Chapter 15

161 6 0
                                    

----(virg's part)-----

Nakasakay na kami sa kotse ko ng may tumawag kayRm.

“Hello? Ah. Pauwi. Okay sige. Dyan na kami derecho.”

“Sino yun?” tanong ko.

“Si Rona . nandun daw sila kila Xander. Dun nalang tayo pumunta. Dun ko na gagamutin yang pasa mo.”

Nagsmile ako. “Okay boss.”

“Boss ka dyan! Dagdagan ko yang pasa mo eh!”

“Medyo masama pala yang ugali mo ha! Wala ka manlang konting awa sa katawan.”

Tumawa sya ng malakas. Hayyy. Buti naman at nakakatawa na sya ulit.

“Ewan ko sayo. Magdrive ka na lang dyan.”

Kanina, nung hinatid ko sya palabas ng school, nakita ko si Paul. Akala ko kanina, iniiwasan nya ko kaya ayaw nya ko payagan ihatid sya. Yun pala kasi kasama nya si Paul. Ewan, nagselos ako eh. Sinundan ko sila.

--Flashback—

Pinilit ko na wag mawala sa paningin ko yung jeep na sinasakyan nila. Pagbaba nila sa Mall, nakita ko silang pumasok sa coffe shop. Pumasok din ako.

Narinig ko lahat ng pinag usapan nila.

Sobrang galit ko kay Paul nabali ko ung tinidor ng kinakain ko. Lalo na nung narinig ko yung huli nyang sinabi. Gusto ko ng tumayo at suntukin sya eh. Pero mamaya na lang. Pag wala na si Rm.

Nakita kong sinampal ni Rm si Paul. Napangiwi ako. Ang lakas nun ha. Lumabas na si Rm sa coffeshop. Pero alam ko kulang pa yung sampal nya ee.

Teka ha. Dadagdagan ko lang.

Tumayo ako at lumapit kay Paul. Bigla ko syang sinuntok.

Nahulog sya sa upuan nya.

“Gago ka ha!! Ikaw na ang nang-agaw sa girlfriend ko ikaw pa may gana manuntok!!!” tapos tumayo sya at sinuntok din ako.

“wala akong inaagaw sayo! Ikaw ang gago dahil pinakawalan mo sya!” ng susuntok ako ulit inawat na ko ng guard.

“Huling kita ko na sa pagmukha mo ngayon. Pag nakita pa kita ulit, dudurugin ko na lahat ng buto mo.” kumalas ako sa mga umaawat sakin at naglabas ng pera. Nilapag ko sa lamesa. “Bayad ko sa mga nasira.” At lumabas na ko.

--End of flashback—

Pagpasok namin sa Condo ni Xander nandun lahat ng Blue Jeans member. May nabago lang. si Xander katabi si Rona, si Roselle nakatalikod kay Kavs. Ako kasama si Rm. Si Luigi. Ayun. Forever alone pa din. Nakatingin lang kila Xander.

“Yow!” bati ko sa kanila.

“Yow din! Ano yang nasa mukha mo? Bago mong pauso?” Pang aasar sakin ni Rona.

“Oo. Gusto mo din?”

“Nako, di ko bagay yan. Si xander na lang.” bumaling sya kay Xander. “Gusto mo ba?”

Tinitigan lang sya ng masama ni Xander.

“Xander, nasan yung medicine kit mo?” biglang sabi niRm.

“Ah, wait. Kukunin ko.”

Pagkaabot ni Xander kay Rm ng medicine Kit pumunta sya sa kusina. Sinundan ko lang sya. Busy sa pagnonood ng movie mga mokong eh.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon