Chapter 23

135 3 0
                                    

---RM’S PART---

2 weeks na ang nakakaraan after ako isurprise ni Virg. But dang! Kinikilig pa din ako. Di maka move on ang peg.

Nasa mall kami ngayon ni Rona, nagpapasama ako sa kanya. Bibilan ko kasi ng Regalo si Virg. Malapit na yung birthday nya eh hindi naman ako makapagdecide kung ano ba bibilin ko, kaya kinaladkad ko si Rona dito.

“Ano ba balak mo iregalo sa kanya?” Tanong sakin ni Rona.

“Kainis ka naman eh! Kaya nga kita sinama dito kasi hindi ko nga alam yung ireregalo ko.”

“Mas nakakainis ka! Ako itong walang boyfriend, ako pa niyaya mo na bilhan ng regalo yung boyfriend mo!”

“Eh kasi diba nga ang tagal tagal nyo ng magbestfriend ni Xander? Edi madami kang alam sa mga gusto ng lalaki!”

“Bat naman kasi magboboyfriend ka eh wala ka naman pala alam tungkol sa gusto ngg lalaki. Ikaw may boyfriend kay Virg, dapat alam mo yung gusto nya. Magkaiba naman sila ng gusto ni Xander eh.” Mahabang litanya nya.

“Ikaw naman, ang dami mo na sinabi. Nagpapasama lang ako sayo para hingan ka ng suggestion. OA maka react.”

“Alam ko na!!!!” biglang sabi nya at hinila ako sa Astrovision.

Pumunta kami sa rack ng mga Cd’s. Kinuha nya lahat ng CD ng Simple plan. Inabot nya sakin. “Ayan ang iregalo mo!” nakangiti nya sabi sakin.

“Simple Plan album?” Nakakunot noong tanong ko.

Umirap sya sakin. “Wala ka nga palang alam sa mga ganyang tugtugan. Anyway, alam kong gusto nya yan. Kasi nung hindi pa kayo lagi ko sila kasama sa lahat. Alam ko na favorite band nya yan. At alam ko din na wala pa syang CD ng Simple Plan. Kasi lahat ng kanta nun nasa Cellphone na nya.” Mahabang paliwanag nya.

“Eh bat bibigyan ko pa sya nito kung may mga kanta na pala sya?”

Kinatok nya yung noo. “Kaloka ka! Yan nga ibigay mo para thoughtful na girlfriend lang ang peg mo. Maguguustuhan nya yan. Wag ka na mag inarte. Bayaran mo na yan.” Tulak nya sakin sa counter.

“Eh. Magtingin muna kaya tayo ng iba pang pwede ipangregalo?”

Nagpamewang sya. “Sige nga aber. Mag isip ka ng pwede? Damit? Madami na sya nun. Sapatos? Madami na din. Panyo? Medyo cheap naman. Drumset? Mahal yun, di mo afford, saka meron na sya nun. Oh? Ano pa? dali! Isip ka nga!”

Natameme ako. Tama nga sya. “Oo na.” tapos nagbayad na ko sa counter.

“Sinamahan kita, ilibre mo ko ng ice cream.” Sabi nya sakin pagkalabas namin sa Astrovision.

“Oo na! Sundae lang ha!”

“Ang kuripot mo! Samahan mo na ng fries!” reklamo nya. Hinila na nya ako sa Mcdonalds.

Bumuntung hiniinga ako. “Oo na. may magagawa pa ba ako.” 

“SA TINGIN MO magugustuhan nya talaga to?” Tanong ko kay Rona. Nakaupo na kami sa McDonalds. Dun kami sa may bandang salamin. Magkaharap kami.

Tinatamad na lumingon na tumingin sya sakin habang kumakagat ng fries. “Isa pang tanong. Lulunurin na kita sa sundae.”

Bumuntung hininga ako. “Parang masyado naman kasing simple eh.”

“’It’s the thought that counts’ ika nga. Wag kanang umarte dyan.” Sabi nya at tumingin sya sa glass wall.

Nagkibit balikat na lang ako. “Ikaw ba? Ano ba pinakamura mong nairegalo kay Xander?” tanong ko habang nakayuko at hinahalo ko yung sundae ko.

Hindi sya sumagot. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

Nakita ko syang nakatingin sa glass wall sa likod ko. Nakakunot yung noo nya na parang shock na ewan. May artista ba sa likod ko?

I snap my finger in front of her. “Hoy! Muka kang nanuno dyan! May artista ba sa likod ko?” tanong ko. Lilingon na sana ako sa likod ng bigla nya akong pigilan.

“W-wala! May gwapo lang akong nakita. Tama, gwapo nga. Kaso may kasamang girl eh.” Medyo mailap yung mata nya sakin.

“Weh?”

“Oo nga. Bilisan mo na. Ubusin mo na yan. Tapos uwi na tayo.”

“Ano ba nakita mo at nagkakaganyan ka? Mukang kang pusa na hindi mapaanak.” Natatawa kong tanong.

Nagkamot sya ng noo tapos parang hindi nya alam yung sasabihin nya.

“Ha?” tumawa sya ng mapakla. “Gaga ka. Najejebs na kasi ako. Tama. Najejebs na ko. Kaya bilisan mo na. Ayokong abutan dito.”

Natawa ako. “Yuck! Sige. Ito na oh! Kaya pala pinapapawisan ka ng malapot.” Pang aasar ko pa.

Ngumiti lang sya ng matipid tapos tumayo na. Napapailing na sumunod na lang ako sa kanya.

Pagtayo ko lumingon ako sa likod ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. Pero parang bigla akong kinabahan na ewan.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon