"HERE, EAT THIS." nagulat pa ko ng may lumitaw na plato sa harap ko.
Take note: Dalawang plato na punong puno ng pagkain.
"Hindi naman sigro last supper to ano? Parang isang linggo akong di pakakainin pagkatapos nito sa dami ng kinuha mo."
Kinuha ko yung foods at pinatong sa lapag na sinapinan nya ng twalya.
Tumabi sya sakin "Wag kang OA, dalawa tayong kakain nyan"
Napakunot noo ako. "Akala ko ba kumain ka na?"
Nagkibit balikat sya. "Oo nga, bakit? Bawal bang kumain ulit?"
Natawa ako ng malakas. "yung totoo? Kumain ka na ba talaga?"
kinuha nya yung kustara at iniabot sakin. "Oo nga, kakain lang ako ulit para may kasabay ka."
At tumitig na naman sya sakin.
Bigla na naman akong na conscious. Kung tignan nya kasi ako parang ako lang yung tao sa paligid. Ewan. Siguro imagination ko lang yun.
Pag katapos naming kumain ay ikinuha nya ko ulit ng isa pang bote ng alak, Hindi na ko tumanggi dahil minsan lang naman ako iinom.
Naglakad lakad lang kami sa gilid ng ilog. Nakakatuwa pala syang kausap.
Kung mag usap kami eh parang matagal na kaming magkakilala.
"So okay ka na ba?" Basag nya sa pananahimik namin.
Nakaupo kaming dalawa sa may kalakihang bato. Tanaw namin yung mga nagkakasiyahan sa likod ng bahay.
Nakita nya si Rona na kasayaw si Xander sa gitna.
At nakita ko rin si Roselle na lumalakad palayo kay Kavs, samantalang ito naman ay hinahabol si Roselle. Bigla akong napangiti. Hmmmm. May hindi ata ako alam sa dalawang yon ah.
"Mukang okay ka na nga, nag s-smile ka ng mag isa ee" Pukaw nya sa pansin ko.
Nakangiti pa rin ako ng humarap ako sa kanya. "Okay naman ako ah."
"Ngayon, siguro oo. Pero kanina, parang sa lalim ng iniisip at buntong hininga mo malulunod lahat ng tao dito."
I smirk at him. "Ang corny mo."
"Sinasabi ko lang yung napapansin ko."
Biglang nawala yung ngiti ko at napakunot noo. So, matagal na pala nya ko tinitignan kaya napansin nya na may problema ako?
"Ganon ba ka obvious?"
"Honestly? Yes. Akala ko nga kanina bigla ka na lang tatalon sa ilog kaya nilapitan na kita." mapang asar na sabi nya sakin.
"Heh!" Binato ko sya ng maliit na bato. "May problema ako, pero pero hindi ako suicidal no!"
Tumatawang inalis nya sa damit nya yung mga buhangin na sumama sa bato na ibinato ko sa kanya. "Joke lang, hindi ka na mabiro. Pero dahil nasabi mo na na meron ka ngang problema, sabihin mo na sakin." Itinaas taas pa nya ang kilay nya. Ang cute. "Dali! Makikinig ako promise, kahit hanggang umaga pa yan."
"Hindi naman importante, hayaan mo na."
Binunggo bunggo pa nya yung braso ko gamit ang braso nya. "Dali na. Sabihin mo na."
Wow. Close na kami? haha
Natatawang umusog ako. "Ano ka ba, birthday ni Rona to tapos problema pag uusapan natin. Usog ka nga dun!" pabirong tinulak ko sya.
So close na nga kami? May pagtulak na ko eh.
Pero dahil hindi naman malaking malaki ang batong inuupuan namin ay nahulog sya at hindi sinasadyang nahila nya ko. Napapikit ako ng mariin at napatili.
Pinaghandaan ko na ang paghalik ko sa lupa…
Teka…. Bat ang lambot ng lupa?
Dumilat ako…..
Imbes na mabatong lupa yung makita ko, dibdib ni Virg yung sumalubong sa mata ko.
Inangat ko yung ulo ko at sumalubong sakin yung mga mata nya..
Mata nya na nakatitig na naman sakin..
Sa sobrang lapit ng mukha ko e nararamdaman ko na yung paghinga nya..
Bigla akong tumayo. Syeeet. Bat bigla akong may naramdamang spark? Ano sya? Poste?
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hindi pa din sya kumikilos kaya nilapitan ko na sya.
Dahan dahan syang tumayo at hinawakan ang kaliwang balikat nya. "Ah, i think i just broke my arm."
"Naku! Sorry! ikaw kasi ee! Halika sa loob ng bahay, tignan natin yang braso mo at baka malala ang tama.”
"Wag na, okay lang ako." Dahan dahan nyang inikot ikot yung kaliwang braso nya.
Umayos sya ng tayo at nagpamewang."See?"
“Wag ka na magmayabang, alam kong masakit yan." Sabi ko sa kanya at hinila sya.
"Aaw!” narinig ko sigaw nya. Tatawanan ko sana sya ng makita kong kaliwang braso pala nya yung nahila ko. Natural, masasaktan sya.
"See? Masakit diba?"
Nahihiyang ngumiti sya sakin. "Okay okay. Medyo masakit nga, pero medyo lang naman."
Inirapan ko sya. "Ang daming palusot. Halika na." At nauna na kong maglakad sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...