Chapter 9

165 5 0
                                    

-------RM'S PART------

"GUESS what, another game over. I got burn but you're a real loser. I dont know why, I’ve wasted my time with you. You’re bad news a history repeater, you can’t trust a serial cheater, you're good at hooking up but you suck at love."

Enjoy na enjoy si Rona sa pakikinig sa banda nila Xander. Simple Plan song ang kino-cover nila ng gabing yon kaya naman ganadong ganado si Rona. Idol kasi nito ang bandang yun. Hindi ako familiar sa kanta pero parang nakarelate ako. Si Paul agad pumasok sa isip ko pagkarinig nung kanta eh. Tugmang tugma.

Pagkatapos ng unang set ay naupo ang Blue Jeans  sa table namin.

"Ganda, ano bilib ka na sa galing kong tumugtog?" mayabang na umupo si Kavs sa bakanteng upuan sa tabi ni Roselle.

"Asa, mas magaling pa rin sila Luigi sayo. Gagalaw pa rin ang banda nyo kahit wala ka sa set."  Mataray na sabi ni oselle.

Hard din nitong kapatid ko minsan eh..

"Aray naman ganda! Ang mean mo naman." Sabi nito at umakto pa na nasasaktan. "Nagpakitang gilas na nag ako sayo eh, ano pa bang gusto mo?” Madamdaming dagdag pa ni Kavs.

"Gusto ko? Yung mag evaporate ka dito sa mundo. Ayun! Baka mag paFiesta pa ko."

Tumawa lang kaming magkakaibigan.

"Kamusta ka na? Long time no see ah." pukaw ni Virg sa atensyon ko.

"Okay naman, nag enroll na kami. Nag enroll na din kayo?"

"Yap, kanina. Oo nga pala, diba ko kay Rona yung Number ko sayo?”

“ah. Oo. Binigay nga nya.”

“ah. Kala ko hindi eh. Hindi ka kasi nagtetext.”

So…. Naghihintay pala sya ng text ko?

"Sorry, na misplace ko kasi yung papel na binigay nya." pagsisinungaling ko  na lang.

Pero ang totoo ay naka save na yung number nya sa cellphone ko.

Parang bigla syang nalungot. "Ah ganun ba. Ako na lang kukuha ng number mo. okay lang ba?"

"s-sure"

Juice ko, sa ganoong kaamong muka makakatanggi ba ko?. Inabot ko sa kanya yung phone ko. "Magpakilala ka pag nagtext ka ha. Para mareplyan kita."

 “okay! So, how was your vacation?”

“Okay lang naman, lagi kami nga momovie marathon nila Rona sa bahay.”

“Ikaw?”

“Okay lang din, umuwi kami sa Bataan, sa province ng parents ko.”

“Ah, ganoon ba?” I  felt awkward. God, why I can’t say anything?

“Yeah. So.. What can you say about our performance tonight?” He’s trying to make a conversation.

“Great! I regret those times na hindi ako nakakanood ng gig nyo. Magaling pala talaga kayo. Kaya ko ineechos lang ako nila Roselle”

“Ineechos?” Nakakunot-noong tanong nya.

 Ang cute ng pagkakabigkas nya sa salitang yun. Nag smile ako.

“Oh. Sorry, ineechos means niloloko, jinojoke. Hmm. That’s gay laguage.”

“Oh.” Bahagya syang natawa. “You’re cute.” Nakangiting sabi nya sakin at marahang pinisil yung magkabilang pisngi ko.

Hindi ako nakapag react.

 Owemgee! That smile! Why so pamatay???

Magsasalita na sana ako ng biglang tinawag ang banda nila sa stage. Next set na daw. Sinundan ko na lang sya ng tingin.

“Ayiiie!!” narinig kong panunukso sakin ng dalawang hitad.

“Ano yung nakita naming pag pisil sa pisngi na yun? Taray mo day!” Sabi ni Rona.

“Ano ka ba, may sinabi pa kaya.” Dagdag ni Roselle. Umayos sya ng upo at humarap kay Rona. “You’re cute!” Panggagaya nya kay Virg. Si Rona naman ay inipit ang buhok sa tenga at animo nahihiya. Saby tawa ng malakas.

Nakakahiya. Napapatingin yung mga tao sa table namin eh.

Piste. Ako na naman ang napagtripan ng dalawang mongoloid na to.

Inirapan ko na lang sila at nag focus na lang ako sa pakikinig Kila Xander.

Bigla akong napatingin kay Virg. Ngumiti sya sakin. Nahihiyang ginantihan ko sya ng ngiti.

Shyet na malagkit! Bat ang bilis ng tibok ng puso ko? Kinikilig ba ako? Owemgee. Im doomed!

*****

LUNES.

Maaga akong bumangon dahil alas otso ang klase ko. Nag-inat muna ako at kinuha ang cellphone ko sa bedside table. May dalawang text message.

Binuksan ko yung una.

 “Rise and shine princess.”

Huh? Princess?

Ay. Si Virg yung nagtext. Kaya lang bat princess? wrong send?

Inopen ko ulit ang isang message.

 “I forgot. Si virg to. =)”

Napa smile ako bigla. Kahit di naman sya magpakilala alam ko na eh.

Diba nga, sabi ko. Nakasave na yung nimber nya sakin.

Nireply-an ko sya.

Me: “Goodmorning din! =)”

I clicked the SEND button. Bigla kong naalala, wala nga pala akong load.   Asar naman oh!

Tatayo na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. Pagtingin ko si Virg yung caller.

Nagulat ako..

Kaya ayun..

Imbes na answer button, reject button yung napindot ko.

Kainis. Ang shunga ko lang.

Inantay ko ulit sya tumawag. Ilang minuto na, wala pa din.

Makaligo na nga. Late na ko eh.

SCHOOL CANTEEN….

 “FRIEND, kamusta na kayo ni Paul?” tanong ni Rona sakin habang kumakain kami ng lunch.

“Hindi pa din sya tumatawag.”

“Pero tinatawagan mo?”

“Hindi din.” Walang gatol na sagot ko.

“Nakokonsenya tuloy ako. Dahil na naman sakin kaya kayo nag-away. Parang medyo

malala na to ngayon eh. Ilang araw na kayo di nag uusap.”

“Ano ka ba, hindi yun dahil sayo okay? Ma----“

Naputol yung sasabihin ko ng biglang magring ang cellphone ko.

Si virg ang caller.

Sinagot ko agad.

“Hello?”

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon