-----RM’S PART-----
4 YEARS LATER……..
Nakapalumbaba ako sa Counter habang nakatingin sa kawalan. Narinig ko na bumukas yung pinto. Pero hindi ko tinignan kung sino yung pumasok.
“Ate, wag ka nga mangalumbaba dyan. Malas sa negosyo yan. Ang aga aga eh.” Nakita ko si Roselle sa harap ko.
Hindi ako gumalaw. “Wala pa naming customer eh.” Tinatamad kong sagot.
Bumuntong hininga sya. At ibinaba yung bag nya sa counter. “Wala pa. pero baka walang dumating kung ganyan ang aura mo. Ano ba natira mo kagabi at bangag ka ngayon.”
Umayos ako ng upo at inirapan sya. “Isang kahon ng katol lang naman. Gusto mo din?”
Umiling iling sya. “Iba na yang tama mo. Padoctor ka na te. Teka, nasan pala si Rona? Late na naman yung babae na yun. Ipapatikim ko yung bago kong imbentong cake.” Pumasok na sya ng kitchen. “Tawagin mo ko pag nanadyan na sya ha.”
Hindi ako sumagot at inilibot ko yung tingin ko sa buong lugar.
Natupad na din namin nila Rona at Roselle ang panagrap naming magtayo ng Bakeshop. Ang BitterSweet bakeshop. After naming grumaduate, nagtrabaho muna kami ng 2 years at nag ipon. After nun, nagdesisiyon na kaming itayo yung BitterSweet. Medyo kinulang kami sa capital pero sinuportahan naman kami ng mga magulang namin. 2 years na rin ang business naming at nabawi na naming lahat ng nagastos at nabayaran na rin naming yung mga nahiram namin sa mga magulang namin.
Hindi lang basta bakeshop ang negosyo namin. Nag sesrve din kami ng ibat ibang klaseng pagkain at inumin. Pero pinaka-main naming ang mga cakes at pastries.
Kaming tatlo ang hands-on sa business. Si Roselle yung gumagawa ng mga special cakes. Kami naman ni Rona ang nagmamanage.
Tumayo ako tinawag yung isa sa mga crew naming na abala sa paglilinis. Mamayang alas nueve ang bukas namin.
“Erika, pag dumating ang ma’am rona nyo sabihin mo nasa loob ako ng opisina ha.”
Ngumiti sya sakin. “Okay ma’am.”
Pumasok na ko ng opisina.
9 PM. Dumadami na yung tao sa BitterSweet bakeshop.
Hindi ko pala nasabi kanina. Tuwing Saturday at Sunday, kumakanta si Rona sa BitterSweet. Nung una katuwaan lang naming yun. Pero ng mapansin naming na dinadayo yun. Nagging regular na yung pagkanta nya. Tumatanggap sya ng mga requested song. 9-10 pm lang naman. Dahil 11 pm nagsasara na kami.
Inaayos palang yung set ni Rona sa maliit ng stage. Lumapit ako sa kanya.
“Hoy. Bakit ngayong gabi ka lang nagpakita dito? Diba umaga yung usapan natin?”
“Ehe. Sorry na. may importante lang akong ginawa.”
Nagdududang tinignan ko sya. “Ganun pa kaimportante sa cake na ginawa ni Roselle?”
Nagbuga sya ng hangin. “Okay fine. Kasama ko si Luigi kanina. Nagpunta kasi sya sa bahay ng umaga. Kinailangan nya ng back up. Kasi imemeet nya yung Ex nya. Okay na?”
Tumango ako. “sige na. kumanta ka na dyan.” At bumaba na ako ng stage.
Tumayo ako sa gilid ng counter at tinigna ko si Rona.
“Good evening everyone. Thanks for coming heretonight. Enjoy you foods!” narinig kong sabi nya. Tapos may kinaha sya sa box. Dun nakalagay yung mga requested song na may kasamang message. “Okay. Here’s our first song. At may message pa. ‘Kaila, being your bestfriend is the best thing that happens to me. But being your husband is the greatest thing ever. I love you.’ It’s from Kevin. And thieir requested song is Lucky.”
Nakita kong saglit na natahimik si Rona. Nabanggit kasi ang salitang bestfriend. I know it reminds her of Xander.
“There you go. It’s for you Kaila ang Kevin. Hope that you’re marriage will last forever.” Nakangiti nyang sabi at kumanta na.
Ngumiti ako at pumasok na sa opisina naming tatlo.
Siguro nagtataka kayo sa iba pang kaganapan mula ng grumaduate kami ano?
Pagkatapos ng graduation, lahat kami nabokya ang lovelife. Wala na kaming balita sa ibang myembro ng Blue Jeans. Kay Luigi lang meron.
Dahil after graduation, nawala yung iba. Si Luigi lang yung natira at ngayon eh parang bestfriend na ni Rona.
Hindi ko na ikekwento yung mga nangyari sa kanila after graduation. Ikekwento din naman nila yun sa storya nila.
Basta. Mas mabuti na na wala kaming naririnig na kahit anong balita tungkol kila Kavs, Xander at…..Virg.”
Bumuntong hininga ako. Ayoko na syang isipin. Nakamove-on na ko.
Nakamove on na ba talaga?
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...