----- (RM'S PART)------
PASADO ALA UNA NA NG MATAPOS ANG SELEBRASYON. Nakahiga na ko sa kama ng lumabas si Roselle sa banyo.
"Ate ah, kanina pa pala kayo magkasama ni Virg. Close na close ah!" asar nya sakin habang pinapatuyo nya yung buhok nya sa twalya.
"Gaga! Malamang, magiging nice ka kasi nice yung tao sayo."
Okay naman na yung braso ni Virg. Hinilot lang kanina ni tita Raquel.
"So nice pala sya? Edi nagsisisi ka na at hindi ka nakakasama sa mga gigs nila? Edi sana dati mo pa sya nakilala at nalaman na nice sya."
"Ewan ko sayo. Ikaw naman anong drama nyo kanina ni Kavs?"
Bigla syang sumimanot. "Ewan ko ba sa kabute na yun. Nagsawa na siguro sa ibang babae at ako naman ang ginugulo."
"Hmmm. Is he courting you?"
"No ate. He’s flirting with me" mas sumimangot pa yung muka nya.
"Na ineenjoy mo din?"
"Yuck ate! Di ka ba nandidiri sa lalaki na yun? Alam mo na allergic ako sa kanila. Lalo sa mga kagaya ng higad na lalaki na yun."
"Easy! Wag kang highblood."Natatawang sabi ko sa kanya. “Bakit kasi hindi mo subukan?"
"Susubok na nga lang ako, dun pa sa taong kagaya nya? Walang ibang ginawa kungdi magsaya at magpaikot ng babae. Ayokong mapasama sa mga naloko na nya."
"Roselle, hindi naman siguro sya kagaya ng iniisip mo.” malungkot na sabi ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. "Ate, lahat ng tao sa school yung ang tingin sa kanya.”
"Sis, alam ko na nasaktan ka nya dati ng hindi nya alam. Pero sana. Bigyan mo pa sya ulit ng chance. Malay mo, nagbago na sya diba? At saka ang tagal na nun. 6 years ago naort ata yun eh. Saka Masyado pang maaga para isara mo yang puso mo sa pag ibig."
“Hindi ko naman isinasara eh. Ayoko lang umasa ulit.”
"Alam ko yang nararamdaman mo. Natatakot ka diba? Okay lang matakot. Kasama naman sa pagmamahal yan ee."
Tumabi sya sakin at sumandal sa headboard. "Ikaw ate, natakot ka din ba sa nararamdaman mo noon kay Paul?"
"Syempre oo, nung una. Pero mas nangibabaw yung pagmamahal ko kaya kinalimutan ko yung takot ko."
Malungkot na tumingin sya sakin. “Ang dami ko kasi kaagaw sa atensyon nya. Natatakot ako.”
"Kasama yan sa buhay. Halika nga dito." Pinahiga ko sya sa tabi ko at niyakap. "Ano pa at naging ate mo ako? Wag ka matatakot magsabi sakin ha?"
"Oo ate, promise. Thank you!" niyakap din nya ako ng mahigpit.
Gumanti ako ng mas mahigpit na yakap at hinalikan ko sya sa noo. Para pa din syang bata. Nakakamiss.
****
DALAWANG linggo na ang nakakaran ng umalis kami sa probinsya nila rona. Kinabukasan pagtapos ng birthday ni Rona ay nauna ng umalis ang mga kabanda ni Xander. Uuwi pala ito sa kani-kanilang probinsya. Nag iwan ng number si Virg kay Rona bago sila umalis. Tulog pa kasi ako nun.
Pero hindi ko pa din sya tinatawagan o tinetext.
Wala naman kasi akong sasabihin.
Dapat kasi sya na lang kumuha ng number ko ee. (Ay, ang bata, naglandi ^__^)
Nandito ako nagyon sa school. Enrollment na kasi namin. Bilis ng bakasyon. Di ko manlang nadama.
May narinig akong tumawag sakin.
"Ate!” si Roselle pala.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko sya. "Bakit?"
“Nag-aaya si rona, gig daw nila xander sa Padis Moa mamaya. Tara, sama tayo!"
"Tinatamad ako"
"Ate naman eh!" hinila hila nya pa yung braso ko. "Wag kang KJ! Cool off naman na kayo ni Paul diba? Kaya okay lang."
"Hindi kami cool-off. Hindi lang kami nag-uusap."
"Ganun na din yun. Dun na din yun papunta, tapos break-up na susunod." tumataas taas pa ang kilay ng hitad. At ang gaga, parang natutuwa pa na yung ang mangyayari.
"Hindi naman masyadong halata na ayaw mo sa talaga sa kanya eh. Ano?"
"Hehe. Medyo lang? Pero sasama ka na ha? Nandun naman si virg eh! Sige! See you! Magtatago muna ako sa higad!" at tumakbo na sya palayo.
Parang biglang nag-init pisngi ko nung maalala ko si virg. Parang bigla akong nasabik na ewan. Napailing nalang ako.
Nagulat pa ako ng pagharap ko sa dadaanan ko ay nakita ko ang gwapong mukha ni Kavs. Pawis na pawis sya. Mukang galing ito sa pagtakbo. Katirikan pa naman ng araw dahil ala una na ng hapon.
Infairness. Pawisan na muka pa din mabango.
"Ay kabayo!" natutop ko ang dibdib ko.
"Grabe Rm! Ang gwapo ko namang kabayo"
"Bakit ka ba kasi bigla bigla sumusulpot?”
Bigla syang mgumiti "Nakita mo ba yung maganda mong kapatid? Kanina pa ko pinagtataguan nun eh. May ibibigay lang nman ako sa kanya." nakita ko na may hawak syang isang pumpon ng rosas.
"Hmmm. Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Oo, pero ayaw nya eh. Nakita mo ba sya?"
"Oo. Dun sya dumiresto." itinuroro ko yung daan papuntang library.
"Okay! Salamat sis!" at tumakbo na ulit sya.
Grabe, ah. Ang haba ng hair ng kapatid ko. Pasabunot nga. Isa lang.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...