----Virg’s part----
“Good evening baby girl!” nakangiti kong bati sa kanya pagbukas nya ng pinto.
Pokerface lang sya. Baad mood? Tanong ko sa sarili ko.
Nagulat nga ako at nagtext sya na pumunta daw ako sa kanila. May sasabihin daw syang importante.
Pumasok na ko. “Nasan sila Tita?” tanong ko.
“Nasa cavite.” Tipid na sagot nya tapos naglakad sya papunta sa kusina.
Sumunod ako. “Eh si Roselle?”
Pumunta sya sa lamesa. “Nakila Rona.”
Napangiti ako. Niyakap ko sya mula sa likuran. “Kaya pala pinapunta mo ako dito. Gusto mo ko masolo no.” biro ko. Hindi sya kumibo. Inalis nya yung braso ko sa katawan nya at humarap sakin.
Inabot nya yung baso. “Juice.” Kinuha ko.
Tapos pumunta na sya ulit sa sala at umupo sa sofa.
Ipinatong ko yung baso sa center table at tumabi sa kanya. “May problem ba?” tinitigan ko yung mukha nya. Napansin ko na namumula saka medyo namumugto yung mga mata nya.
Tumingin sya sa kabilang side. May kinuha sya sa gilid. Tapos binaba nya sa center table. “Totoo ba to?”
Nanigas ako pagkakita ko sa binaba nya. Bakit meron sya nito? Bakit may ganito? Invitation sa engagement party namin ni Lory? Ngayon ko lang nakita to.
Nakatitig lang ako dun. Hindi ako makapag salita. So alam na nya…
Narinig ko na humikbi sya. “Totoo nga.” Mapait na sabi nya.
“Baby girl…” hinawakan ko yung kamay nya. Pero iniwas nya.
“Bakit Virg? Bakit ako pa yung napili mong gaguhin?”
“Hindi kita ginago...”
Mapait na tumawa sya. “Ah. Pinaglaruan lang? Ganon?”
“Hindi…”
Tumayo sya. “Maghiwalay na tayo Virg.”
Napaangat yung tingin ko sa kanya. “Rm…..”
Tumalikod sya sakin. Narinig ko yung hikbi nya. Nakita ko ring umaalog na yung balikat nya. “ALam mo bang ang sakit Virg? Buong tiwala ko nasayo na. Kahit magkausap kami ni Lory kania, lahat ng sinabi nya hindi ko pinaniwalaan.”
Sumakit yung lalamunan ko. Kailangang pigilan ko yung luha ko. “Nag usap kayo ni Lory? Bakit ka nakipag usap sa kanya?”
Napunas sya ng luha at humarap sakin. Puro sakit yung makikita mo sa mata nya. Naninikip na yung dibdib ko.
“Oo. Sinabi nya sakin yan. Kelan mo balak ipaalam sakin to ha? Hanggang Kelan mo ko balak pagmukaing tanga?”
Tumayo ako. “Sasabihin ko na dapat sayo. Pero kumukuha pa ko ng lakas ng loob.”
Natawa sya. “Lakas ng loob? Bakit hindi mo na lang sinabi agad? Nung hindi pa malalim yung nararamdaman ko sayo? Bakit hinintay mo pa na ganito? Bakit mo ba ko niligawan ha? Kasi ano, naaawa ka sakin? Shit naman oh! Hindi ko kailangan ng awa mo.”
“Hindi dahil yun sa awa. Mahal kita Rm, mahal na mahal….”
“Eh bakit may Lory? Bakit may Engagement ha? Bakit?”
Pano ko ba ipapaliwanag to? “Naipit lang ako.” Hindi ko masabi sa kanya ng buo. Gusto ko mawala muna yung galit nya.
“Naipit? ano to? Napikot ka din, ganun? Ang malas ko naman oh!”
“Hindi ganun!” kinuha ko yung invitation. “Arrange marriage lang to! Hindi ko mahal si Lory! Ikaw ang Mahal ko!”
Natahimik sya at yumuko. “Ewan ko Virg kung kaya ko pang maniwala sayo. Ang sakit Virg. Ang sakit sakit. Yung tao na minahal mo nang todo, tapos biglang mawawala sayo? Parang pinipiga yung puso ko.” Humagulgol na sya.
“Hindi ako mawawala sayo Rm. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy yung kasal. Please. Wag ka naman makipaghiwalay sakin.”
“Umalis ka na Virg.”
Lumuhod ako sa kanya. Nagulat sya. “Rm. Please. Aayusin ko to. Bigyan mo lang ako ng second chance.”
“Aayusin?” tumawa sya ng mapakla. “Tapos ano? Magiging tayo pa din? Pero ano? Magagalit buong pamilya mo sayo? Sa atin? Tapos itatakwil ka? Tapos pag hindi mo naayos? Maiiwan nalang ako sa isang sulok na luhaan? Wag na Virg. Itigil na natin to.”
Niyakap ko sya. Tumulo na yung luha ko. Idinikit ko yung pisngi ko sa tyan nya.
“Sabihin mo lang Rm na kasama kita sa gagawin ko. Maayos ko to. Maayos natin to.”
“Ayokong maging kontrabida sa buhay ng ibang tao.” Inalis nya yung braso ko sa bewang nya. “Umalis ka na.”
Nakita kong pumasok sya ng kwarto nya. Hindi ko na sya sinundan. Nanghihina na ko. Kasalanan ko naman to eh. Hindi ko kagad sinabi sa kanya. Siguro kung sinabi ko lang ng mas maaga baka naintindihan nya pa ko. Ngayon, alam ko na kahit anong paliwanag pa ang gawin ko, hindi na nya ko magagawang intindihin. Nabulag na sya ng sakit at galit.
Ito na yung kinakatakot ko. Ang mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko…
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...