Chapter 34

143 5 0
                                    

------VIRG’ PART----

“Here’s your chocoshake and cheesecake.” Iniabot ko kay Kae yung binili ko sa nadaanan naming bakeshop.

“Thanks aya!!” masayang sabi nya sakin. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng mag drive.

Kararating lang namin ng Pilipinas kahapon.

It’s been four years. Ang tagal na rin pala.

“Hmmm. aya, this is the best strawberry cheesecake I ever tasted!”

Tumawa ako. “Naku. Sige. Ibibili kita ulit nyan next time. Isang box na.”

“You really are the best kuya! Where we going ba?”

Ngumiti ako. “Sa Sta Ana Church.”

“Hindi naman Sunday ngayon ah.”

“Sunday lang ba pwede magpunta sa church?”

“Sabi ko nga.” Sumubo sya ng cake. “You want?”

“Sayo lang kulang pa yan.” Natatawa kong sabi.

Hinampas nya ko sa braso. “Che!”

IPINARADA ko yung sasakyan malapit sa simbahan. Bumaba kami ni Kae.

“Bakit parang espesyal sayo tong church na to Aya?”

Gulo ko yung buhok nya. “Aya ka ng aya. Chinese ka ba?”

(N/A: Aya means Kuya in chinese.)

Ngumisi sya. “Feeling lang.”

Umiling na lang ako at pumasok sa loob.

Bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari four years ago..

--FLASHBACK---

“Luigi..”

Sabi ko ng sinagot ni Luigi yung tawag ko.

“O pare. Bat ganyan boses mo? Anong problema?”

Tumikhim ako. “Can you pick up Rm at Batangas terminal and take her home?”

“May nangyari ba?”

“I’m leaving tomorrow.”

“What? I thought….  you’ll run away with her?”

Nagbuga ako ng hangin. “I can’t pare.”

“Bakit?”

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Hindi sya nagsalita.

“Luigi.”

Narinig ko na nagbuga sya ng hangin. “Parang gusto kong magalit sayo pre.”

“Okay lang magalit ka. Just pick her up, please?

Matagal bago sya sumagot. “Anong sasabihin ko?”

“Kung ano ang dapat.”

Nagbuga sya ulit ng hangin. “Sige. She’ll be mad for sure.”

“I know..” mahina kong sabi.

Then the call ended. Kinabukasan ng gabi lumipad na kami papunta ng America.

Walang kasalan na naganap pagdating dun.

2 years din ang itinagal ng gamutan ni Lory..

Ayaw na nyang mag stay sa hospital kaya sa bahay na lang sya nag stay.

Isang araw habang binabantayan ko sya bigla nya kong kinausap.

“Virg.. I’m sorry.” Nanghihina nyang sabi.

Gone with the Jolly ang full of life Lory. She lost her hair. She’s so thin ang so weak.

Tumingin ako sa kanya. “For what?”

Tumulo yung luha nya. “For everything.”

Hinawakan ko yung kamay nya. “Shhhh.”

“I’m sorry Virg for taking you away from her. I know I can’t give you the happiness you get when you’re with her. Before we fly here, I already gave you up. But when I found out that my sickness has no cure, I start to become selfish again.” Humigpit yung hawak nya sa kamay ko. Huminga sya ulit para kumuha ng lakas bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Sorry for being selfish. I just want to be happy before I leave this world. And thank you for giving that happiness to me. Pinapakawalan na kita Virg. I want to go to heaven peacefully.” Tuloy tuloy yung pag iyak nya. Hindi ko mapigilan na mapaluha na rin.

Hinaplos ko yung pisngi nya. “Matagal na kitang napatawad.”

Ngumiti sya kahit nahihirapan na sya.

“Please, come back to her. Send her my apology and ask for her forgiveness. I know you deserve each other. I’m really sorry Virg for loving you too much.”

Masuyong ngumiti lang ako sa kanya.

“I’ll watch you over from above.”

Yun yung huling salita na narinig ko sa kanya.

Nalungkot ako nung nawala sya. Dahil alam ko na kahit inilayo nya ko sa taong mahal ko hindi pa rin sya masamang tao. Sana payapa na sya kung nasaan man sya ngayon.

Isang buwan pagkatapos mawala ni Lory, inampon nila tita Gracielle si Kae.

She was their friend’s child. Kae’s parents died in a plane crash 3 years ago. Naghirap sila Kae dahil dun.

Dahil wala ng mag aalaga, nagpasya sila tita na ampunin na si Kae. At naging super close na din kami dahil itinuring ko na rin syang nakababatang kapatid. She’s 22 now.

Yung company naman namin ay okay na. Mas naging okay na sila daddy at pamilya ni Lory. Nagkasundo na sila. And Lolo still lives.

Hinahanapan na nga nya ako ng apo.

Pati sila mama at daddy. Even sila tita Gracielle.

Everything seems so perfect.

But still, I feel incomplete.

I still missed her. I still love her….

END OF FLASHBACK

Pinunasan ko yung luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala.

“Aya, you’re okay?” concerned na tanong ni Kae sakin.

Ngumiti ako. “I’m okay. Let’s go?”

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon