Chapter 26

132 3 0
                                    

2 DAYS after ng birthday ni Virg. Okay naman. Parang may nagbago lang sa kanya. Actually, last week ko pa yung napapansin. Lagi syang nag s-space out. I know something’s bothering him.

Bumuntong hininga ako.

Nasa apartment ako ni Rona. Half day lang kami kasi may event sa school. Eh hindi naman kami kasali.

“Ano na naman yang buntoung hininga na yan?” tanong nya sakin.

Nagbabasa sya ng libro. Ako nag iinstagram.

“Wala. Feel ko lang. Bakit, bawal?”

“Alam mo, kung tungkol yan dun sa Lory, magtanong ka na kasi kay Virg. Kesa hinga ka ng hinga ng malalim dyan.”

Piste tong babae na to eh. Kilalang kilala talaga ako.

“Ayoko magtanong.”

“Kasi natatakot ka sa sagot?” nilingon ko sya. Nakatutok pa din yung atensyon nya sa libro.

“May dapat ba akong ikatakot?”

Nakita kong parang natigilan sya. “Rm.” Lumingon sya sakin at sinara nya yung libro nya. Mukang seryoso na sya ah.

“Hmm?” pinatong ko sa lamesa yung cellphone ko.

“Pano nga kung may dapat kang ikatakot?”

“Ha? Hindi ko naitindihan yung sinasabi mo.”

Bumuntung hininga sya. “Pano ko ba sasabihin to?” pagkausap nya sa sarili nya. “Okay.” Ipinatong nya yung paa nya sa sofa at umupo paharap sakin. “Pano kung may something pala sila nung Lory na yun. Anong gagawin mo?”

Nagulat ako sa tanong nya. “Ha? Bakit mo naman natanong yan?”

“Sagutin mo na lang.”

Yumuko ako. “Hindi ko alam.” Pabulong kong sabi.

Malakas syang napabuntong hininga. Parang naiinis na sya. Tinignan ko sya. Inihilamos nya kung kamay nya sa mukha nya.

“Naalala mo nung binilan natin ng regalo si Virg? Tapos kumain tayo sa Mcdo?”

Kinabahan ako. “Oo.”

“Yung sabi ko na may nakita akong pogi?”

“Oo. Bakit yun?”

Natahimik sya sandali. Parang iniisip nya kung sasabihin ba nya o hindi.

Bumuntong hininga sya ulit. “Nagsinungaling ako. Si Virg talaga yung nakita ko. Kasama nya si Lory.” Tapos nag iwas na sya ng tingin.

Napanganga ako. “Bakit hindi mo agad sinabi sakin?”

“Hindi ko din alam. Basta naramdaman ko lang na hindi ko dapat sabihin sayo.”

Tumango ako. “Magkaibigan naman sila kaya walang kaso kung Makita mo silang magkasama sa Mall.”

“Hah! Kaibigan? Kung kaibigan lang yun bakit hindi nya nakekwento sayo? Wag kang magsinungaling! Alam kong hindi mo kilala si Lory. Kung magkaibigan sila diba dapat nagtext sayo si Virg na magkikita sila sa Mall at hindi yung sinabi nya sayo na nakila Luigi sya nung araw na yun.” Nanggigigil nyang sabi.

Biglang nag ulap yung mga mata ko. Hanggang sa tumulo na yung luha ko. Napayuko na lang ako.

Hinawakan ni Rona yung kamay ko. “Sorry. Nabigla lang ako. Ayoko sana na I judge si Virg, pero paksyet naman eh. Nakakagigil kasi. Ano to? Uulitin na naman nya yung ginawa ni Paul sayo? Ayoko ng Makita ka ulit na ganun kalungkot.”

“Okay lang. Sa tingin mo may iba si Virg? At si Lory yun?”

Natahimik sya. Biglang nag ring yung Cellphone ko.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon