"AH! SAKIT NG LIKOD KO!" Nag stretching ako sandali bago ako bumaba ng sasakyan.. Nasa Nueva Ecija na kami. Sa bayan nila Rona. Alas onse pasado palang. Dahil nga maaga kaming umalis, maaga din kaming nakarating.
"Langya friend, yung driver nga natin hindi nagrekalamo eh. Nilawayan mo nga yung upuan ng sasakyan nya dahil sa tindi ng tulog mo, pati laway mo kumawala na sa bibig mo." Pang aasar sakin ni Rona.
Hawak nya yung bagahe nya. Si Xander naman ay nauna ng pumasok. Si Roselle ay may kung ano pang inaayos sa bag.
"Wow ha. Nahiya naman ako sa inyo. Galit na galit kang nakatulog ako, samantalang ikaw din naman. Nahirapan nga si xander sayo dahil ng likot likot mo."
"Excuse me, hindi ako malikot no. Sisihin mo yung lubak na daanan. Kaya gumewang gewang yung upo ko."
"Huuuu. Sabihin mo, tsumatsansing ka lang kay Xander, kunyari tulog para makadikit. Ikaw ha, wag mo naman kasi masyado ipahalata. Halata kayang nagpapanggap ka lang na tulog. Umamin ka na kasi at ng hindi ka nahihirapan magpanggap”
"Oo nga friend, tayo tayo lng naman eh. Masyado bang mabango si Xander at kahit tulog ka kunwari ee sinisinghot singhot mo pa din sya? Naubos na nga ata yung amoy nung tao ee." Pangagatong pa ni Roselle dito.
"Ewan ko sa inyo. Lawak ng imagination nyo. Wag nyo ipaparinig sa kanya yan at alam nyo naman na may kayabangan ng taglay yon. Baka lalong lumaki yung ulo. Tara na ngang pumasok, gutom na ko." Sabi nya at nauna ng pumasok sa bahay.
Nagkatinginan lang sila ni Roselle sabay napakibit ng balikat. Pikon talaga yung babae na yun. Palibhasa totoo. Guilty masyado eh.
*****
PAGPASOK sa bahay ay nakahanda na agad ang pananghalian namin. Kanina sa daan ay madami kaming nadaanan na bukid. Ang akala ko doon na ang bahay nila Rona, yun pala ay sa parteng bayan pa sya. Medyo nakakapanibago ang view dahil nga laking Maynila kami ni Roselle. May ilan na ring malilit na building sa lugar nila nila. Meron ding jolibee. Ang sabi nya sakin ay sa pinakabayan pa raw ang malls at mas malalaking building. Kalahating oras daw ang byahe papunta roon.
Nakaupo na sila Rona pagpasok namin sa kusina. Ang ina nito na si Tita Raquel ay naglalagay na ng plato sa lamesa. Isang beses ko pa lng sya nakita ng minsang dalawin nya si Rona sa boarding house na tinitirhan nito.
"Oh, iha, maupo ka na. Akina yang mga gamit ninyo at ipapalagay ko sa taas.”
"Salamat po." Sabi ko at naupo na sa katabing silya ni Roselle. Si Rona at Xander ay magkatabi sa harap namin. Sa kabisera naman umupo ang mama ni Rona.
"Pasensya na kayo at medyo magulo ngayon sa bahay. Nandito rin kasi ang mga pinsan at pamangkin ni Rona."
"Okay lang po. Sanay naman po kami, magulo din po sa dorm ni Rona." Nakangiting sabi ko.
"May pagkaburara talaga ang batang yan, mas masinop pa nga itong si Xander kesa sa kanya."
"Mama naman eh, pati ba naman kayo? Wag nyo na kong gawing topic okay?" Naiinis na salansa ni Rona sa balak sanang paggsasalita ni Xander.
"Oh sya, sige. Kumain na tayo." Natatawang sabi ni tita Raquel.
Kelan kaya dadating yung araw na hindi na magiging pikon itong kaibigan ko? Asaness.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...