Chapter 16

165 6 0
                                    

 -----(Rm's part)------

Dalawang buwan na yung nakakaraan mangyari ang confession namin ni Virg sa isa’t isa. Ayun. Okay naman kami. Lagi kami magkasama. Sobrang nasasanay na nga ako na kasama sya eh. Inaasar na kami. Kung kami na daw ba. Pero hindi pa.

Alam na rin sa bahay na hiwalay na kami ni Paul. Si Roselle pala nagsabi kila mama. Wala naman silang sinabi sakin. Siguro nakita naman nila na okay ako.

Kila Paul naman, wala na kong balita. Lahat ng nag uugnay samin kinalimutan ko na.

Ay, nga pla. Natuloy yung date nila Kavs At Roselle. Ang galing nga eh. Ang dami talagang views nung video. Siguro shinare nun ng shinare.

Tapos na ang klase ko at papunta ako ngayon sa school auditorium. Practice kasi namin nila Rona sa Play. Tinext ako ni rona na dumiretso na daw ako dun. Musical yung play namin. Sa isang linggo na yun kaya sobrang practice na kami.

Pagdating ko dun ang dilim. Bat nakapatay mga ilaw? Nasan ba mga ka grupo ko?

Naglakad ako papasok. Hahanapin ko sana yung switch nung ilaw. Nung nasa gitna na ko ng audi biglang may bumukas na spotlight. Nakatutok sakin. Tapos may isa pa uling bumukas na spotlight pero sa stage naman nakatutok. Nakaset dun yung mga instuments.

Anong meron?

Nakaupo sa harap ng Drums si Xander. Si Kavs may hawak na gitara. Si Luigi naman base.

Bigla silang tumugtog..

Yung intro ng kantang KASINTAHAN yung narinig ko.

Hala! Yung totoo? Anong gimmick na naman to?

Bigla kong narinig yung boses ni Virg.. nakita ko syang naglakad sa stage.

Ang pagtingin ko sa iyo’y wagas. Kahit saan ika’y ililigtas. Aplas sakin ang yong mga kamay kasinglambot ng ulap na kumakaway. Nagkakawat sa aking isipan. Busilak ng iyong katauhan. Hindi ko maiwasang tumingin sayong matang may tulis ng bituin.

Nakatitig lang sya sakin. Ako naman nakatayo pa rin.

Hinihinling ko sa Maykapal na ika’y maging kasintahan. Kahit saan ika’y aking papakasalan.

Lumapit saya sakin at hinawakan yung kamay ko.

Sayo lang ako saksi ang mundo. Sana’y mabatid na ito’y totoo. Wag kang mangamba o aking sinta.  Lahat ng ito’y para sating dalawa…

Ngumiti sya sakin.. ngumiti din ako sa kanya.

Sa twing nakangiti ang iyong labi, damdamin ko’y nawawala ang hapdi. Ang kutis mong liwanag sa gabi. Animo’y perlas ng bahaghari

Hinihinling ko sa Maykapal na ika’y maging kasintahan. Kahit saan ika’y aking papakasalan.

Sayo lang ako saksi ang mundo. Sana’y mabatid na ito’y totoo. Wag kang mangamba o aking sinta.  Lahat ng ito’y para sating dalawa…

Tumutug pa din yung banda nila..

Bigla syang lumuhod sa harap ko.

Naitakip ko yung kamay ko sa bibig ko.

“I know, medyo maaga pa to ask this.."

"Rm…."

May nilabas sya sa bulsa nya.

Singsing.

“Will you be my girlfriend?”

Naiyak ako. Para lang akong tanga. Di pa naman kasal inaalok nya eh.

“Yes!”

Nakita ko yung saya sa mukha nya. Tumayo sya.

“Hindi mo na kailangan ng ganitong gimmick. All you have to do is ask me. That’s it.” Sabi ko sa kanya.

“But I want this to become memorable for both of us.”

“Everyday with you is memorable for me.” Naiiyak kong sabi.

Sinuot nya yung singsing sa kamay ko. Nakita kong umalis na sila Xander. Siguro, to give us some privacy.

Pinunasan nya yung luha ko.

“I LOVE YOU”

Ngumiti ako sa kanya.

"I LOVE YOU TOO.” Nagulat sya pero sandali lang.

“Sobra mo kong pinasaya.”

Sabi nya sakin at dahan dahan nya binaba yung mukha nya sa mukha ko..

Hinalikan nya ko sa noo..

Pumikit ako..

Naramdaman ko ung labi nya na magaang dumampi sa pisngi ko..

Tapos sa ilong ko..

At sa labi ko…

Parang nabingi na ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

Sobrang gaan lang halik nya sakin pero ramdam na ramdam ko pa din yung labi nya.

Parang kahit may sumabog sa tabi ko hindi ko maririnig. Mas malakas pa kasi yung tibok ng puso ko.

Nung maghiwalay kami, makita kong may luha yung mata nya.

Pinunasan ko. “Wag ka nga umiyak. Makita ka nila Xander. Aasarin ka ng mga yun.”

“I don’t care. Ipagtatanggol mo naman ako sa kanila diba?”

“Ano ka bale? Gagatungan ko pa sila kamo.” Pang aasar ko.

Tumawa sya. “You really make me happy. Thank you.”

Isang kiss ulit.

Wow. Nakakadalawa na tong mokong na to ha.

“Tama na ang kiss. Baka ma MTRCB pa tayo. Di mo ba ko papakainin? Gutom na ko eh.”

Tumawa sya ng malakas. “Pano kaya pag magkakababy na tayo? Siguro mas tatakaw ka pa nun.”

“Baby agad? Girlfriend palang eh! Di ba pwedeng kasal muna?”

Tumawa sya ulit at inakbayan ako. “Sige, pag usapan nating yang kasal na yan over dinner.”

Sinuntok ko sya ng mahina sa tyan, “Sira. Mamanhikan ka muna.” Pakikisakay ko sa kanya.

“Sure. Bukas na bukas din.”

Tumawa ako. “Tara na nga! Gutom na talaga ko eh!”

-----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: ayan!! konting push pa matatapos na to!! keep on reading!!!

after this isususnod ko na yung story nila Kavs at Roselle.

Sino ba gusto nyong maunang story:

Kavs-selle

Ron-der

comment below! :D

----------------------------------------------------------------------------------------

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon