Chapter 43 (Final)

199 7 0
                                    

---VIRG’S PART----

Ang bigat ng pakiramdam ko at madilim yung paligid ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako.. Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Bigla akong may narinig na nagsalita..

“Baby boy. Wag mo naman akong takutin ng ganito oh. Hindi nakakatuwa ha. Gumising ka na nga dyan. Madami pa tayong dapat pag usapan.”

Yung boses na yun. Kilalang kilala ko.

“Rm….” sabi ko. Pero ako lang ata ang nakakarinig.

Biglang bumalik sa alaala ko yung dahilan kung bakit nasa madilim na lugar ako ngayon.

---flashback---

Pagkapasok ko sa cottage ko after naming mag usap ni Rm, nakatanggap ako ng tawag mula kay mama.

“Iho! Bakit wala kayo dito sa manila? Nasa resort ba kayo?”

Ngumiti ako. “Yes ma, I’m sorry hindi ko nasabi kaagad.”

“It’s okay. Hindi rin naman kami nagsabi na uuwi kami ngayon.”

“Nandito kayo?” tanong ko.

“Yes. And also Kae’s parents.” Masayang sagot ni mama.

“Really?”

“Yes. Kaya nga ipasundo mo na kami ngayon. We want to go there. At ng makita naman namin yang ipinagmamalaki mong resort.”

“Ako na lang ang susundo sa inyo.”

“Hindi ka ba mapapagod? Pero sige. Ikaw ang bahala.”

“Okay lang ma, pupunta na ako.”

Ang saya ko habang nagmamaneho. Sa wakas. Maihaharap ko na si Rm sa kanila ng pormal.

Wala naman ng kaso kila mama o kahit kila tita Gracielle kung sino ang mamahalin kong babae. Alam ko na kahit si Rm yun. Matatanggap nila.

Pagdating ko sa bahay namin sa manila agad kong niyakap sila mama.

“Parang sobrang saya mo ata anak?” nakangiting tanong ni mama.

Ngumiti ako. “When we get there, I’m going to introduce someone to you.”

Ngumiti si mama ng mapanukso. “Serena ba yan sa paraiso mo?”

“No ma. She’s my princess in my kingdom.” Malawak ang ngiting sagot ko.

Mas lalong lumawak yung ngiti nya. “Then, whos the lucky girl?”

“It’s Rm.”

Na freeze yung ngiti ni mama. Pati sila tita Gacielle.

Nawala yung ngiti ko. “Still don’t like her for me?” tanong ko sa kanila.

“No iho. I thought galit sya sayo?”

Ngumiti ako. “Yes ma. Pero sinusuyo ko na po sya. At kapag okay na ang lahat. Ihaharap ko na sya sa inyo.”

Ngumiti sya at niyakap ako. “Go son. I don’t have anything against her. I know she’s a good girl.”

Gumanti ako ng yakap. “Thanks ma.”

Kumalas sya at tinulak ako. “Go and chase her! Baka makawala na naman sya sayo.”

Kumunot yung noo nya. “But… I thought pupunta kayo sa Resort ko?”

“Yes. Pero kapag naayos mo na yan. Dalian mo na. I’m sure naghihintay na yun sayo anak.” Nakangiting sagot ni papa.

Tumingin ako kila tita Gacielle. “Go iho. I think it’s time for you to get your own happiness.” Niyakap ko sila isa isa.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon