-----VIRG’S PART-----
BIRTHDAY KO NGAYON. Hinihintay ko mga kabanda ko kasi dito ako magcecelebrate sa condo ko. Syempre. Imbitado din ang girls. Kami kami lang naman eh.
Biglang nag ring yung doorbell ko. Baka sila na yun.
Sumilip ako sa peephole, nakita ko si Rona at Xander.
Binuksan ko yung pinto. “Yow! Aga nyo ah!” bati ko sa kanila. Pero totoo late sila. Usapan naming 6 pm. Almost 7 na.
“Sensya na pre. Ang bagal kumilos ni Rona eh. Happy birthday pre!” tapos may inabot sya saking nakabalot.
“Salamat.”
“Happy birthday.” Sabi rin ni Rona. Tapos may inabot din sya sakin.
“Salamat.” Napansin ko na parang medyo badtrip si Rona. Di na lang ako nagtanong. Mahirap na. Baka sakin pa mabunton ang bad trip nya.
“Parating na din daw sila Kavs. Sabay sabay na daw silang apat.”
“Okay. Upo muna kayo pre. Check ko lang yung ginigrill ko.”
Tumango lang si Xander. Si Rona medyo poker face. Ano kaya meron dun?
Inaayos ko na yung lamesa ng tumunog ulit yung doorbell. “Xander! Ikaw na magbukas!” sigaw ko sa kusina.
Ilang saglit pa narinig ko na yung boses ni Kavs. Ang pinakamadaldal. Pumunta sila sa kusina at binati ako at nag abot ng regalo. Hinanap agad ng mata ko yung nag iisang tao na hinihintay ko.
Nakita ko sya sa hamba ng pinto. Nakangiti. “Hi pogi. Happy birthday!”
Lumapit ako sa kanya. “Thank you!” inakbayan ko sya at giniya sa lamesa. “Regalo ko?” biro ko sa kanya.
Yumuko sya at may kinuha sa bag. “Here.” Nakayuko nyang abot sakin. Parang nahihiya sya.
“Jinojoke lang naman kita baby girl eh! Pero thank you!” niyakap ko sya. “Ikaw lang, sapat na.”
Yumakap din sya sakin.
“Tama na yang moment nyo dyan! Simulan na natin to at ng makarami! Gutom na ko eh!” pang iistorbo samin ni Kavs. Panira talaga to.
Natatawang humiwalay ako kay Rm. “Oy! Kumuha na kayo ng pagkain dito!” sigaw ko. Tapos sabay na sabay na silang pumasok sa kusina.
“Nasan si Rona?” tanong ko kay Xander. Si Rona lang kasi ang wala sa kusina.
“Kukuhanan ko na lang ng pagkain. May PMS ata eh. Kanina pa yan ganyan. Muntik pa nga kami hindi matuloy dito eh.”
“Nako, baka may nagawa ka na naman na hindi mo alam.” Sabi ko sa kanya. Inabot ko kay Rm yung plato na may pagkain. “Ito na sayo babygirl. Hintayin mo na lang ako sa sala.”
“Okay!” tapos pumunta na sya sa sala, nandun na din yung iba. Kami na lang ni Xander yung naiwan.
“Hindi pare. Goodboy ako this past few days. Di ko din alam problema nya eh. Puro ‘wala’ yung sagot pag tinatanong.”
“”Lasingin natin mamaya, para malaman natin.” Pagbibiro ko.
Binatukan nya ko. “Gago! Ikaw kaya lasingin ko sa suntok?”
Hinawakan ko yung ulo ko. “Grabe ka. Joke lang pre.”
“Naku kung hindi mo lang birthday eh!” napapailing na sagot nya sakin at naunna na syang naglakad sa sala.
Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na rin sa kanya.
NAKAPAIKOT KAMI sa carpeted floor. Tapos na kaming kumain at may mga beer in can na sa harap naming mga lalaki. Sa girls naman, tanduay ice lang.
“Pre! Bukasan mo na yung mga regalo namin! At ng Makita naman naming yung reaksyon mo.” Sabi ni Kavs.
“Oo nga.” Pag sang ayon ng iba. Tahimik lang si Rona at Rm. Bago to ha? Si Rona tahimik. Something’s really wrong.
“Ito na oh!” sabi ko. Inuna kong buksan yung regalo ni Kavs.
Namula yung pisngi ko. “Brief? Na may superman logo print?” Binato ko sa kanya. “Tado ka talaga!” tumawa lang sya ng malakas.
Yung kay Xander naman binuksan ko. “Wow! T-shirt!” Masaya kong sabi. Pero napasimangot ako ng Makita ko yung print sa harap. “Proud to be a MAMA’s Boy.” Binalik ko sa paper bag. “Isa ka ding shit sa earth pare. Hindi ako mama’s boy!”
“Ay hindi ba? Medyo lang?” pang aasar nya pa sakin.
Sumunod ko uling binuksan yung kay Luigi.
Natahimik ako sa regalo nya. Libro yung regalo nya. Status: It’s complicated yung title.
Napatingin ako kay Luigi. Ngumiti sya ng tipid.
“Ang bading naman ng regalo mo pre. Walang dating.” Biglang sabi ni Kavs.
“Walang pakielamanan.” Sabi lang ni Luigi.
Sumunod kong binuksan yung sa girls.. Yung kay Roselle.
T-shirt yung regalo nya, sana ikatuwa ko yung print nito.
“Wow! Greenday! Nice!” sabi ko.
Ngumiti lang sya. Sumunod kong inopen yung kay Rona.
Sketch yung regalo nya. Naka frame. Inisketch nya kami ni Rm. “Ang ganda!” sabi ko. Ngumiti lang sya ng tipid.
Syempre, pinakahuli kong binuksan yung kay Rm. Ano kaya laman nito?
Napangiti ako ng makita ko yung laman. Simple Plan Album. Kumpleto.
Tumingin ako sa kanya at nagsmile. “You’re so thoughtful baby girl. Thank you.”
Nag hiyawan yung mga kasama namin. “Kiss!!! Kiss!! Kiss!!” sabay sabay nilang sabi. Syempre, pwera si Rona, badmood nga eh.
“Ano babay girl? Kiss daw oh? Pagbigyan na natin?” pagbibiro ko kay Rm.
Hinampas nya ko sa braso. Magsasalita na sana sya ng may nag doorbell.
“Oh? May iba ka pang bisita?” tanong ni Xander.
“Wala na. teka nga, tignan ko.” Tumayo ako at binuksan yung pinto.
“Surprise! Happy birthday!”
“Lory?”
BINABASA MO ANG
This Love is Ours (Completed)
Teen FictionRm and Virg's relationship was almost perfect. Pero may mga tao na hindi masaya at tutol sa relasyon nila. Virg asked Rm to runaway with him. For Rm, it was a silly and a big decision. Pero dahil mahal nya si Virg, she took a risk. Sa araw ng pagtat...