Chapter 10

162 6 0
                                    

------(VIRG'S PART)-------

“HELLO?”

Narinig kong sagot nya sa kabilang line.

Wew! Sinagot nya.

Kala ko ayaw nya ko kausap eh. Tinext ko sya kanina, hindi sya sumagot. Tinawagan ko, pinatay naman nya.

“hello! Na receive mo ba yung text ko?” tanong ko sa nya.

Syeeet. Wala ako masabi. Bat nga ba ako tumawag?

Kasi.. miss ko na sya... Agad.

Pero syempre. Sasarilinin ko muna yun.

“Ah, oo. Di ako nakareply kasi wala akong load. Tapos nacancell ko din yung tawag mo kanina ng hindi sinasadya.” Paliwanag nya.

Ah. Di pala nya sinasadya. Kala ko naman… well..

“Ah. Okay lang. kala ko nainis ka sakin kaya hindi ka sumagot. Anyway, nag lunch ka na ba?”

Nice move Virg.

“Ah. Patapos na. kasama ko si Rona.”

Awww. Yun lang.

“Ah.. ganun ba? Hmm…” okay. Ano pwede ko sabihin? “ahm.. may class ka ba after lunch?”

“Wala na. Bakit?”

Bakit daw. Isip isip!!!

“Ah. Papasama sana ko sayo sa Mall. Ah. Kung okay lang naman. May bibilhan kasi ako ng regalo. Eh babae yun. Di ko kasi alam kung anong pwede kong bilhin eh.”

Shit. Ang haba naman ng sinabi ko. Sino bang bibilhan ko ng regalo? Wala.

“Sure! Wala naman akong gagawin eh.”

Yesssssss!!!

“Thankyou! hintayin nalang kita sa labas ng school.”

Nakangiting pumasok ako ulit sa kotse ko.

***** 

  ---RM’S PART---

Nakangiting nilagay ko sa bag yung phone ko.

“Naks. Ganda ng ngitian natin dyan ah. Anong meron? Sino yung tumawag?”

“Si Virg, naggpapasama sa mall.”

“Nag papasama? Baka nag aaya ng date?”

‘Tamoto. Dumi din isip eh.

“Gaga. May bibilan sya ng regalo. Ee babae daw. Papatulong mamili ng gift.”

“Ppfft. Sabi lang nya yun. Ang slow mo din minsan eh no?”

“Naku. Nagsalita ang babaeng madaling makagets.”

“Bakla, di mo ba nafi-feel yung nafi-feel ko? Type ka nyan. Ako na nagsasabi sayo. Maiwala ka sakin.”

“Ewan sayo. Ikaw? Di mo ba nafi-feel yung nafi-feel ni Xander sayo? Type ka nun. Ako na nagsasabi sayo. Maniwala ka sakin.” Panggagaya ko sa kanya.

Ang gaga. Hindi nakapagsalita. Tuwama ako ng malakas.

“Sige, idigest mo muna ung sinabi ko ha? Sino nga ang slow?” Ngumisi ako sa kanya.

“Sige na, pumasok ka na sa klase mo. Batsi na ko.”

Lumabas na ko ng canteen. Paglabas ko sa school, nakita ko si Virg.

Nakasandal sa kotse nya.

Nakalagay yung both hands sa bulsa ng jacket nya.

Tas nakayuko.

Pero shems.

Ang pogi.

Lumapit ako sa kanya. Tinapik ko sya sa balikat.

Nag-angat sya ng ulo at tumingin sakin.

I mean. Tumitig pala. Matagal na naman kasi eh.

Bigla nagliwanag yung mukha nya. Parang may maganda syang nakikita sa mukha ko na di ko alam.

Well… maganda naman kasi ako.

Wag kumontra. Nanay ko na nagsabi nun.

“Tara?”

Nakatitig pa din sya. “Hoy!” I snapped my fingers in front of his face.

Napakurap sya.

“Ah. Yeah. Tara na.” pinagbuksan nya ko ng pinto.

Wow. Ganda ng car nya. Sosyal din tong tropahan na to eh. Lahat sila de-kotse.

Umupo na din sya. Tas nagsimula na syang mag drive. Mukha syang tense.

“Okay ka lang ba?”

“Ha? Ah. Oo. Sorry. May iniisip lang ako.”

“Ah. Nga pla, sino ba bibilan mo ng regalo? Girlfriend?”

“No. No. Just someone special.”

Wala pala syang girlfriend, pero may someone special. Disappointed?

“Ah. Hmm. Birthday nya?”

“Ah. Malapit pa lang. papatugtog ako, okay lang?”

“okay lang.”

May pinindot sya. Tas nagplay yung kantang Two is Better than one.

Ayun, ang tahimik lang namin. Yung kanta lang naririnig ko.

Pero kahit ganun….

Napakakomportable ng pakiramdam ko.

Bigla ko narinig na sinabayan nya yung chorus..

“So maybe it’s true that I cant live without you.. Maybe two is better tha one. But there’s so much time to figure out the rest of my life. And you’ve already got me coming undone. Maybe two is better than one….”

Napangiti ako. Shems. Ganda ng boses eh. Ngayon ko lang sya narinig kumanta. Kala ko sa drums lang sya magaling.

Tapos ako naman yung sumabay sa part ng babae. With matching imaginary mic pa.

“I remember every looked upon your face.”

Nagsmile sya. Tas sya naman kumanta.. Tinutok ko sa bibig nya yung “mic” namin.

“The way you roll your eyes, the way you taste you make it hard for breathing.”

Then ako ulit..

Cause when I close my eyes and drift away.  I think of you and everything’s okay. Im finally now believing..

Pagdating sa chorus sabay kaming kumanta..

 “So maybe it’s true that I cant live without you.. Maybe two is better tha one. But theres so much time to figure out the rest of my life. And you’ve already got me coming undone. Maybe two is better than one….”

Natawa ako. Mukha kaming tanga. Feel na feel kasi namin yung pagkanta.

May imaginary mic pa eh. Well. Syempre nagdadrive sya kaya ako lang meron.

Ang saya lang sa feeling..

Pagkatapos nung kanta, tawa lang kami ng tawa.

Sana ganito ako lagi kasaya……

alam ko mali to.. pero di ko mapigilan ee.

I’m starting to like him..

And I know this is not good.

I’m still commited. Well. Kung commitment pa ngang matatawag yun. But still…

I’m in a relationship….

And he has special someone.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon