Chapter 7

182 7 0
                                    

----(VIRG'S PART)--- 

Napangiti ako ng tumalikod sya sakin.

I can see the concern look all over her eyes. At grabe.

Kinikilig ako.

Ang pangit pakinggan para sa tulad ko no? I know that’s so gay. Pero wala eh. Yun talaga yung nararamdaman ko.

Siguro, ganito talaga..

Kasi nga, matagal ko na syang gusto.

Actually, hindi lang basta gusto. Mahal ko na sya.

Kaso.. hindi pwede. May masakit kasing katotohanan eh.

May boyfriend na sya.

Iniisip nyo siguro kung pano ko sya nagustuhan no?

Ganito yun..

Nakikita ko naman sya lagi sa school namin eh. Dati wala lang. normal lang pag nakikita ko sya..

Isang araw, nakaupo ako sa school. Sa UG to be exact. Nakita  ko sya na nag aabang na bumukas yung elevator. Naka dress sya na kulay blue. Nakita ko yung classmate ko na nakatingin din sa kanya.

Si Kelvin. Crush nya ata eh. Kaya inaasar ko..

Pero nung napalingon sya sandali banda samin..

Bigla akong natigilan.. Narealize ko….

Ako pala yung may gusto sa kanya..

Siimula nun hindi ko na sya inasar kay Kelvin. Kasi yun din yung simula na gusto ko, maging akin sya..

Nalaman ko na bestfriend pala sya ni Rona. Yung bestfriend ni Xander.

Ayun! Presto! Pwede ako magpatulong kay Xander na manligaw kay RM.

Pero nung sinabi ko yun kay Xander, para akong sinampal sa sagot nya.

-

-

-

-

“May boyfriend na yun pare. Paul ata ang pangalan. Bago lang ata sila eh. Mga one month pa lang.”

Booooom! Para akong sinabugan ng bomba.. bat ako nahuli ng isang buwan?

Pagkatapos ng nalaman ko, hindi naman nagbago yung nararamdaman ko. Parang mas lumala pa nga eh. Kasi sa araw araw na nakikita ko sya. Lalo syang gumaganda sa paningin ko.

Sabi ko, okay lang. masay naman sya eh. Pero lagi ko pa din syang tinitignan sa school. Tambayan nya yung library eh. Naging tambayan ko na din tuloy. Inaasar nga ako ng mga bandmates ko. Kasi nga, allergic kami sa library.

Ng minsang makausap ko si Rona, pasimple akong kumuha ng information tungkol kay RM.

Mahilig pala syang sumayaw.

pero may isa akong nalaman na sobrang ikinatuwa ko.

Ayaw ni Rona kay Paul para kay Rm. Ayaw din ni Roselle.

Uy. May habol..

Ang tanong ako kaya gusto nila for her?

“Naku Virg, siguro kung ikaw yung boyfriend ni Rm, mas panatag ako.” Naalala kong sabi ni Rona sakin.

Nice! May habol nga ako. Pero syempre. Ayoko paasahin yung sarili ko. Hindi naman si Rona ang may hawak ng puso ni Rm eh. So ayun.. I’ll just wait outside the line na lang.

 Pag gig namin, hindi ko nakikita si Rm na sumasama. Sabi ni Rona, ayaw daw payagan ni Paul. Grabe. Kahit hindi ko pa nakikita yang Paul na yan, nababanas na ko sa kanya. Ginagawa na nyang preso si Rm sa relasyon nila eh.

Mahigit isang taon na din nakakaraan, pero imbes na mawala yung nararamdaman ko, lalo pang lumala.

Kapag nakikita ko syang masya, mas masaya ako. Malungkot lang kasi alam ko naman na iba yung dahilan nung kasiyahan nya na yun.

Mas malungkot ako pag malungkot sya. Alam ko din na iba ang may gawa nun. Kaya naiinis ako pag minsang makikita ko sya nawalang kinang yung mga mata nya, para akong sinasaksak sa puso. Parang ako yung mas nasasaktan..

Ganun na ganun yung pakiramdam ko ng makita ko sya kanina sa gilid ng ilog na mag-isa.

Ayoko sana syang lapitan, kasi baka gusto nya lang mapag isa. Pero di ko napigilan ee. Ang sakit kasi pag nakikita ko syang ganun. Kaya naglakas loob na kong lapitan sya.

At grabe yung tuwa ko nung malaman ko na kilala nya pala ako.

Ayun na. gumawa na ko ng paraan para mapangiti sya. Sana lang talaga. Maging masaya na sya. At sana lang…

 Ako na yung maging dahilan ng kasiyahan nya.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng lingunin nya ko at sigawan.

“Ano? Nabagok ka ba? Bat nakatulala ka lang dyan?”

Tumawa ako ng malakas. “sorry! May bigla lang akong naalala. Andyan na!”

Hayyyyy. Kahit mabalian ako ng buto, basta kasama ko sya at nakikita ko yung ngiti nya. Okay lang.

Papa orthopedic na lang ako. ^___^

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon