Chapter 29

130 4 0
                                    

-------RM’S PART----

HINDI KO ALAM KUNG SAAN kami pupunta. Medyo madilim na. naipit kasi kami sa traffic kanina. Rush hour na kasi..

Nakatingin lang akoo sa bintana. Ng biglang huminto yung sasakyan.

“We’re here.” Narinig kong sabi ni Luigi.

Tumingin ako sa harap. There. Nakita ko si Virg. Nakatayo sa tapat ng Sta. Ana church. Nakapamulsa habang nakayuko.

Malayo pa lang, nararamdaman ko ng bumilis yung tibok ng puso ko. Isang Linggo lang. pero sobrang na miss ko na sya.

Lumabas si Luigi sa sasakyan. Pumunta sa passenger seat at ipinagbukas ako ng pinto.

“Dali na, hinihintay ka na ng prinsipe mo.” Nakangiti nyang sabi sakin.

Ngumiti ako at bumaba na rin.

“Pano ba yan? Aalis na ko.” Sumakay na sya uli sa kotse nya. Nakangiting tumango lang ako.

Saka ko na sya pasasalamatan. Kapag okay na ang lahat.

Unti unti akong naglakad papunta kay Virg. Pakiramdam ko naging slowmo lahat ng galaw sa paligid ko. Ng malapit na ko sa kanya, naramdaman nya siguro yung presensya ko, dahan dahan syang nag angat ng ulo.

Una kong nakita sa mukha nya yung gulat. Sumonod yung saya. Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ko sya talaga kayang mawala.

“Rm……..” pabulong nyang sabi. Lumapit ako sa kanya.

Hinawakan nya yung pisngi ko. Parang hindi pa din sya makapaniwala na ako yung nakikita nya. Bigla nya kong niyakap. Sobrang higpit. Parang ayaw na nya akong pakawalan. Gumanti ako ng yakap.

Naramdaman ko na nabasa yung balikat ko. He must be crying. Naiyak na rin ako tuloy.

Matagal kami sa ganung ayos. Walang nagsalita. Umiyak lang kaming dalawa.

Ilang sandali pa, ako na yung unang bumitaw.

Hinawakan ko yung pisngi nya. Umiiyak nga sya. “Pumayat ka.” Sabi ko habang tumutulo yung luha ko.

“Ikaw din. Kumakain ka ba ng maayos?” masuyo nyang sabi at hinawakan din nya yung pisngi ko.

“I missed you.” Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya. “Akala ko hindi ka dadating..”

Ngumiti din ako sa kanya. “Akala mo lang yun.”

Hinawakan nya yung kamay ko. “Rm, magpapaliwanag ako.”

“Hindi na kailangan. Alam ko na lahat.”

“Hindi.. gnito kasi---“

“Sinabi na sakin ni Luigi.”

Natahimik sya.

“I’m sorry..” sabi ko sa kanya.

“No. I’m sorry. Dapat sinabi ko agad sayo. Para hindi na tayo umabot sa ganito.”

“Wag mo ng isipin yun. Kamusta ka na?” umupo kami sa malapit na flower box.

“I moved out. Kila Lory kami ngayon tumutuloy. Inaayos na yung mga papeles papunta sa America.”

Napayuko ako. “So, tuloy na tuloy na pala talaga.” Mahina kong sabi.

Biglang tumahimik.

“Run away with me baby girl.”  Basag nya sa katahimikan.

Napaligon ako sa kanya. Nakita ko yung pagsusumamo sa mata nya.

“Gusto mong magtanan tayo? Virg, naririnig mo ba yung sinasabi mo?”

“Di ko kayang mawala ka.”

“Mas lalong hindi ko kayanag mawala ka.” Sagot ko sa kanya.

“Kung ganun, umalis na tayo. Lumayo. Kapag kasama kita. Alam ko na magiging okay ako. Ayokong umalis kasama si Lory. Ayokong magpakasal sa kanya. Ikaw. Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay.” Mahaba nyang sabi sakin.

Nag iwas ako ng tingin.  Kung ano ung sinabi nya, yun din yung gusto kong mangyari pero alam ko na hindi magandang solusyon kung tatakas kaming dalawa. Madaming pwedeng mangyari.

“Hindi ganun kadali Virg. Kahit gano nating kagustong makasama ang isat isa, hindi pwede. Pano yung pamilya mo? Pamilya ko? Buhay natin?”

“Sa isang araw na yung alis namin.”

Marahas na napalingon ako sa kanya.

Ngumiti sya ng malungkot. “Dun ko na rin itutuloy yung huling sem ko. Pagkatapos nun….” Napahinto sya sa pagsasalita. “Ikakasal na ko…” nahina nyang sabi.

Hindi ko namalayan na napahikbi na pala ko.

Humarap sya sakin. Hinawakan nya yung dalawang kamay ko. “Mahal mo ako hindi ba?”

Tumutulo ang luhang tumango ako.

“Napangiti sya. Pero nagingislap yung mata nya tanda na iiyak na rin sya.

“Bukas. Hihintayin kita sa terminal papunta sa Batangas. Alas singco ng hapon.”

Gulat na napatingin ako sa kanya. “Virg……..”

“Kaya kong iwan lahat Rm para sayo. Kaya kong talikuran ang pamilya ko.”

Napailing ako. “Hindi to tama Virg.”

“Alin ang tama? Ang magpakasal ako sa babaeng hindi ko mahal at iwan ka? Hindi ko kaya. Pag kasama kita Rm, para sakin tama ang lahat..”

Niyakap ko sya. Ayoko na. Ayoko ng labanan yung nararamdaman ko. Mahal ko si Virg. Kung gagawin nya sakin ang lahat, kaya ko ring gawin ang lahat para sa kanya. Saka na ko mag iisip. Gusto ko lang syang makasama.

“Dadating ako. Pangako. Hintayin mo ko.” Bulong ko sa kanya habang yakap nya ko.

Humiwalay sya. Hilam na ng luha yung mata nya. Hinawakan nya yung pisngi ko. “Mahal na mahal kita Rm..”

“Mahal di kita Virg.”

At hinalikan nya ko.

Sa tapat ng simbahan.

Nangako kami sa isat isa na lalaban kami.

Kahit kalaban pa namin ang pamilya nya.

 --------------------------------------------------------------------------------

mag aupdate ako after midterms namin this week! malapit na po matapos :)

---nunaaay.

---------------------------------------

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon