Chapter 31

133 3 0
                                    

------RM’S PART-----

ISANG ORAS NA. Isang oras na mahigit akong nakatayo dito sa terminal. Isang oras ko ng hinihintay si Virg. At mahigit isang oras na din ako umiiyak.

Dadating sya. Alam kong dadating sya.. Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Alam ko na mahal nya ko at darating sya. Wala akong pakialam kung pinagtitingnanan na ako ng mga taodahil muka na akong tanga sa kinatatayuan ko. Basta darating sya.

30 minutes pa yung lumipas ng may Makita akong pamilyar na kotse papalapit sa akin. Nabuhayan ako ng loob. Kilala ko yung kotse na yun.

Huminto sa harap ko at bumaba si Luigi. Hinawakan nya ako sa braso.

“Halika na Rm. Iuuwi na kita.” Seryosong sabi nya.

“Si Virg? Bakit hindi mo sya kasama? May nangyari bang masama sa kanya.?”

“Hindi na sya makakarating.”

Marahas na bumitaw ako sa kanya. “Hindi yan totoo.” Matigas kong sabi. “Dadating sya. Alam ko yun.”

Nagbuga sya ng hangin. “Wag ng matigas ang ulo mo Rm. Hindi na sya dadating.”

Tinulak ko sya sa balikat. “Sino ka para magsabi nyan? May usapan kami. Late lang sya alam kong darating sya.” Umiiyak kong sabi.

“Wala ka ng hihintayin! Dahil yung taong hinihintay mo ay naghahanda na para pumunta sa America!” malakas na sabi nya

Napaatras at Umiling ako. “Hindi yan totoo. Kinuntyaba ka nya no? Wag na kayong mag joke please? Paalis na yung last trip. Kailangan naming humabol. Ilabas mo na si Virg please?”

Nakita ko yung awa sa mga mata nya. “Rm…..”

Napaupo ako sa lupa. At humagulgol. “Dadating sya. Alam ko darating sya.” Parang bata kong sabi.

Lumapit sya sakin at niyakap ako. “Rm… I’m sorry….”

Hinampas hampas ko yung dibdib nya. Pero hindi nya ko binitawan. “Bakit Luigi? Bakit ginawa sakin ni Virg to? Diba mahal nya ko?”

“Shhhh..” hinayaan lang nya ko na umiyak sa dibdib nya.

Pakiramdam ko para akong nauupos na kandila. Bigla kong naramdaman yung pag angat ko sa lupa. Binuhat pala ako ni Luigi. Tumingin ako sa mukha nya kahit nanlalabo yung mata ko dahil sa luha. Seryoso yung mukha nya.

Binuksan nya yung pinto ng kotse at ipinasok ako. Lumipat sya sa driver seat at pinaandar na nya yung kotse.

Tumingin ako sa terminal. Tumulo ulit yung luha ko…

Sana makalimutan ko na itong araw na to. Sana makalimutan ko na si Virg…

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon