------RM’S PART------------
Nakatunganga at nakaupo ako sa loob ng BitterSweet Bakeshop. Nakatingin ako sa glass wall habang nilalaro ko yung frappe na nasa harap ko. 30 minutes na kong nandito. 30 minutes na rin akong naghihintay kay Rona. Lagi na lang late yung babae na yung kapag may usapan. Hindi muna ako ang umupo sa counter. Bigla kasi akong tinamad. Umupo na lang ako as a customer. Mag oobserve na lang ako ng mga reaksyon ng customers sa bakeshop namin.
Kaya kami magkikikita dahil pag uusapan namin yung nalalapit daw na birthday nya. Well. 2 months from now pa naman yun. Yung babae nay un, lagi talagang exited sa birthday nya.
“Miss, one strawberry cheesecake and one chocoshake please.” Narinig kong sabi ng isang lalaki sa counter.
Bigla akong napahinto sa paglalaro sa frappe ko. Pamilyar sakin yung boses na yun.
“Dine in or take out sir.”
“Take out.”
“Okay sir. Maupo po muna kayo.”
“Okay. Salamat.”
Napigil ko yung hininga ko. Baka naman kaboses lang. Bakit hindi mo lingunin at tignan? Tanong ng isip ko.
Dahan dahan akong lumingon. Likod lang ng lalaki yung nakita ko. Pero pamilyar pa rin sya sakin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. It can’t be. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Parang nang-aasar pa kasi yung pagkakataon. Ayaw humarap ng lalaki. Nakayuko sya habang nakaupo tapos parang may kung anong ginagawa sa cellphone.
“Sir. Okay na po yung order nyo.”
Tumayo yung lalaki. Napasinghap ako ng makita ko yung kalahati ng mukha nya.
Virg…..
Biglang hiindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang nagbuhol buhol mga laman loob ko. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya habang kinukuha nya yung order nya at naglakad palabas ng Bakeshop.
Is that really him? Ano to? Imahinasyon ko lang? Kulang ba ko sa tulog o sobra sa kape?
Pumikit ako at umiling. Baka namalikmata lang ako. Marahan ko pang tinampal tampal yung mga pisngi ko.
“Anong drama yan?” narinig ko yung boses ni Rona.
Inayos ko yung sarili ko. Nakacrossed arm sya sa harap ko. “Wala. Bagong pauso.”
Umupo sya sa harap ko. “Bat ang putla mo? Para kang nakakita ng multo. Alam ko maganda ako. Masanay ka na dapat. Ang tagal tagal na nating magkasama eh.”
Binato ko sya ng nilamukos na tissue. “Gaga. Namumutla ako dahil sa kayabangan mo. Bakit ba late ka na naman ha?”
Ngumiti sya na parang autistic. “Nasiraan ako ng sasakyan. Sorry.”
Nagbuga ako ng hangin. “Excuses! Di ka na naubusan ng idadahilan!”
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...