kasaya ang pakiramdam na merong isang ama." Bigla kong naalala si Yohan. "May isa po akong kaibigan na nagalit siya sa ama niya dahil iniwan sila nito ng mommy niya. Ngayon ko lang siya na intindihan... yung kasiyahan na tanging alaala nalang sa kanya ay nawala ng biglaan. Kaya siya ganun ka galit. Samantalang yung akin ngayon ko palang mararanasan. Kaya naiintindihan kong masmahirap yung napagdaanan niya."
Dati rati palagi ko di maintindihan kung bakit ganun kagalit si Yohan. Inakala kong pareho kami ng nararamdaman Pero 'di ko man lang naisip na masmasakit yung naranasan niya.
"Habang kasama ko po ang taong iyon may diskobre ako sa kanyang katauhan. Na hanggang ngayon mahal na mahal niya pa rin yung papa niya sa kabila ng lahat." Kumunot ang noo sa akin ni Papa na tawa lamang ako. "Hindi siya masasaktan ng sobra kung 'di niya mahala ang isang tao."
"Hindi ko lubos maisip na lalaki ka ng ganito. Nakakatuwang isipin." Naka ngiting saad ni Papa. "Iyong kaibigan mo ba na iyon... Sa tingin mo magkakaayos din sila ng ama niya?"
Nakangiti akong tumango sa kanya. "Siya ying tipo ng tao na hindi mo aakalaing siya. Yung akala mo walang pakialam pero meron pala. Yung wala nang pag asa pero 'di mo inaasahan na mayaman siya sa pag asang iyon. Yung tao na akala mo nagtatago ng mga luha sa ibabaw ng ulan pero 'yon pala sumasayaw lang siya para maging masaya sa panahon ng tag ulan."
Si Yohan... isang taong hindi mo aakalain bilang siya.
~~~~ to be continue...

BINABASA MO ANG
Will You Be Mine [On Going]
Fiksi RemajaIsang babae na gagawin ang lahat para hanapin ang isang tao na minahal niya ng sobra. Pero paano kung sa paghahanap na iyon ay nakatagpo siya ng iba. At biglang dumating ang taong hinahanap niya. Kanino kaya niya maspipiliin sumama?