Chapter 5

214 8 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"

Sabay sabay kaming kumanta at pumalakpak ng hipan ni Rona yung birthday candle nya. Simple lang naman ang birthday celebration nya. Nagkaroon lang ng konting salo-salo sa likod ng bahay nila na ngayon ko lang nalaman na may ilog pala.

 Sobrang presko ng hangin. Medyo madami ring bisita, karamihan ay hindi ko kilala. Kasama rin pala ni Xander ang mga bandmates nitong sila Virg, drummer, si Kavs na guitarist at si Luigi na basist. Si Xander ang vocalist ng banda nitong Blue Jeans. Bibihira ko lang makita ang mga bandmates ni Xander. Si Rona lang kasi ang ka close ng mga ito.

            "Happy birthday friend." Humalik ako sa pisngi nya at inaboot ang regalo kong hikaw na ang design ay maliit at itim na gitara.

 

Mahilig din kasi sya sa music gaya ni Xander.

 

"Friend! Ang cute!" tuwang tuwa syang yumakap sakin."Thank you! Kilala mo talaga ako ee no?"

 

"Naman! Pati utot mo alam ko ibig sabihin”

 

"Yuck friend, wag ganun. Marinig ka nila." Tumawa sya tapos sinundot ako sa tagiliran.

"Kilala din kita, bukas sabihin mo yang problema mo sakin tungkol kay Paul mo ha? Kukurutin kita sa singit pag kinalimutan mo yan”

 

"Oo na madam! Kilala mo nga talaga ako. Pati buntong hininga ko alam mo ibig sabihin eh."

 

"Oo, at sa lalim ng buntunghininga mo na naririnig at naamoy ko kanina, dapat na nating idaan sa maboteng usapan yan! Tara dun!" Tinuro nya yung lamesa kung nasaan yung mga alak. Tas hinila nya ko dun.

Taray nitong babae na to ha. Nag eighteen lang may pa alak na.

"Papagalitan tayo ni tita nito!" sabi ko ng bigyan nya ko ng isang bote ng Tanduay Ice.

Kinatok nya ko sa ulo. "Gaga. Hindi ka malalasing nyan. Pwera nalang kung  uusbusin mo yung isang case. Wala ka naman siggurong balak gawin yon no?"

Natatawang kiniliti ko sya sa tagiliran. "Hindi naman ako kagay mo na magpapanggap na lasing para magpasundo sa "bestfriend" lang daw na si papa Xander."

Inilagay nya ang kamay nya sa bibig ko. "Shhhh. ang ingay nito! Marinig ka ng iba, akala pa nila totoo.” With matching nanalalaki pa ang mata ha.

 “Bakit hindi ba?"

Biglang namula ang pisngi nya. "Hindi no!”

 

"Okay, wala na kong sinabi. Pumunta ka na nga sa mga bisita mo.” Pagtataboy ko sa kanya.

This Love is Ours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon