– VIRG PART –
7 AM
Late na kong nakatulog dahil sa kakaisip. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Rm.
“Goodmorning Baby girl.”
“Morning.” Inaantok pa yung boses nya.
“Bumangon ka na po. Baka ma late ka na naman.” Nakangiti kong sabi.
“5 minutes.” Antok pa din yung boses nya.
“Yang 5 minutes mo mamaya magiging 10 na. Bangon na.”
Narinig ko na naghikab sya. “Late na kasi akong nakatulog eh. Kasalanan mo.”
Napakunot noo ako. “Ha? Bakit? Anong ginawa ko?”
“Pinakilig mo kasi ako ng sobra kahapon eh. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.”
Nakagat ko yung ibabang labi ko. Ang hirap pigilan ng kilig. ^_^
“Ikaw ha. Ang aga aga mo magpakilig. Bumangon ka na nga.”
“Totoo nga. Eto na oh. Bumangon na. Ikaw ba bumangoon ka na ba?
“Bumangon na. I’ll hang up na. Kumain ka ng madami ha. See you on lunch.”
“Opo. Ikaw din.”
Then she hung up.
Tinignan ko yung phone ko at tinitigan ko yung picture nya.
Bumuntong hininga ko.
Ngayon naman na nakuha ko na yung hapiness ko, bigla naman may problemang ganito.
May kumatok sa pinto.
“Anak. Gising ka na ba? Kumain na tayo.”
“Opo ma. Andyan na po.”
Hinalikan ko muna yung picture ni Rm bago ko inayos yung kama ko at lumabas sa kwarto.
Pagpasok ko sa kusina hindi ko nakita si papa.
“Ma, si papa?”
“Nasa kwarto pa. mamaya na daw sya kakain.”
“Galit pa din sya sakin?”
“Hindi galit ang papa mo. Marami lang syang iniisip. Intindihin moo na lang.”
Bumuntong hininga ako. Uminom lang ako ng kape at tumayo na.
“Ligo na ko Ma, malelate na ko eh.”
“Okay.” Alanagning sagot ni mama. Naramdaman ko kasi na gusto na naman nyang ungkatin yung tungkol sa kasal.
At ayoko na marinig yung tungkol dun.
--Rm’s PART—
Habang papasok ako sa school para akong nasa cloud 9. Ang ganda ganda ng mood ko.
Pagdating ko sa school, nakita ko sila Rona at Roselle sa lobby.
“Naks! Pag may jowa blooming na agad! Congrats friend!” bungad sakin ni Rona.
Tumawa ako. “Naman! Kaya mag boyfriend ka na din kasi medyo haggard ka na.”
Bigla sya sumimangot. “Epal ka din eh. Di kita papatulan ngayon kasi alam ko masaya ka. I’m happy for you.” Nag smile sya sakin.
“Thank you friend! Mamaya ka na magdrama ha? Late na ko sa class ko eh! Bayie!” nag wave ako sa kanila at umakyat na ng hagdan.
“Okay! Sabay tayong tatlo mag lunch mamaya ha!” narinig kong sigaw nya.
Huminto ako at lumingon. “Naku. Sabay kami ni Virg mamaya.”
Sumimangot sya ulit. Sibangot talaga tong babae na to. “Well well well. Ganyan talaga ang buhay pag may lovelife na ang friends. Sige lang! Kami na lang ni Roselle ang sabay!”
Bigla ko nakita yung alanganing ngiti ni Roselle.
“Friend, kasi..”
“Ano? Don’t tell me kayo ni Kavs ang sabay?”
“Ah, kasi may usapan na kami eh. Sorry friend.”
Bumuga ng hangin si Rona at nagslouch. “Ang saklap naman ng life.”
Natawa ako. “O sige na! Late na ko talaga! Si Xander na lang isabay mong kumain!”
Umupo sya at tinatamad na kumaway. “Psssh. Sige na.”
Pag akyat ko sa 3rd floor nakita ko si Virg sa tabi ng classroom ko. Nakasandal sya tapos nakapamulsa habang nakayuko.
Nung naramdaman nya yung presence ko nag angat sya ng tingin.
“Hello baby girl!”
Nagsmile ako at lumapit sa kanya.
“Bakit nandito ka? Wala kang klase?”
“Meron. Nag paalam lang ako na pupunta ako ng CR.” Nakangiti sya.
Kinurot ko yung pisngi nya. “Nako! Isususmbong kita kay Ma’am SG!”
Hinawakan nya yung kamay ko. “Okay lang! Favorite naman ako nun eh!” tumawa sya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. “Ayun! Nakuha ko na breakfast ko. Pasok na ko ulit. I love you.”
Hindi na ko nakasagot kasi tumakbo na sya. Hinawakan ko yung magkabila kong pisngi. Shems. Kinikilig ako.
Muka akong sira.
Ayun. Pagpasok ko, agaw atensyon. Late ako ng 20 minutes eh. Kaharutan kasi.
Nung lunch time hindi kami sa school kumain. Pumunta kami sa mall. Tutal malapit lang din naman sa school. Mamayang 2 pm pa naman next class ko, tapos sya 3 pm.
Pumasok kami sa Yoshinoya.
Habang kumakain parang may napansin ako sa kanya.
“Bat parang puyat ka?”
Tumingin sya sakin.
“Ha? Ah, nagkwentuhan kasi kami ng matagal nila mama. Alam mo na. Ang dami naming dapat I catch up.”
“Ah. Kamusta naman sila?”
“Okay naman.”
“Sa condo mo sila ngayon tumutuloy?”
“Oo.”
Bakit parang ang tipid nya sumagot?
“Silang dalawa lang umuwi?”
“Nope. With family friends.”
Nakayuko lang sya at nilalaro lang nya yung pagkain nya.
“May problema ka ba?” nag aalala kong tanong.
Napaangat sya ng tingin. “Ha? Ah. Wala. Medyo masakit lang ulo ko.
Tumabi ako sa kanya. “Gusto mo bang umuwi na? Sasabihin ko nalang kay Sir na hindi ka makakapasok.
“Hindi. Okay lang”
“sigurado ka ba? You know, kung may problema pwede mo naman sabihin sakin.”
Nag smile sya. Pero hindi naman umabot sa mata nya. “wala nga.” Pinisil nya yung ilong ko. “Kain na tayo.”
Nagsmile din ako. Medyo nabobother ako. Parang may mali eh. Nakakatampo din kasi. Firstday namin as couple.
Yumuko na lang ako at kumain.
Hinawakan nya yung baba ko. Tapos inangat nya.
“Okay.” Bumuntong hininga sya. “May problema ako. Pero maliit lang naman. Okay lang ba kung hindi ko muna sabihin?”
Nag smile ako sa kanya. “Bakit hindi pa pwede?”
“because I don’t want to spoil our first day.”
“Okay!” nag smile ako at sumandal sa balikat nya. Naramdaman ko na hinalikan nya yung tuktok ng ulo ko.
“I love you.”
Napangiti ako.
“I love you.”
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...