Chapter 30

148 3 0
                                    

----VIRG’S PART----

ALAS TRES NA.. Konting oras na lang ang hihintayin ko. Makakasama ko na si Rm.

Napangiti ako.

Nasa kwarto ako at nag aayos ngg gamit. Back pack lang ang dadalhin ko. Lahat lang laman ng ATM ko, na withdraw ko na. Yung bankbook ko, dala ko na rin. Wala ng urungan to.

Bigla kong narinig yung sigaw ng mama ni Lory.

“Oh my God! Lory! Manang, tumawag ka ng ambulansya! Dali!!!!!”

“Opo ma’am!” natatarantang sagot ng katulong.

Anong nangyari? Lumabas ako ng kwarto sukbit ang bag ko.

Nakita ko si tita nakaluhod. Si Lory nasa sahig. Walang malay.

Lumapit ako agad.

“Tita! Anong nangyari??”

“Hindi ko din alam iho. Bigla na lang syang bumagsak.” Umiiyak na sabi nya. “Lory, anak. Wake up please. Wag mong takutin si Mommy ng ganito.” Baling nya kay Lory.

Maya maya lang, dumating na yung ambulansya.

Isinakay na sya sa loob. Pumasok si tita. Wala sila mama at papa, pati si tito sa bahay.

Bumuntong hininga ako. Kailangan ako nila tita. Sumakay rin ako sa ambulansya.

Iyak ng iyak si tita. Nahihirapan akong tignan si Lory.

Naramdaman kaya nya yung plano ko kaya nya ginawa to? Umiling ako sa naisip ko.

Oo brat sya. Pero hindi naman sya ganito kasama na pati nanay nya ay pag aalalahin nya.

Habang itinitulak na yung stretcher nya sa loob ng ospital, tinawagan ko sila mama. Papunta na rin sila.

Tinabihan ko si tita sa tapat ng emergency room. Niyakap ko sya. “Don’t worry tita, everything’s gonna be fine.”

Yumakap sya sakin. “I can’t lose my daughter virg. Sya na lang ang meron kami.”

Kumirot yung dibdib ko sa sinabi nya. Sinusundot ako ng konsensya ko.

Biglang lumabas yung doctor.

“Doc, how’s my daughter?” tanong ni tita.

“She’s fine now. Nag passed out lang sya dahil sa pagod at stress.”

Nakahinga ako ng maluwag. Pero may idinugtong yung doctor na nagpahinto sa paghinga ko.

“Hindi nyo sa dapat hinahayaang mapagod at ma stress, especially in her case.”

“In her case?” tanong ko.

Bumuntong hininga yung doctor. “Bumalik ang Cancer ni Lory.”

Nagpaalam na yung doctor. Napaluhod si tita Gracielle. “this cant be happening.”

Itinayo ko sya at pinaupu sa bench ta tapat ng emergency room.

Tulala din ako. Nakayuko lang ako.

“Virg. Please. Stay with Lory. I know we’ve been selfish. But shes dying. And her only wish is to be with you until she… she.. ” Hindi na nya natapos yung sasabihin nya. Dahil humagulgol na sya ulit ng iyak.

“Tita…” yun lang yung nasabi ko.

Tumayo ako sandali.

Pasado alas kwatro na. Malapit na mag 5.

Di-nial ko yung number ni Rm.

“Hello!” masiglang bati nya sakin.

Kumirot yung puso ko.

“Rm…..”

“Bakit? May problem aba?” Concerned na tanong nya.

Hindi ako sumagot. Tahimik lang sya. Parang maingay yung paligid nya. May narinig pa ako na pumara.

“Nasan ka?” tanong ko.

“Papunta na sa terminal. Ikaw ba papunta na rin?”

Hindi ako sumagot.

“Virg?”

Hindi pa din ako nagsalita.

“Hello. Virg? Nandyan ka pa ba?”

“O-oo.”

“Bat ang tahimik mo? May problema ba?”

“Rm..” Tumikhim ako. “Hindi na ko aalis..”

“Ha? Hindi ka na aalis papuntang America? Bakit? May nangyari ba?”

Pinigil kong wag maiyak. “Hindi na ako aalis kasama mo.”

Natahimik sya sandali. Tapos tumawa sya ng walang sigla. “Virg. Joke time ba to? Wag ka nagbibiro ha. Siguro andyan ka na no? Niloloko mo lang ako. Hide and seek ang drama mo ha.”

Pumikit ako. Wala na. Tumulo na yung luha ko.

“Virg?”

“I can’t Rm. I can’t be with you anymore.”

“W-why? Tell me.” mahinang tanong nya.

“It’s about Lorry.”

“What about her.”

“She needs me.”

Narinig ko yung paghikbi nya. “I need you too.”

“She’s sick.” Mahina kong sabi.

Natahimik sya sandali. “Pupunta pa rin ako. Hihintayin kita”

“Rm, just let me fixed this first.”

“No Virg. Pupunta ako dun. Hihintayin kita. Kapag hindi ka dumating, hindi mo na ko makikita kahit kailan.”

Lalo akong napaiyak.

“Rm, im-----.” hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Inilabas na si lorry sa emergency room at ililipat na sa kwarto.

“Virg… Virg… please don’t leave..” narinig kong sabi ni Lory..

“Virg. Wag naman ganito oh.” Garalgal na yung boses nya. “You said you love me, hihintayin kita no matter what.” Narinig kong sabi ni Rm sa telepono.

“Rm---“ naputol yung linya.

Tinignan ko si Lory habang pinapasok sa kwarto nya. Tumingin ako sa cellphone ko.

Napamura ako sa isip ko. Ano bang ginawa ko sa past life ko at nagkaleche leche itong buhay ko ngayon?

Kailangan ko ng magdesisyon.

Napaupo ako sa gilid ng pader at yumuko. Itinaas ko yung tuhod ko at ipinatong ko yung noo ko. Tahimik lang akong umiyak. Pero yung dibdib ko parang pinipiga at tinitusok ng daan daang karayom. Hindi ko na kinakaya yung sakit.

Be strong Rm. Magiging matatag din ako para sayo. Alam ko na makakalimutan mo rin yung sakit na idinulot ko sayo pagdating ng araw. We’’ll meet again when the right time comes. Sana napatawad mo na ko pag dumating yung araw na yun. Alam ko na ikaw ang nakatakda sakin. Magkikita tayo. Hintayin mo lang ako. Mahal na mahal kita Rm…….

Pinunasan ko yung luha ko at kinuha ko yung cellphone ko at nag dial.

“Luigi..”

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon