-----RM’S PART-----
“Hoy!” sigaw ni Rona sa Harap ko. “Umayos ka nga maglakad. Para kang Zombie.”
Bumuntong hininga ako. Isang lingo na. Isang linggo na mula ng maghiwalay kami ni Virg. Pagtapos nun, pakiramdam ko manhid na yung buong katawan ko. Para na ko living dead. Zombie. Gumagalaw pero parang patay na.
“Tara bigti?” sagot ko sa kanya.
Kinurot nya ko sa braso. “Gaga! Bigti ka dyan! Di pwede no! Kawawa si Xander kapag namatay ako. Malulungkot yun.” Nakangiting sabi nya.
Ito pa yung isang ikinakasakit ng loob ko eh. Kung kelan naglulukasa yung puso ko, nag pipyesta naman yung kila Rona at Roselle. Talaga nga naman oo. Ang timing, napakaganda.
Malungkot na ngumiti ako.
“Bakit ba kasi ayaw mo pang kausapin yung tao? Kesa ganyan na nahihirapan ka.” Concerned na sabi nya.
“Di na kailangan. Masaya na yun.”
“Pano ka nakakasiguro? Nakita mo na ba sya?”
Yun lang. Isang lingo ko na syang hindi nakikita. Maski sila Xander hindi alam kung nasan na sya. Wala na daw tao sa condo nya. Hindi ko alam. Baka pumunta na sila ni Lory sa America.
Parang maiiyak na naman ako sa naisip ko. Bakit ba kasi biglang umiral yung pagkapride ko? Sana nakinig ako sa kanya. Pero kung totoo yun, nasan sya ngayon? Kala ko ipaglalaban nya kami. Nasaan na?
“Xander!” Narinig kong sigaw ni Rona. Nakita ko na papalapit samin yung bandang Blue Jeans. At si Roselle. Pero wala si Virg.
Kumapit si Rona sa braso ni Xander. “Inaaya ako magbigti ni Rm. Unahin mo na nga sya.”
Natawa lang si Xander. “Puro ka kalokohan. Halika na. Umuwi na tayo.”
“Uwi na agad? Ang aga pa!” reklamo ni Rona. Nag pout pa ng lips. Pa cute din to eh.
“O sige, hindi na muna, date na lang.” Hinawakan ni Xander yung kamay ni Rona. “San mo gusto?”
Lumingon sakin si Rona. Parang nagbago yung isip nya. Siguro nag aalala sya sakin.
“Oh? Okay lang ako. Sige na, makipagdate ka na. Baka hindi na yan maulit. Sulitin mo na.” pinasigla ko yung boses ko.
“Sigurado ka? Wag ka magbibigti ha?”
Tumawa ako. “Gaga. Ang dali mo talaga utuin. Sige na.” humarap ako kay Kavs. “Oy, iuwi mo ng maaga si Roselle ha.”
Nag salute sya sakin. “Yes ma’am!”
“Sige na mga pre, ako na maghahatid kay Rm.” Narinig kong sabi ni Luigi.
Humarap ako sa kanya. “Okay lang kayo. Umuwi ka na rin.”
“Hindi. May sasabihin din kasi ako sayo.”
“Bye!” sigaw nung apat. Kami naman ni Luigi naglakad na.
“Kamusta na?” tanong nya.
“Maniniwala ka ba pag sinabi kong okay lang ako?”
“Hindi. Halata naman kasi sa mukha mo.” Nakangiti nyang sagot.
Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ko. “Haggard na ba masyado?” biro ko.
“Kumakain ka pa ba?” concerned na tanong nya.
“Oo naman. Patay na ko ngayon kung hindi.” Biro ko ulit.
“Pero hindi maayos. Ang payat mo na.”
Bumuntong hininga ako. “Walang lasa yung pagkain eh. Lagi tuloy ako nawawalan ng gana.”
“Tara dun.” Hinila nya ko sa kamay. Pumasok kami sa park malapit sa school. Umupo kami sa bench.
“Ano pala yung sasabihin mo?”
“Alam mo ba na bago mo nalaman yung tungkol kay Lory eh alam ko na?”
Hindi ako nagsalita. Bakit nya sinasabi sakin to?
“Sinabi sakin ni Virg. Hindi na daw nya kasi kayang solohin eh.” Natawa sya.
Lumingon ako sa kanya. “Bakit mo sinasabi sakin to?”
“Hindi ko alam kung anong napag usapan nyo nung naghiwalay kayo. Pero base sa nakikita ko sayo, hindi naipaliwanag ni Virg ng maayos yung sitwasyon nya. Tama ba?”
Tumango ako. “Hindi ko din sya hinayaang magpaliwanag.”
Huminga sya ng malalim. “Siguro alam mo naman na arrange marriage lang yun?”
Tumango ako.
“Nagulat din si Virg nung nalaman nya yun. Girlfriend ka na nya nun that time. Syempre, tumutol sya. Pero wala eh. Pinatong na sa kanya yung napakalaking responsibilidad. Nakasalalay yung pamilya nya dito.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nalulugi na yung kompanya nila Virg. Malaki kasi yung utang nila kila Lory. Si Lory naman, matagal ng may gusto kay Virg, bata pa lang sila may feeling na sya kay Virg. Dahil nga iisang anak na super brat, pinabigyan ng parents nya na ipakasal sila. Bayad na yung utang mananatili pa sa kanila yung kompanya. Syempre. Tutol si Virg. Pero pag hindi pumayag, ipapakulong yung papa nya. May sakit din sa puso ang lolo nya. Kapag nakulong yung papa ni Virg, babagsak na yung kompanya nila baka ikamatay pa ng lolo nya.” Mahabang paliwanag nya.
Nanghina ako. “Hindi ko alam…” mahina kong sabi. Ganun pala ang sitwasyon. Ang gaga ko. Bakit hindi ko manlang pinakinggan si Virg?
“You see? Mahal ka ng kaibigan ko. Natakot lang sya. Prinotektahan ka lang nya.”
Bigla akong naiyak. “Nasan sya ngayon? Alam mo ba?” hinila hila ko pa yung manggas ng damit nya.
Hinawakan nya yung kamay ko. “Halika, kanina ka pa nya hinihintay.”
Sumakay kami sa kotse nya na nakaparada malapit sa park.
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Novela JuvenilRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...