-----(Rm's part)-----
Palabas na ko ng class room ng makatanggap ako ng message galing kay Paul. Nasa labas na daw sya ng school.
Masaya ang araw ko ngayon.
Hindi dahil makikita ko si Paul nagyon. Masaya ako dahil kay Virg.
Bakit?
Ganito kasi nangyari kagabi.
---flashback----
Pagkatapos tumawag ni Paul sakin, naligo ako sandali. Wala pa din si Roselle sa bahay. Pati sila mama. Siguro nasa cavite sila mama. Meron din kasi kaming bahay dun. Si Roselle, hindi ko alam kung nasaan. I’m sure nakila Rona lang yun.
Okay lang yun. Mas okay wala ko kasama. Baka makita pa nila yung mga mugto kong mata.
Pahiga na ko ng biglang mag ring yung cellphone ko.
Si Virg ang caller.
“Hello?” pagsagot ko.
“I turn off the lights and let you sleep
Just close your eyes, relax and breathe in slowly, no, don't feel lonely
'Cause I'll be right here by your side
If you should awake into the night keep dreaming….”
Pagkarinig ko ng boses nya, bigla akong napangiti.
Mga ganitong ngiti ^____________________^
“'Cause I'll be keeping your heart in mine
Don't you know I'll always be near?
Even in the hardest time
Don't you know I'm always right here?”
Ang lamig ng boses nya….
Biglang gumaan yung pakiramdam ko..
“When you're feeling lost don't give up because it's alright
When you close your eyes I'm by your side”
Natapos yung pagkanta nya na nakangiti pa rin ako. Muka lang akong tanga.
Kanina, ang saya saya ko. Tas biglang ngumawa. Tas ngayon ngingiti na naman.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...