---RM’S PART----
MAAGA AKONG NAGISING. Well, hindi din naman kasi ako nakatulog ng maayos. Medyo maga yung mata ko pero buti na lang hindi masagwa tignan.
Nagshower ako at lumabas ng cottage. Naghihilik pa yung dalawa kong kasama. 7 pa lang kasi ng umaga.
Naglakad lakad lang ako sa tabing dagat. Ang presko. Ang sarap kung sa ganitong lugar ka siguro nakatira. Walang polusyon panatag pa ang kalooban mo.
May nakita akong malaking bato sa gilid. Umupo ako dun at tumanaw lang sa dagat.
Niyakap ko yung sarili ko ng maramdaman ko yung simoy ng hangin.
“Goodmorning.”
Napalingon ako sa nagsalita. Si Virg. Mukhang kakaligo lang din nya.
Naka longsleeve shirt sya at beach pants.
“G-goodmorning.” Sagot ko din.
Umupo sya sa tabi ko. “Rm..” sabi nya pagkaupo nya.
Lumingon ako sa kanya.
Mataman nya akong tinignan. “I’m sorry..”
Nag-iwas ako ng tingin. Ibinaling ko na lang yung tingin ko sa dagat. “Okay na yun. Hindi naman ako nagalit sa ginawa nyo kagabi.”
“No. hindi yun ang inihihingi ko ng sorry.”
Napalingon ako uli sa kanya ng nakakunot noo.
Tumikhim sya. “I’m sorry for everything I did to hurt you..”
Yumuko ako. “Please Virg, stop this nonsense.”
Humarap sya sakin. “Rm. Please. Just for now. Pakinggan mo naman ako. I don’t expect you to belive me but at least you’ll listen.”
Bumuntong hininga ako.
Bakit pa ba ako nag iinarte. Diba nga gusto kong malaman lahat? Eto na yun oh.
“Okay. Speak.” Sagot ko.
Huminga sya ng malalim at nagsimulang magsalita.
“That day, I didn’t want to leave you Rm. It was not my intention to hurt you. Pero Lory is dying at wala na akong choice. Her mom’s last wish for her is was for me to stay by her side until the end. Even she has a bad side, hindi ko yun kayang ipagkait sa kanya. But believe it or not sobrang sakit sakin na gawin yun because I love you. At ikaw lang ang gusto kong makasama..”
Doon na ako naiyak. “I hate you Virg. I hated you since that day. I’ve waited there. I’m hoping you would come. Pero wala ni anino mo.”
Nakita ko na nagislap yung mata nya. Tanda na tutulo na rin ang luha nya. “I’m sorry. I am very sorry. I have no choice. Nung nasa America na ako, ilang beses ko binalak na umuwi dito. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag nakita mo ako hindi mo na ako kilalanin. Sinaktan kita ng sobra. Alam ko yun. Kaya nga ayoko na kapag nakita mo ako ay buumalik uli lahat ng sakit na nararamdaman mo.”
Pinahid ko yung luha ko. “Hindi lang ako sa terminal naghintay Virg. Araw araw, hinihintay ko na magpakita ka sa harap ko. Araw araw umaasa ako na may kakatok sa pinto namin at makikita kitang nakangiti sakin. Araw araw sinasabi ko sa sarili ko na siguro panaginip lang lahat to. Bukas gigising ako na kasama na kita at masaya na tayo. Pero hindi dumating yung araw nay un. Taon ang dumaan pero walang nagbago.”
Tuluyan na syang umiyak. “On your graduation, I was there.”
“Nandoon ka?” gulat na tanong ko.
Malungkot na ngumiti sya at tumango. “Hindi mo lang alam kung gaano kita kagustong lapitan nun. Pero nung nakita ko na yung kasiyahan sa mukha mo. Natakot ako bigla. Inisip ko na kapag ba lumapit ako sayo at kinausap kita mababago ba nun lahat ng sakit na binigay ko sayo? I was afraid na kapag nilapitan kita maglaho yung saya sa mukha mo. at matagal ko ng pinagsisihan lahat ng ginawa ko sayo. I’m sorry Rm, it’s all my fault. I’m really sorry.” Umiiyak na sabi nya.
Yumuko lang ako at hindi nagsalita. Tuloy tuloy lang sa pag agos yung luha ko.
Hindi ko kinaya lahat ng sinabi nya. Ang sakit sakit ng dibdaib ko.
Tumayo ako at walang Sali salitang naglakad palayo.
“Rm!” sigaw nya sakin.
Hindi ako lumingon at tumakbo lang ako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo habang pinupunasan ko yung mga luha ko.
Naniniwala naman ako sa kanya. Lahat ng sinabi nya ay pinaniniwalaan ko.
Kailangan ko lang muna mapag isa at mag isip. Saka ko na sya haharapin kapag handa na ko.
----VIRG’S PART----
HINDI KO NA SYA NAHABOL. Siguro ganun nga talaga kasakit lahat ng ginawa ko.
She walked away from me. Ang sakit. Siguro yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay katiting lang ng sakit na nararamdaman nya.
Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya. Sana paniwalaan nya ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hinayaan ko na naman syang mawala sa akin sa pangalawang pagkakataon. Ayoko na.
Baka ikamatay ko na yun.
Sya lang ang babaeng mamahalin at gugustuhin kong makasama habang buhay.
Kahit suyuin ko sya ng matagal na matagal. Kahit maghintay ako ng sobrang tagal para sa kapatawaran nya, ayos lang sakin. Kaya kong maghintay at gawin ang lahat para sa kanya. Nagyon pa na ayos na ang lahat.. Hinding hindii ko na sya susukuan kahit kailan. Kahit sya pa ang lumayo, hahabulin ko sya. Kahit saan pa yan.
Dahil sya lang ang nag iisang babae na aalayan ko ng habang buhay.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...