----Rm’s Part---
Nakaupo ako sa counter ng Bittersweet. As usual, si Roselle nasa kitchen at nag eexperimento ng bagong cake. Si Rona, ayun. Wala na naman. Ewan ko ba sa babae na yun. Di ko naman mapagalitan kasi kahit laging wala hindi naman nya napapabayaan yung business namin.
Naring kong may pumasok. Tumingin ako.
“Good evening ma’am!” bati ko sa babae na pumasok. I noticed she’s cute.
Lumapit sya sa counter at alanganing ngumiti. “Good evening din. Ahmm. Do you have payphone here?”
Kumunot yung noo ko. “I’m sorry ma’am but we don’t have.”
Yumuko sya at kinagat yung daliri nya. “Ah. Can I borrow your cellphone then?”
Tumitig ako sa kanya. Uso yung mga budol budol gang ngayon. Baka member ng gang tong babae na to. Sinuri ko yung mukha nya. At marahang umiling ako. Hindi eh. Mukha namang mayaman. Saka ang ganda ng damit at kutis. Malabo maging member ng budol gang to. Sabi ko sa isip ko.
But looks can be deceiving. Sagot ng utak ko.
Napansin nya siguro yung ginagawa kong pagtitig sa kanya. Kaya nagsalita sya. “I’m sorry miss for bothering you. Nawawala kasi ako. I’m not familiar in the place. I forgot my phone kaya sana makikitawag ako. Pero kung may duda ka, can I just ask for nearest payphone? I really need to call someone to fetch me up.”
Medyo nahiya naman ako sa kanya. “Ahh. No it’s not like that.” Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer at iniabot sa kanya. “Here.” Ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti din sya sakin at inabot yung cellphone. “Thanks!” then she start dialing.
Nakatayo pa din sya sa harap ng counter kaya hindi ko maiwasan na pakinggan yung sinasabi nya.
Kagat kagat nya yung daliri nya habang hinihintay na sumagot yung tinawagan nya. Biglang nagliwanag yung mukha nya nung may sumagot.
“Hello? Aya! It’s me, Kae!”
Tumahimiik sya, siguro nagasasalita yung sa kabilang linya.
Kinagat nya ulit yung darili nya. “Sorry aya. Gusto ko lang sana mag stroll. Sorry sorry…”
Tumahimik sya uli. “I’m here at bittersweet bakeshop.” Tahimik ulit. Bigla syang humarap sakin. “Ahm, excuse me miss, where exactly is this place?”
“Ayala.” Sagot ko.
“Ayala .Yes, dito mo ko binilan ng cake last time. Yes. Okay, I’ll wait you. Okay. Bye.”
Inabot nya sakin yung cellphone. “Super thank you!”
Ngumiti ako. “It’s nothing. Maupo ka muna habang hinihintay mo yung sundo mo.”
Ngumiti sya. “Ahm, by the way can I order strawberrycheese cake and choco shake? I really loved it the first time I tasted it.”
“Okay! Maupo ka muna.”
DINALA KO YUNG ORDER NYA SA TABLE NYA. “Here’s your order.”
“Wow. Thanks!” kinuha nya yung tinidor at sumubo ng cake. “I’ts supper delicious! Did you make this?”
Ngumiti ako. “My sister makes all of cakes here.”
“Wow. She really is a great baker!”
“Naku, baka lumaki ang ulo nya pag narinig nya yan.”
Kumunot yung noo nya. “Lumaki ang ulo? I’m sorry if I don’t understand it. I grew up in America. That’s why.” Apologenic nyang sagot.
Ngumiti ako. “It’s okay. Lumaki ang ulo means---“ di ko na natapos yung sasabihin ako dahil may pumasok.
“Kae?”
Napalingon ako.
Bigla kong napigil yung hininga ko. At napatitig sa lalaking dumating.
Ganun din sya sakin.
“Ayaaaaa!” sigaw nung babae na Kae pala ang pangalan.
Tumakbo sya kay Virg at yumakap. “Aya! Sorry!”
Niyakap din sya ni Virg. “Shhhh. Its okay. Importante okay ka.”
Nakatingin lang ako sa kanila.
Pakiramdam ko nakakita ako ng multo nung nakita ko sya. Ano nya si Kae?
Nagbitaw sila. “Let’s go home.” Sabi ni Virg.
“Okay! Wait. I forgot. Di pa ako bayad. Can you lend me some money? Naiwan ko din kasi yung wallet ko.”
Tumingin muna sya sakin bago dinukot yung wallet nya sa likod ng pantalon nya.
“Ah. Wag na!” pigil ko sa kanya. “Libre na yun! Dahil pinuri naman nya yung pagkain namin.”
“Are you sure?”
“Y-yeah.”
“Thank you! Miss?” sabi ni Kae.
“R-rm.”
“Thanks Miss Rm! I promised to come back here! Bye!”
Hinila na nya si Virg na nakatitig lang sakin.
“Aya? Let’s go?”
At lumabas na silang dalawa.
Pag alis nila bigla akong napaupo sa upuan. After four years. Ganito magiging pagkikita namin. Bakit parang hindi nya ako kilala kung umakto sya? Bakit parang sobrang close nila ni Kae?
Matagal lang ako nakatitig sa kawalan ng kalabitin ako ng isa sa crew. “Ma’am,phone po. Si ma’am Rona.”
“O-okay.”
Pumasok na ko sa opisina.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...