Chapter 22

140 2 0
                                    

-----RM’s PART-----

5 pm

“Ang weird nya talaga this past few weeks.” Sabi ko kay Rona.

Nakatambay ako sa apartment nya. Sabado kaya wala kaming pasok. Kinukwento ko sa kanya yung mga napapansin ko kay Virg this past few weeks.

“Baka nga may problema yung tao.” Sabi nya habang ngumunguya ng chichirya.

“Eh bakit ayaw nya sabihin sakin?”

“Baka ikaw yung problema nya?”

Nagtataka akong lumingon sa kanya. “Ako? Bakit mo naman nasabi na ako?”

“Joke lang. Teka, nameet mo na ba parents nya? Wala ka pa nakekwento sakin.”

Nag isip ako kung sasabihin ko ba. “Actually… nameet ko na.”

Binato nya ko ng chichirya. “’Tamoto! Ang daya mo ha! Anong ganap?”

Kinuwento ko sa kanya yung nagyari nung nameet ko parents ni Virg.

Di sya agad nakapagsalita. “Awts. Mejo kulelat ka pala. Nako. Mahirap yan. Baka naman yun yung problema ni Virg.”

Bumuntong hininga ako. “May hindi talaga sya sinasabi sakin. Nakakatampo yung mokong nay un ha.”

Bumuntong hininga din sya. “Nandito pa ba sa pinas parents nya?”

“Wala na. bumalik na sa America last 2 weeks. Pero sabi nya babalik daw ulit ata dito. Ewan kung kelan.”

“Hmmm. Hayaan mo, magtatanong ako kila Xander. Malay natin baka nagkekweto sya sa mga yun.”

Magsasalita sana ko ng biglang nag ring yung cellphone ko.

Si Virg.

“Hello?”

“Hello baby girl. Nasa bahay ka ba?”

“Wala. Nandito ako sa apartment ni Rona. Bakit?” medyo pinaramdam ko sa kanya na naiinis ako.

“Galit ka ba baby girl?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“Parang galit ka eh. May nagawa ba ko o nasabing mali?”

“Wala. Wala ka ngang sinasabi eh.”

“Okay. Kung ano man kinkagalit mo baby girl, sorry na.” narinig ko yung pagsisisi sa boses nya. Kakainis. Di ko magawa magalit eh.

“Wala ka naman dapat ihingi ng sorry. Bakit ka pala tumawag?”

“Ah, tinawagan kita kasi gusto kitang hiramin kay Rona. Pwede ba?”

Natawa ako. “San ba tayo?”

“Basta. Susunduin kita mamayang 8.”

Naks. Parang may pinaplano to ha. “Sige.”

“Sige. I love you.”

Napangiti ako. Piste. Kakakilig pag sinasabihan nya ko ng ganun. “I love you too.”

Then end call na.

“Muka kang tanga sa ngiti mo.”

Nilingon ko si Rona. Nakasimangot na naman. “Ikaw, ang bitter mo.”

“Di ako bitter no.”

“Nako. Kausapin mo nga sarili mo. Aalis na ko.”

“Ayan! Pag kailangan nyo ng kausap lagi ako nandyan. Pag ako lagi nyo sinasabi na kausapin ko saliri ko.”

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon