Chapter 37

128 3 0
                                    

---Rm’s Part---

Nakaupo lang ako sa table namin habang pinapanuod yung mga nagsasayaw sa dance floor. Si Rona kasayaw si Luigi. Si Virg, kasayaw si Kae. Si Roselle naman kasama kong nakaupo sa table pero busy sa pagcecellphone.

Bumuntong hininga ako. Gusting gusto ko ng umuwi. Pero alam ko naman na kokontrahin ako nila Rona. Nakakainis tong gabi na to.

Nilaro laro ko na lang yung cake sa platito ko. Wala eh. Mas mukha naman akong tanga kung tititigan ko yung mga nagsasayaw.

“Hi!”

Nag angat ako ng tingin. Si Virg. Nakapamulsa.

Ibinalik ko yung tingin ko sa cake. Anong drama ng lalaki na to?

Umupo sya sa tabi ng upuan ko. “How’s the party?”

Hindi ko pa din sya pinapansin.

“Great Virg! Cool ng party ni Kae!” sagot ni Roselle.

“Mabuti naman at nagustuhan nyo.” Naramdaman kong bumaling sya ulit sakin. Pero hindi naman sya nagsasalita. Nararamdamankong nakatitig lang sya.

“Ahm. Excuse me lang Virg may kakausapin lang ako.” Tumingin si Roselle sakin. “Ate.”

Tumango lang ako. At umalis na sya.

“Kamusta ka na?” tanong ni Virg.

“Kinamusta mo na ako kanina diba?” sagot ko ng hindi pa din tumitingin sa kanya.

Natahimik sya sandali. Baka napahiya sa ginawa ko. “I mean.. kamusta ka na nitong nakaraang apat na taon..”

Pumikit ako at bumuntong hininga. Parang alam ko na kung san pupunta ang usapan na to at hindi ako natutuwa.

“Does it matter to you?” baling ko sa kanya.

Yumuko sya. “I guess, ayaw mo talaga akong kausapin.”

Natawa ako ng pagak. “What made you think na matutuwa ako na kausapin ka after what happened. What do you expect? Kakausapin kita na parang normal lang lahat? Na parang walang nangyari? Na parang hindi mo ako iniwan at babalik lahat sa dati? Nagpapatawa ka Virg?”

Bumuntong hininga sya. “Rm.. I’m…”

Tumayo ako. “Aalis na ako. Kung may problema, sabihin mo na lang sa crew ko. O kaya kay Roselle.” Kinuha ko na yung bag ko at humakbang.

“Rm,” pinigilan nya ako sa braso. “Ayaw mo bang marinig yung paliwanag ko?”

Ngumiti ako ng malungkot. “Bakit pa? Wala na ring silbi yun.” Nagingilid na yung luha ko. Buti na lang nakatalikod ako sa kanya.

“I think you need to hear it.”

“No need. Aalis na ako.” At binawi ko na yung braso ko sa pagkakahawak nya at diredirechong naglakad na.

Ayokong lumingon. Ayoko kasi na baka pag lumingon ako ay maisipan kong bumalik at yakapin sya ng mahigpit. Ayokong traydurin yung sarili ko.

Sarili ko na lang ang kakampi ko pagkatapos ng nangyari.

Pero wala eh. Kahit anong pigil lumingon pa rin ako. Isang pagkakamali yun. Dahil nakita ko syang nakaupo habang si Kae ay nakahawak sa balikat nya.

Dun na tumulo yung luha ko. Marahas kong pinunasan yung pisngi ko at nagsimula ng maglakad ng mabilis.

Bakit ganun? Ang sakit pa rin? Akala ko pag nakita ko sya ulit, wala na. pero hindi eh. Pesteng puso to. Ayaw paawat.

Kanina nung pinigilan nya ako, gusto ko na sana sumuko. Gusto kong marinig yung paliwanag nya. Gusto kong malaman kung bakit nya yun nagawa. Gusto kong malaman kung pano ganunn kadali sa kanya na iwan ako. Marami. Marami akong gustong itanong.

Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko matanggap lahat ng sasabihin nya. Natatakot ako ng sobra.

Inayos ko na yung sarili ko at sumakay na sa kotse ko.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon