This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
----(Rm's Part)-----
"HELLO?! Nasaan ka na ba? Kanina pa kami ni Roselle dito!" Naiangat ko yung cellphone ko sa tenga ko sa lakas ng sigaw ni Rona.
Maglalakad na ako papunta sa school canteen namin. Sabay sabay kasi kami nila Rona at Roselle na maglalunch.
Okay.
Nag umpisa na ko hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Rosemarie, but my friends prefer to call me RM, sobrang haba daw kasi ng pangalan ko. well, sorry naman. ginusto ko ba yun? ^__^ I'm 20 years old. 3rd year college. Computer Science ang course. hmm. Ano pa ba?
Since nagpakilala na ako, papakilala ko narin yung mga friends ko.
Si Rona naging friends kami nung first year. Business Ad ang course nya. Naging classmate ko sya sa ilang minor subjects.
Si Roselle naman, well.... sad to say, she's my younger sister. 2 years ang tanda ko sa kanya pero dahil magkamukha kami,napagkakamalan kaming kambal. Na minsan eh nakakainis kasi mas maganda ako sa kanya. Kapal. Pero alam kong alam na nya yun. hehe.
"Malapit na. Pwedeng wait?" Umiirap na sagot ko kahit hindi naman nya ko nakikita.
"Um-order na kami ng pagkain mo. Dalian mo at may sasabihin ako sayo."
"Nako, baka nobela na naman yan ha." Sa aming tatlo kasi, si Rona ang pinakamadaldal.
"Wag ka ng magsalita dyan, dalian mo nalang at gutom na kami!" Aray ha! sigawan daw ba ko sa tenga.
Hinihingal pa ako ng makarating ako sa canteen. Hinanap ko yung dalawang hitad sa loob at nakita ko sila sa bandang dulo. Sa paborito naming pwesto kung saan walang makakarinig pag nagchichismisan kami.
"Ayan, kala namin sa pasko ka pa dadating, baka tubuan na kami ng ugat dito."
"Sorry naman, ang OA mo talaga kahit kailan. Baka pwedeng may ginawa lang." sagot ko sa kanya habang ibinababa ko ang gamit ko sa katabing monoblock chair.
"Physics na naman ba yan? Ginagawa mo na atang major yan eh. Hindi naman natin magagamit yan pag nagtrabaho tayo. Itatanong ba sa interview yang vector, force, tension etchetera na yan?"
"Nako, nanermon na naman ang lola mo, di ba pwedeng nag aaral lang mabuti? Palibhasa kasi, galit ka sa numero. Ano na ba kasi yang chika mo?"
Sa aming tatlo, ako ang laging busy dahil mahilig akong magreview. Si Rona kasi, madalang pa sa patak ng ulan kung makita kong magbasa ng lesson. Pero Every week, lagi may dalang libro. Teen-fiction books nga lang. dun sya busy eh.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...