"ANG ingay nyo naman! Paano ako matutulog nyan." Sigaw ko kila kila Rona, Roselle at Xander habang inaalis ko yung blindfold sa mata ko.
April 10 na, at papunta kaming apat sa probinsya nila Rona sakay ng kotse ni Xander na sya mismo ang nagdadrive. Oo, papunta talaga kami, dahil sa nakakapagtakang dahilan, napapayag ni Rona ang mga magulang namin na mag stay kami doon ng isang linggo.
Humaarap sakin si Rona. "Talagang nag iingay kami para hindi ka makatulog. Tatlong oras na nga lang ang byahe natin tapos tutulugan mo pa kami?" Nanlalaki ang matang sigaw nya sakin at biglang inagaw sa kamay ko yung blindfold ko. Nakaupo sya sa tabi ni Xander, si Roselle naman katabi ko sa backseat.
"Hindi din gaanong masama yung ugali nyo eh ano?" Nakipag agawan na ko ng blind fold.
"Para naman kasing lagi kang puyat at maski sa byahe natin ay matutulog ka." At talagang ayaw nyang ibigay sakin ha?
"Baka puyat kasi ako? Ang aga aga nyo ko ginising, dapat kasi nagpahapon na lang tayo ng byahe.”
"Delikado nga pag nagpagabi tayo. Kahit hindi sobrang liblib yung lugar namin, malalayo ang gasolinahan sa dadaanan. Paano kung masiraan tayo? Kaya mong lumakad ng malayo at humanap ng mahihingan ng tulong sa madilim na lugar?" Nananakot pa yung boses nya.
As if naman nya matakot ako. Tiwala kaya ako sa sasakyan ni Xander no?
Tumatawa lang sila Xander at Roselle sa ginagagawa naming dalawa. Halos mawalan na kasi sya ng poise sa ginagawang paghihilaan namin.
"Oo na! Hindi na matutulog. Ang dami mo ng sinabi."
Suko na ko sa lakas ng babae na to. Pinandigan talaga paghila nya sa bliindfold ko. Bigla kong bibitawan yun. Nawala sa isip ko na hawak pa pala nya. Ayun, sapul sa mukha nya yung garter.
"Aray!"
"Uy sorry! Ikaw naman kasi, kung makahila, wagas!"
"Wow ha, ako na nasaktan, ako pa nasisi.” Hawak nya yung right cheek nya.
Ilang saglit lng, naramdaman namin na inihinto ni Xander ang sasakyan nya sa isang tabi.
"Rm, paabot nga ng bottled water sa likod ng upuan mo. Malamig pa yun." Wow. Ang seryoso ng boses nya ha.
"Ito oh." Inabot ko yung tubig. Minsan talaga OA sa kakulitan itong lalaki na to, tapos bigla na lang magseseryoso.
Kinuha nya ang tubig at hinawakan ang kamay ni Rona na nakatakip pa rin sa mukha nito. "Alisin mo nga yung kamay mo at patingin ako ng mukha mo."
Inalis naman ni Rona ang kamay nya at humarap kay Xander. "Ano bang gagawain mo? Bubuhusan mo ng tubig yung mukha ko?”
"Hindi ko alam kung bestfriend nga talaga ang tingin mo sakin, lagi mo nalang ako pinag iisipan ng masama." Kunwaring nagtatampong sabi nito. "Saan ba yung masakit? Akina at dadampian natin ng malamig na para hindi lumala."
Lumapit si Rona dito at inilagay naman ni Xander ang bottled water sa pisngi ni Rona na may latay ng garter.
Parang biglang nagkaroon ng sariling mundo ang dalawa. Parang bigla silang nawala ni Roselle sa sasakyan.
"Para ka talagang bata. Tignan mo yang mukha mo, may latay na na oh." Unti unting nitong dinadampian ang may kahabaang pulang latay sa mukha ni Rona. Punong punong ng pagsuyo nitong ginagawa iyon. Ewan ko pag hindi pa napansin ni Rona yung kakaibang titig si Xander sa kanya. May pagka-ewan din kasi yang babae na yan ee.
Ng makita ko ang latay ni Rona sa mukha ay bigla akong natawa ng malakas. Dahilan para mapatingin sa akin ang tatlo. "Sorry, naalala ko kasi si Rusell sa movie na UP sayo ee, nung nalatayan din ng ganyan yung mukha nya nung gumagagawa saya ng tent." Humagalpak na ako ng tawa.
Natawa rin si Xander at Roselle, samantalang si Rona ay nakasimangot na nakatingin lng sa aming tatlo.
"Akina nga yan!" galit na sabi nya atinagaw ang bottled water kay Xander. "Mga traidor talaga kayong kaibigan. Lagi nyo akong ginagawang katatawanan."
"Sorry na friend." Sa sobrang tawa ko naluluha na ko.
"Okay children, enough! tara na!” Biglang sabi ni Xander, pero nakangisi pa din ang mokong.
Parang bata na humalukipkip at sumandal sa upuan si Rona habang nakanguso ito.
"Nagtampo na ang bata. Wag ka masyadong pikon. Kaya walang naliligaw sayo eh." Sinundot sundot pa ni xander sa tagiliran si Rona.
"Heh! tumigil ka! Ang sabihin mo kaya walang naliligaw sakin kasi hinaharang mo lahat!"
"Sila na ang nagkusang lumayo , natatakot kasi sa mala dragon mong aura.”
Hinampas ito ni Rona sa braso pero tumawa lang ito at inabante na ang sasakyan.
Hmmmm. Baka ito pang dalawa na to ang magkatuluyan ah.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...