--RM’S PART---
MAGHAPON AKONG NAGLIWALIW SA RESORT.
Sa ganung paraan nakapag isip na ako.
Mamayang gabi, kakausapin ko na si Virg. Ibibigay ko na yung kapatawaran ko.
Wala eh. Kahit magkapalit palit ng pwesto ang mga planeta, sya pa rin talaga ang mahal ko.
Kahit alam ko na may Kae na sa buhay nya.
Wala eh, katangahan nga sigurong matatawag to. Pero kahit anong mangyari. Ipaglalaban ko na sya.
Hindi ko din naman kayang mabuhay ng wala sya eh. Edi sundin ko na lang yung sinasabi ng puso ko.
Ayoko na kasi eh. Masyado ng masikip sa dibdib kung pipigilan ko pa to. Mamayang gabi, ang gabi na sasabihin ko na sakanya ang lahat ng saloobin ko.
Napangiti ako. Nasa isang bar ako at pinapanuod yung kumakanta.
Parang sinadya nga eh.
Ours ni Taylor Swift yung kinakanta ng singer.
Favorite song ko.
Because when I heard that song, I suddenly thought of Virg.
“The steaks are high.. The waters rough. But this love is Ours..”
Tinignan ko yung oras sa relo ko. Pasado alas singco na. Babalik na ako sa Cottage.
Eksaktong nasa labas na ko ng Bar ng marinig kong nag ring yung cellphone ko.
Si Roselle yung tumawag.
“Hello!” masayang bati ko.
“Ate…” medyo garalgal yung boses na sagot nya.
“Oh bakit?” nag aalalanag tanong ko. “Pabalik na ako dyan. Sorry kung napag alala ko pa kayo.”
“Si Virg.” Sagot nya.
Napangiti ako pagkarinig sa pangalan nya. “Oh bakit sya? Bakit pa paisaisa yang salita mo?”
“Nandito sa hospital si Virg ate. Naaksidente sya kanina pauwi galing ng Manila.”
Nanigas ako. “S-saang hospital yan?”
Sinabi nya yung panagalan ng Hospital. “Sige. Susunod na ako.”
Para akong lutang habang palabas ng resort. Namamanhid yung katawan ko.
“Ma’am? Okay lang po ba kayo? Ang putla nyo po ma’am.” Sabi ng isang crew sakin at nilapitan ako.
Hindi ko pinansin yung sinabi nya. “Pahiram ng sasakyan please? Kailangan kong puntahan si Virg sa Hospital.”
“Kanina pa nag po kayo pinapahanap ni ma’am Kae. Ihahatid ko na po kayo.”
“Salamat” sagot ko at sumakay na kami.
Habang nasa daan ako nagdadasal ako na sana ayos lang si Virg.
Mabibilis yung hakbang ko habang papasok ng hospital. Lumapit ako agad sa front desk.
“Miss, saan yung room, ni Mr. Virg Baluyot?”
May chineck sya sa computer.“3rd floor ma’am. Room 301 po.”
“Salamat.”
Mabilis na umakyat ako ng hagdan. Pagkakita ko sa kwarto hindi muna ako kumatok. Natatakot ako sa pwede kong makita.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Si Kae yung nagbukas sakin ng pinto. “Ate Rm..” mugto yung mga mata nya.
“Si Virg?”
Niluwagan nya yung bukas ng pinto. Nakita ko sila Luigi na nakatayo sa gilid ng kama ni Virg.
Tinignan ko si Virg. May pasa yung mukha nya at nakabenda yung ulo nya. Nakacast din yung binti at braso nya.
Napaiyak ako. Ganun ba kalala yung aksidente nya at ganito yung itsura nya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan sa gilid ng kama nya.
Hinawakan ko yung kamay nya at inilagay sa pisngi ko.
Lumapit sakin si Kae at hinawakan yung balikat ko at malungkot na ngumiti.
“Kamusta daw sya sabi ng doctor?”
“Inoobserbahan pa. wala naman syang grabeng tama. Pero inoobserbahan pa din yung ulo nya. Okay naman yung result ng CT scan. Ang sabi ng doctor nabugbog lang daw yung katawan nya.”
Tumingin ako kay Virg. Hawak yung kamay nya at nasa pisngi ko. Yung libreng kamay ko ay inihaplos ko sa pisngi nya.
“Baby boy. Wag mo naman akong takutin ng ganito oh. Hindi nakakatuwa ha. Gumising ka na nga dyan. Madami pa tayong dapat pag usapan.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko na gumalaw yung kamay nya at unti unti syang dumilat.
Ngumiti ako. “You’re awake!” masayang sabi ko.
Kumunot yung noo nya. “Sino ka?”
Napanganga ako.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...